IJO18-20

4.5K 100 2
                                    

Vanna POV
Nag aayos ako ngayon. Unang araw ko kasi sa Prenatal Center. Mag isa lang akong pupunta dahil may work Pa si Trevor.
Anyway. So yun after Kong mag ayos bumaba na ako. Tapos na akong magbreakfast kaya no problem na kami ni baby. Papalabas na ako nang makita si Trevor na nakasandal sa kotse niya.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang mapatingin siya saken at ngumiti.
Waaahhh. Eto na naman yung puso ko. Huhuhu
Nakabusiness suit siya ngayon na bumagay sakanya. Parang di babaero ang dating niya ngayon. Hahaha
Ugh. Bakit ko nga ba siya pinupuri? Eh ano ngayon kung gwapo siya? Eh ano ngayon kung crush ko siya?
Waaahhh. May sinabi ata akong nakakaderder ah. Di ko siya crush. At hinding hindi ko siya gusto. At hinding hindi ko na itutuloy yung Plano Kong paibigin siya. Baka ako Pa makarma eh wag na. Haha
"Tulala ka na naman sa kagwapuhan ng asawa mo misis ko"sabi niya saka napangisi.
Wahhh bakit ba kasi natutulala ako lagi pag kaharap ko siya? Huhu. Malala na ako.
"Kapal ng mukha. Ugh. Kala ko ba pumunta ka na? Ano pang ginagawa mo dito?"tanong ko saka siya inirapan.
"Syempre ihahatid ko lang ang misis ko"sabi niya saka napangiti.
Drooolllsss.
"G-ganon ba. Okay"sagot ko na lang saka sumakay agad sa kotse niya.
Woo. What was that? Natulala na naman ako sakanya.
Napahawak naman ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko.
Hindi dapat ako magpaapekto sa mga pacute niya.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na sumakay na siya sa kotse at nagstart na magdrive.
Hindi naman ako makatingin sakanya habang namumula. Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya kahapon. Hindi ako non pinatulog dahil parang nag eecho yun sa pandinig ko.
Ilang minuto lang nakarating din kami sa Prenatal Center.
Bumaba na ako sa kotse at hindi siya pinansin. Nagdiretso lang ako ng lakad papasok nang marinig Kong bigla siyang sumigaw.
"Wow. Ang sweet mo talaga misis ko. I love you too."sabi niya na nagpatigil saken.
Nilingon ko siya pero nakita ko lang siyang tumatawa saka umalis. Napapikit naman ako sa inis.
Ugh. Nakakahiya siya. Andami Pa namang tao yung nakarinig.
So yun nung makapasok ako tinginan saken yung mga babaeng buntis katulad ko. Di ko naman sila pinansin at umupo na lang.
"Hi."bati ng katabi ko.
Napatingin naman ako sakanya at napangiti.
"Hello."sabi ko.
This is what I loved about strangers. They trying their best just to catch my attention.
"Bago ka dito?"tanong niya saken.
"Yes. Ikaw?"tanong ko din pabalik.
"Kakapasok ko lang last week."sabi niya.
Napatango tango naman ako.
"Ilang months na tummy mo?"tanong ko.
"5 months na. Ikaw ba?"tanong niya.
"3 months Pa lang"sagot ko.
"3 months Pa lang pero parang hindi halata. Masyadong malaki tiyan mo para maging 3 months. Siguro malusog baby mo"sabi niya na nagpangiti saken.
"Siguro"sabi ko.
"Ayy ako nga pala si Shanel. Pasensya ka na. Tanong ako ng tanong pero di Pa ako nagpapakilala"sabi niya saka nilahad yung kamay niya para makipagkamay.
"Okay lang. Haha. I'm Vanna"sabi ko saka nakipagkamay din.
Ngumiti naman siya saken.
"Asawa mo ba yung sumigaw kanina na gwapo?"tanong niya.
Ugh. Sabi na nga ba center of attraction na naman ako. Lagot saken yung Playboy na yun mamaya.
"Oo. Ganon kasi siya manlambing. Hehe"sagot ko saka tumawa kunware.
Manlambing? Iwsss. Hahaha
"Aww. Ang sweet naman"sabi niya saka kinilig kilig.
So yun nagkwentuhan kami habang nakikinig sa Doctor na babae na nagdedemonstrate kung ano yung gagawin habang buntis.
I'm happy to have another friends.
Masaya naman akong kakwentuhan siya hanggang sa magpaalam na ako dahil pupunta Pa akong department store para bumili ng mga damit pang buntis. Nagpara ako ng taxi hanggang sa makarating kami sa SM Moa. Nagbayad naman ako saka lumabas na at pumasok.
Nagtuloy tuloy lang ako ng lakad hanggang sa makapunta ako sa Dress Section para sa mga buntis.
Namimili lang ako nang may kumulbit saken mula sa likod. Napalingon naman ako at nakita si Dale na nakangiti.
"Sabi na nga ba ikaw yan eh"sabi niya.
Napangiti naman ako.
"Bakit naman? Sinusundan mo ko no? Hahaha"pagbibiro ko sakanya.
"Hahaha. Grabe. Ang gwapo ko naman para sundan ka. Nakita lang kitang pumasok dito kaya pinuntahan na kita. Bakit hindi mo kasama si Trevor?"tanong niya.
"Nasa work kasi siya eh. Kaya mag isa ko"sagot ko saka nagtingin ng damit.
"Ahh. Ganon ba. Samahan na lang kita. Total bibili lang naman ako ng pabango eh"sabi niya.
Napalingon naman ako at napaisip.
Wala naman akong kasama kaya okay. Ayoko namang istorbohin sina Zy at Olive eh. Baka nasa school yung mga yun.
Haaayyy. Namiss ko tuloy mag aral. Huhu
"Sige."sabi ko at napangiti.
Ayun nga sinamahan niya ako. Bumili lang ako ng ilang dress after nun nagpasya na kaming umalis. Niyaya ko naman siyang kumain muna dahil nagugutom na ako. Habang naglalakad kami papunta sa kainan nahagip nang mata ko yung mga damit at gamit pambaby. Napatigil naman ako saglit at napatitig don.
Naalala ko. Wala Pang gamit si baby. Bilhan ko kaya siya? Hmm.
"Try kaya nating pumasok kesa titigan yun"sabi ni Dale.
Napatawa naman ako saka tumango.
Kaya yun pumasok nga kami at napangiti ako dahil ang cucute ng mga damit pambata.
Natutuwa naman ako habang nagtitingin tingin. Naexcite tuloy ako. Parang gusto ko nang makita yung baby ko.
"Natutuwa ka masyado. Bilhin mo na kaya no"sabi ng kasama ko.
Napatingin naman ako sakanya saka binalik ulit yung tingin sa mga damit.
"Hindi ko Pa alam kung tanong gender ng baby ko. Siguro saka na muna"sabi ko saka napangiti.
Napatango tango naman siya tapos inaya ko na siyang umalis dun dahil gutom na gutom na ako.
Pagdating namin sa kainan umorder agad ako ng mga gusto ko. Natatawa naman si Dale kasi antakaw ko daw. Eh gutom na gutom na kasi ako. Siya naman na ang nagbayad pagkatapos namin kumain. Pagkatapos nun nag ikot ikot Pa kami at namasyal. Di ko tuloy namalayan yung oras. Gabi na pala. Antagal ko kasing hindi namasyal sa mall kaya ayun nawala sa isip ko yung oras.
Eto na kami ni Dale nakasakay sa kotse niya. Ihahatid niya daw ako eh. Ilang minuto din ang itinagal ng byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagpark niya ng sasakyan bumaba na ako. Inaya ko naman siyang pumasok muna.
Pagpasok namin bumungad agad samen ang nakasimangot na mukha ni Trevor habang naka crossed arms.
"Ginabi ka ata ah. I mean kayo pala"sabi niya.
Woah. May mood swings ata tong damuhong to.
Napatingin naman siya kay Dale.
"Ahh. Nakita ko kasing mag isa siya kanina sa Mall kaya sinamahan ko na"paliwanag ni Dale.
Nanatili namang nakasimangot si Trevor.
"Next time magpaalam ka naman Misis ko. Kanina Pa ako naghihintay sayo eh. Kanina Pa kita kino contact pero di mo naman sinasagot. Pano na lang kung may nangyari sayong masama. Pinag aalala mo ako masyado"sabi niya na nagpalaki ng mata ko.
Woah. Nag aalala pala ang isang playboy na tulad niya pero ugh. Baka acting niya lang yan.
"Tigil tigilan mo nga ako sa acting mo. Hampasin Pa kita diyan eh"sabi ko saka nagmartsa paakyat ng hagdan.
Tinulak ko Pa siya dahil wala siyang balak na paraanin ako dahil nakaharang siya.
"Amazona ka talaga misis ko. Huhuhu."sabi Pa niya saka kunwareng umiiyak iyak.
Narinig ko namang napatawa si Dale.
Natawa din ako sa sinabi niya.
It's better to be Amazona than to be Marupok.
Baka kasi pag naging malambot ako mafall ako. Alam ko namang hindi niya ako sasaluhin pag nangyari yun.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon