IJO18-22

4.2K 78 0
                                    

Vanna POV
Ilang araw na ang nagdaan. Ilang araw ko na ding iniiwasan yung Playboy na yun matapos yung gabing yun. Nagpagawa nga talaga siya kay Manang ng Apple pie at kinain ko naman yun mag isa. Pag umaga hindi muna ako lalabas. Hihintayin ko muna siyang makaalis bago ako lumabas at magbreakfast. Wala naman akong problema sa tanghali dahil hindi naman siya naglulunch dito sa bahay. Pag gabi naman kumakain na ako agad tapos diretso na ako sa kwarto ko at magkukulong. Pag narinig ko namang meron na yung sasakyan kinakabahan na ako. Tapos magtutulog tulugan ako pag narinig Kong binuksan niya yung Pinto ng kwarto ko at mararamdaman ko na lang na lulubog yung side ng kama ko tapos hahaplusin niya yung buhok ko at hahalikan yung noo ko. Pagkatapos nun aalis na siya na parang walang nangyari saka ako didilat ng mata. Ganun lang naman yung nangyari netong mga nakaraang araw. Hanggat kaya ko kasi iiwasan ko siya. Hindi ko na kasi maintindihan yung sarili ko. Waahh. Nababaliw na ako. Huhuhu. Bakit nga ba ako umiyak nung gabing yun? Bakit ba ang rupok mo Vanna?  Huhuhu.
Anyways. Tama muna ang drama. Aalis ako ngayon pupunta akong Mall para makipagkita sa mga kaibigan ko. Miss ko na kasi yung dalawang Bakla na yun eh. Wednesday ngayon at wala silang pasok kaya naisipan nila akong yayaing lumabas. Di naman na ako magpapaalam kaya Trevor. Bakit Pa nga ba ako magpaalam? Wala naman akong pakealam dun. Hmp.
So yun nga after Kong mag ayos bumaba na ako at lumabas. Nagpara ako ng taxi palabas ng subdivision at papuntang mall. Ilang minuto lang naman ang naging biyahe at nakarating agad ako. Nagbayad naman na ako saka bumaba. Pagpasok ko sa Mall nakita ko silang naghihintay sa may mga upuan.
"Mga baklaaaa"natutuwang saad ko habang papalapit sakanila.
"Waahh. Baklaaa"sabi nila habang tumatayo at sinalubong ako.
Para naman kaming timang na nagyayakapan don. Haha
"Namiss ko kayo"mangiyak ngiyak na sabi ko.
"Namiss din kita baklaa"sabi ni Olive saka niyakap ako.
"Ako diiinnn"sabi naman ni Zy saka kunware umiiyak habang niyayakap ako.
Matapos ang madamdaming pagkikita namin nagkayayaan kaming umupo muna para magkwentuhan. Kaya ayun nagpunta kami sa Greenwich. Gusto ko kasi ng pizza eh. Haha. Umorder naman kami saka nagstart nang magchikahan.
"So musta ang buhay bakla? Di ka naman ba pinapahirapan ni Trevor? Hihi"kinikilig na saad ni Olive.
Ano bang pinagsasabi ng baklang to?
"Hay naku bakla. Privacy na nila yun bilang mag asawa. Naku ikaw talaga napaka chismosa mo"sabi ni Zy.
Natawa naman kami habang kumakain ng pizza.
Namiss ko talaga tong dalawang to.
"Basta bakla ha. Ninang kaming dalawa ni Zy. Tignan mo nga oh. Lumalaki na tiyan mo. Sana ako rin. Hahaha"sabi ni Olive na ikinatawa na naman namin.
Landi talaga ng baklang to. Haha
"Ako lang ang ninang. Ikaw naman ninong. Ikaw talaga landi landi mo. Hahaha"sabi naman ni Zy.
"Hayaan mo na Zy. Alam mo naman ninsan lang mangarap ang kaibigan nating Bakla"sabi ko saka napatawa ulit.
Ngayon lang ulit ako napatawa ng ganito. Sa bahay kasi stress na stress naku eh. Huhu. Kawawa naman ako.
Trevor POV
Nandito ako sa office habang may tinitignang papeles hanggang sa tinigil ko muna dahil sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung bakit ang lamig ng pakikitungo saken ni Vanna. Lagi niya akong iiniwasan. Mukha ba akong may nakakahawang sakit? Tss. Matapos ang gabing yun di na niya ako kinausap.
Sinisante ko na din yung babaeng yun. Masyadong makati yan tuloy di ako kinakausap ng misis ko. Namimiss ko na yung pambubugbog niya. Huhuhu
Anyways so yun. Mabilis na lumipas ang oras at hapon na susunduin ko Pa sa Airport sina Mom at Dad. Malapit na kasi ang pasko at gusto nilang magpasko kasama namin.
Naghanda na ako at pumunta sa kotse ko. Habang nasa daan hindi ko maiwasang isipin si Vanna.
Ugh. Bakit ko nga ba iniisip ang babaeng yun? Ang sakit kaya ng bukol ko dahil sa binato niyang remote ng TV sa ulo ko. Huhu. Ang bayolente talaga ng misis ko. Iba talaga maglihi ang mga buntis. Nakakatakot. Huhu
Ilang minuto lang ang naging byahe hanggang sa makarating ako sa Airport. Sakto naman pagpunta ko sa Waiting Area papalabas na sina Mom at Dad.
"Mom, Dad"tawag ko sakanila saka kumaway habang nakangiti.
Napatingin naman sila saken at lumapit.
"Oh Trevor. Where's Vanna? Akala ko Pa naman kasama mo siyang magsusundo samen?"sabi ni Mom.
Napakamot naman ako sa ulo saka umiwas ng tingin.
Err. Pano ko ba ipapaliwanag sakanila na Hindi kami nag uusap ni Vanna?
"K-kasi Mom masama ang pakiramdam niya kaya hindi na siya nakasama"pagpapalusot ko.
"Baka naman hindi mo siya inaalagaan ng mabuti. Hmm?"sabi ni Dad.
Ugh. Bat ba si Vanna ang iniintindi nila? Ako Kaya yung anak nila. Huhu
"Inaalagaan ko po Dad no. Alam niyo tara na lang po para naman makapagpahinga na kayo. Ihahatid ko na kayo sa bahay niyo"sabi ko saka kinuha yung maleta nila. Sumunod naman sila at sumakay sa kotse ko. Inistart ko naman na yung makina sa nagdrive.
"Gusto ko munang makita si Vanna. Baka kasi hindi maayos ang kalagayan niya"sabi ni Mommy.
Nknang. Wala ba silang tiwala saken? Grabe sila. Nahuhurt ako. Huhuhu
"O-okay po"sabi ko naman saka nagdrive papuntang bahay.
So yun pagkarating ko sa bahay. Pinark ko na yung kotse ko saka lumabas kami at pumasok sa bahay.
"Ayy magandang gabi po Mam. Ser. Ipaghahanda ko po muna kayo ng makakain"sabi ni Manang saka dumiretso sa kusina.
Nagpunta naman ako sa kwarto ni Vanna pero wala siya don.
Nknang. Gabi na ah. Nasan na naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Tss.
Denial ko naman ang number niya pero nagriring lang yung phone niya.
Aist. Yung babaeng yun talaga. Napaka tigas ng ulo sabi nang wag siyang lalabas ng hindi nagpapaalam saken at hindi ako kasama eh. Tss. Pinag aalala niya ako.
Pero anong sasabihin ko kina mommy at daddy? Huhu. Lagot ako neto sigurado ako.
Habang nag iisip ako ng palusot. Biglang may narinig akong pagpatay ng makina ng kotse sa harap ng bahay. Dali dali naman akong bumaba saka dumiretso sa pintuan.
"Trevor ano bang nangyayari sayo? Where's Vanna?"tanong ni Mommy.
Di ko naman siya sinagot at nagtuloy tuloy lang ako hanggang makarating ako sa labas at saktong lumabas si Vanna mula sa kotse.
Nagulat naman siya ng makita ako at biglang nagfade yung ngiti niya.
Bakit nawala bigla yung ngiti niya? Ang ganda na nga niya eh. Hihi.
Amp. Umayos ka nga Trevor. Tss
Nagpaalam naman na yung mga kaibigan niya saka umalis. Napatingin naman saken si Vanna ng malamig saka nilampasan ako na parang hangin.
Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko habang nakatitig lang sa likod niyang papasok ng bahay.
Hanggang ngayon galit Pa siya saken?
Nagkibit balikat na lang ako saka sinundan siya. Nakita ko naman siyang masayang nakayakap kanila Mom at Dad.
Buti Pa siya sa iba masaya. Samantalang saken nagfafade na bigla ang mga ngiti niya.
Bat parang ang sakit? Bakit ko nga ba nararamdaman to?
"Akala ko ba may sakit ka?"tanong ni Mommy sakanya.
"Ahhh. Ano. Stress lang po kaya sumama ang pakiramdam ko"paliwanag naman niya.
Napahinga naman ako ng maluwag dahil pinagtakpan niya ako.
"Iniistress ka ba ni Trevor?"tanong ni Daddy saka napatingin sakin.
"Medyo lang po."sagot naman niya.
Sabay namang napatingin sina Dad at Mom saken.
Hindi pala niya ako pinagtakpan. Tss. Wala na sigurong ibabait to. Huhu
"Bakit ka nga pala lumalabas ng hindi kasama si Trevor? At ginabi ka Pa. Bawal sa buntis ang ginagabi sa daan"sabi ni Mommy.
"Gusto ko po kaming kumain ng pizza eh kaya hindi ko na po inabala si Trevor. Tsaka kasama ko naman po yung mga kaibigan ko"sabi niya.
Ugh. Pizza. Naglilihi na naman.
Napatango tango na lang sila Mom at Dad habang ako tahimik.
"Is that so? Anyway. Dito na kami magpapalipas ng gabi ng Daddy mo. Pagod kasi kami sa biyahe eh. San ba ang guest room niyo dito at gusto Kong magshower"sabi ni mommy.
Nanlaki naman ang Mata ko.
Naku. Lagot. Hindi Pa naman nila alam na hindi kami magkatabing matulog ni Vanna.
Waaaahhh. Naiipit tuloy ako.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon