IJO18-12

4.9K 92 2
                                    

Trevor POV
Friday na ng Gabi. Hindi ko Pa rin makalimutan yung nangyari nung nakaraang gabi.
WTH. Nangyayari ba talaga to? Woo. Para akong binabangungot.
Anyway nandito ako sa Bar kasama yung mga kaibigan ko. Nagkakasayahan lang kami nang may lumapit na babae saken saka kumapit sa braso ko.
"Hey babe. Can I join?"nakangiting tanong niya.
Napangisi naman ako. Pero biglang nagpop up sa utak ko si Vanna.
Ughh. Bakit ba niya ginugulo isip ko? Tss
"Amm. Ano. Wala ako sa mood eh. Just find another guy. Okay?"sabi ko saka napatingin sa mga tropa ko na nakanganga.
Padabog namang umalis yung babae.
"Mga bibig niyo"sabi ko saka uminom. Umayos naman sila at matiim na tumingin saken.
"Trev. May lagnat ka ba?"tanong ni Lance
"Baka naman sinasapian na?"sabi ni Gabriel
"O baka naman nagbabago na?"sabi naman ni Kiel.
"Baka may problema yan"sabi naman ni Dale.
Napabuntong hininga naman ako saka napatitig sa inumin ko.
"I'm going to be a father soon."sabi ko. Napatingin naman ako sa mga tropa ko. Halatang nagulat sila sa sinabi ko.
"Seryoso ba yan pare?"tanong ni Gab.
Tumango ako saka uminom.
"I can't believe it. Woo"sabi ni Lance saka napainom.
Maski ako. Di makapaniwala. Ayoko namang talikuran yung responsibilidad ko. Baka pag nalaman ng parents ko to sabihin Pa nilang napaka irresponsible ko tsaka tanggalan Pa ako ng allowance. San na lang ako pupulutin pag nangyari yun? Alangan namang mamakla ako? Yoko nga yun. Nakakadiri. Huhu
"Sino ba yung maswerteng babaeng nabuntis mo pre?"tanong ni Dale.
Inalala ko na naman ang maamo niyang mukha. Ang malamlam niyang mga Mata at inosente niyang mga titig.
"Yung nilapitan ko noon sa counter table pre. Di ko naman alam na Virgin Pa eh. Alam niyo naman ako di ba? Di pumapatol sa virgins."sabi ko.
Kung nag ingat lang ako noon. Arrrgghhh.  Tanga tanga mo kasi Trevor. Tss
"So magiging tatay ka na nga? Pano yung mga babae mo? Siguradong iiyak sila pag nalaman nila yan"sabi ni Kiel saka tumawa.
Napatawa din ako sa sinabi niya.
Sigurado akong maraming iiyak.
"Ito na talaga mga Brad. Karma ko na to. Hahaha"sabi ko saka tumawa.
"Dapat lang na icelebrate naten to di ba?"sabi ni Gab saka itinaas yung baso niya.
"Cheers para sa kaibigan nating magiging Tatay na"sabi niya.
Ginaya namin ang ginawa niya.
"Cheers"sabay Sabay na saad namin saka ininom yun.
So yun. Nag inuman lang sila. Tinigil ko na kasi haharapin ko Pa sila Mom at Dad mamaya. Uminom lang ako para pampawala ng kaba.
Magpapasama ako bukas para kausapin ang pamilya ni Vanna. Sigurado na talaga ako. Wala nang atrasan to. Magmula bukas matatali na ako. Huhuhu
Anyway to na nga. Nagpaalam na ako sa mga tropa ko at tinatahak ko na ngayon ang daan pauwi.
Tahimik lang akong nagdadrive nang mahagip ng mata ko yung papel na binigay ni Vanna. Inabot ko yun saka kinuha yung phone ko.
Gusto ko sana siyang tawagan. Pero baka tulog na siya eh. Maistorbo ko Pa ang beauty rest niya.
Teka? Bakit ko nga ba iniisip na tawagan siya? Wala namang kami ah.
Arrgghh. Nababaliw na ata ako. Hahaha. Tatawagan ko lang siya para bukas. Tama yun nga.
Kaya yun tinype ko na yung number niya sa phone ko at denial yun.
Nilagay ko naman sa tenga ko yung De Bluetooth na earphone.
Nagriring lang yun hanggang sa sagutin niya.
"Hello. Sino to?"tanong niya sa kabilang linya.
Bigla naman akong kinabahan.
Woo. Bakit nga ba ako kinakabahan? Narinig ko lang boses niya ganito na ako. Ano bang nangyayari sayo Trev? Huhu.
"Si Trevor to. It's already past 12. Why you're still awake? Di ba di pwede sa buntis ang mapuyat?"sabi ko.
Oppss. Wag kayong mag isip ng iba. Iniisip ko lang yung bata. Hehe
"Di ako makatulog. Parang may gusto kasi akong kainin"sabi niya.
Aww.  Naglilihi ang misis ko. Hehe
Nknang. Nagdidiliryo na ata ako. Waaahhh
"Ano bang gusto mong kainin?"tanong ko.
Narinig ko naman siyang naghmmm. Mukhang iniisip niya kung anong gusto niya.
Pagkaraan ng ilang Segundo.
"I want leche plan"sabi niya.
Nknang. Leche plan? Hatinggabi na may nagtitinda Pa kaya nun?
Siraulo ka kasi Trevor eh. Bat mo Pa kasi siya tinawagan? Yan tuloy mamomroblema ka Pa sa gustong kainin niya. Hay
Kailangan ko namang ibigay yun sakanya. Baka magtampo yung baby namin. Hihi
"Sige sige. Maghahanap ako. Daan ko na lang diyan sa bahay niyo. Uuwi lang ako sa bahay namin para kausapin Parents ko. Okay ba?"sabi ko.
"Sige. Bilisan mo ha."sabi naman niya. "Okay."sabi ko saka inend call.
Anyway ilang minuto lang ang nagdaan nakarating na din ako sa bahay. Binati naman ako ng ilang maid doon. Ngayon lang ulit kasi ako umuwi. Sa condo na kasi ako nakatira.
Dumiretso lang ako sa loob ng bahay hanggang makarating ako sa kwarto nila Mom at Dad. Kumatok naman ako hanggang sa buksan ni Dad yung Pinto.
"Ohh.  Trevor. Gabing gabi na. Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Dad habang pupungas pungas Pa.
Mukhang nagising ko siya.
"Si Mommy?"tanong ko.
"Natutulog na eh."sagot naman niya.
"Pwede niyo ba siyang gisingin? Urgent lang kasi tong sasabihin ko Dad"sabi ko.
Tumango tango naman siya saka pumasok sa kwarto nila.
Nandito ako ngayon sa sala hinihintay sila hanggang sa dumating na sila.
"Gabing gabi na Trevor. What are you doing here? Ano yung sinasabi ng Daddy mo na urgent yung sasabihin mo"tanong ni mommy pagkaupo niya. Napabuntong hininga naman ako saka tumingin sakanila.
"I need your help"sabi ko.
Nagtinginan naman sila saka binalik yung tingin saken.
"Ano bang tulong? May nangyari ba Trevor?"tanong ni Dad.
"I'm going to be a f-father"nauutal Kong sambit saka napayuko.
Napatingin naman ako sakanila. Kagaya ng reaksiyon nila Dale. Gulat din ang mukha nila na parang hindi makapaniwala.
"That's not a good joke Trevor"sabi ni Mom.
Nanatili naman akong nakatitig sakanila.
"So totoo nga? You're going to be a father? I told you before na magbago ka na. Tignan mo ang nangyari sayo. At the age of 19 magiging tatay ka na. Hay."sabi ni Dad saka napailing iling.
Alam Kong disappointed sila saken. Ramdam ko naman.
"Kaya nga po ako nandito para hingin ang tulong niyo na kausapin ang pamilya niya. Please. Ngayon lang ako hihiling"sabi ko.
Nknang. Bumababa pride ko neto. Huhu.
"Okay. Babalitaan ka na lang namin bukas. Gusto ko din namang makilala ang babaeng nabuntis mo at ang pamilya niya"sabi ni mom.
Napangiti naman ako saka niyakap sila.
Akala ko hindi ako mahalaga pero hindi ko lang talaga sila binibigyan ng pansin. Yung mga payo nila. Ako lang talaga yung naging matigas.
Anyways yun nga. After nun nagpaalam na ako at naghanap ng leche flan para Kay Vanna. Buti na lang at may natiyempuhan Pa ako. Bumili naman ako nun after nun nagdrive ulit ako habang tinatawagan si Vanna. Baka gising Pa yun kakahintay saken.
Nakailang ring ulit yung phone niya hanggang sa sagutin niya.
"Hello. Nakabili ka na ba?"tanong agad niya.
Mukhang hinihintay nga niya.
"Oo. San bahay niyo?"tanong ko.
So yun sinabi naman niya hanggang sa matapat ako sa isang 2storey house. May nakita akong bukas na ilaw sa 2nd floor. Mukhang doon yung kwarto niya.
"Nandito na ako"sabi ko sakanya.
"Sige bababa na ako"sabi naman niya saka inend yung call.
Naghintay naman ako sa labas nang makita Kong papalabas na siya. Binuksan niya yung gate nila at lumapit saken.
Naamazed naman ako sa suot niya. Napajama lang kasi siya at nakatali Pa yung buhok.
Napatulala na lang ako sakanya.
"Heey? Nasan na yung leche flan ko?"tanong niya na nagpabalik saken sa reyalidad.
Bakit kaya lagi na lang akong natutulala pag kaharap ko siya? Hmmm. Ahh baka maganda lang talaga siya. Hehe
"Syempre nandito. Sandali"sabi ko saka kinuha yun sa loob ng kotse ko.
Tuwang tuwa naman siya nang iabot ko sakanya yun.
Napangiti naman ako habang nakatitig sakanya.
"Salamat"sabi niya habang matamis na nakangiti.
Tumango naman ako sakanya.
Pakiramdam ko masaya na ako. Makita lang siyang masaya.
Nknang. Trevor. Nagdidiliryo ka na talaga. Hahaha

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon