IJO18-28

3.9K 79 0
                                    

Vanna POV
Unti unti Kong minulat ang mga Mata ko pero malabo ang nakikita ko. Puro puti hanggang sa luminaw na.
"Vanna"nag aalalang tawag ni Mommy sa pangalan ko.
Napalingon ako sakanya hanggang sa maalala ko ang nangyari kanina. Bigla akong nagpanic.
"Mommy. Mommy ang baby ko. Kamusta ang baby ko?"naiiyak na tanong ko.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa baby ko. Huhu
"Safe si baby. Wag kang mag alala"sabi niya saka napangiti.
Kumalma naman ako saka napayakap kay Mommy habang humihikbi.
"Wag ka nang umiyak iha. Kami na ang bahalang kakausap kaya Adele tungkol sa ginawa niya sayo"sabi ni Mama.
Tumango tango naman ako at nagpasalamat. Humiwalay naman na ako sa yakap ni Mommy at naupo.
"Bunso. May nararamdaman ka bang masakit sayo?"tanong ni Kuya Raf.
Napailing naman ako at napangiti.
Kompleto ang pamilya ko dito kasi wala si Trevor. Nasan kaya siya?
"Nag alala kami ng husto sayo iha. Buti na lang at meron si Raf doon."sabi ni Papa.
"Siguro nakakaramdam ang dugo ko kaya naisipan ko po siyang puntahan"sabi ni Kuya Raf.
Napatingin naman ako sa tiyan ko at hinimas himas ito. Naramdaman ko namang gumalaw si baby. Napangiti akong napatingin sakanila.
"Bakit anak?"tanong ni Dad.
"Gumalaw po si Baby. Baka pinapahiwatig niyang okay lang po siya"sabi ko.
Napangiti naman sila.
"Naku nakakatuwa naman ang apo naten balae. Nasa tiyan Pa lang bibo na"sabi ni Mama kay Mommy.
Nagtawanan naman sila samantalang tahimik lang ako.
"Mommy"tawag ko kay mom.
Napatingin naman siya sakin. Hinawakan ko naman ang kamay niya.
"Mommy. Pwede bang sa bahay muna ako? Natatakot po ako. Tsaka stress na stress na din po ako sa bahay eh"sabi ko habang nakatungo.
Nangilid naman ang mga luha ko.
"Sigurado ka ba diyan iha?"tanong ni Mama.
Napatango naman ako. Nakita ko naman silang nagtinginan sa isat isa.
"Kausapin mo Yang anak mo. Hindi na talaga titino"sabi ni Mama kay Papa.
"Hay naku. Ang tigas talaga ng ulo ng batang yon"sabi ni Papa.
Bigla naman kaming napatingin sa Pinto nang bumukas ito at pumasok si Trevor. Bigla namang kumabog ang puso ko ng sobrang bilis.
Naalala ko. Isa din siya sa taong nagbibigay sakin ng stress. Hindi ko alam kung acting ba o seryoso siya sa mga sinabi at pinakita niya sakin noong mga nakaraang araw.
"Bakit kayo ganyan makatingin sakin?"tanong niya saka tumingin sakin at lumapit.
Lumabas naman silang lahat para bigyan kami ng privacy na mag usap.
Umupo siya sa hinihigaan ko at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry if I failed to protect you"pagsusumamo niya.
Napabuntong hininga naman ako at naramdaman Kong maluluha na naman ako. Napatingin ako sakanya at tumitig sa malamlam niyang mga Mata.
"Wag mong sisihin yung sarili Mo. Wala kang kasalanan"sabi ko.
Tumingin naman siya saken at kita ko sa mga Mata niya na sobrang nalulungkot siya at dismayado sa sarili niya.
"Pero napapahamak ka dahil sakin. Sorry"sabi niya saka tumungo at hinalikan ang kamay ko.
"May gusto akong hilingin sayo"sabi ko sakanya.
Napaangat naman siya at tumingin sakin.
"Ano yun?"tanong niya.
Nangilid bigla yung luha ko saka tumitig sa mata niya.
"Gusto ko munang umuwi sa bahay nina mommy"sabi ko.
Nabigla naman siya sa sinabi ko at hindi nakaimik.
Alam Kong malulungkot siya pero ayoko munang umuwi sa bahay namin na yun. Baka balikan ako ng babaeng yun at mas grabe Pa ang gawin niya sakin. Natatakot ako. Stress na stress na din ako at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya hanggat maaari iiwas ako sa panganib para sa kapakanan ng anak ko. Alam Kong kaya akong protektahan nila Kuya Raf at Ran kung hindi niya kaya. Hindi din naman siya magbabago kaya iiwas muna ako. Masakit din naman sa part ko pero anong magagawa ko? May damdamin din ako.
"Sigurado ka ba diyan? Pero pano yung bahay? Pano ako?"tanong niya.
"Kaya mo naman ang sarili mo di ba? Pwede mo namang iuwi yung mga girlfriend mo don kung gusto mo basta wala ako don. Natatakot ako baka ako na naman ang pag initan nila ng ulo"sagot ko.
Dismayado naman siyang napatingin sakin.
"Vanna. I promise I wont let happened again."pagsusumamo niya.
"Hindi. Buo na ang desisyon ko. Sa bahay muna ako nila mommy uuwi."sabi ko.
Napatango na lang siya at napayuko.
Gusto ko munang magpahinga at magrelax. Hindi ako safe sa bahay na yon.
Hindi naman na siya umimik at naupo na lang sa sofa. Hindi ko na din siya kinausap at humiga na lang ako.
Ilang sandali lang may nagbukas ng pintuan at tumambad ang mga kaibigan Kong may nag aalalang mukha at mugtong mata.
Ihh? Bakit sila umiiyak? Akala ba nila patay na ako? Grabe sila ah.
Pagtingin nila saken bigla agad silang ngumawa at biglang lumapit sakin at niyakap ako.
"Waahh. Bakla anong nangyari sayo? Jusko. Nag alala kami baka napano ka na"sabi ni Olive.
"Huhuhu. Oo nga bakla. Grabe halos habulin kami ng LTO dahil sa overspeeding mapuntahan ka lang"sabi naman ni Zyra.
Niyakap ko naman sila pabalik.
Buti Pa ang mga kaibigan ko. Handang gawin ang lahat mapuntahan lang ako. Kaya mahal na mahal ko sila eh.
"Okay lang ako. Aksidente lang ang nangyari kanina"sagot ko.
"Sigurado ka ba?"tanong ni Zy.
Tumango naman ako at napangiti.
Nagtagal Pa sila sa kwarto ko hanggang sa magpaalam na. Hindi ko naman pinapansin si Trevor.
Anyways ayun nga. Nagtagal Pa ako sa hospital ng ilang days pagkatapos nun nadischarge na din ako. Naghintay na lang sila mommy at daddy sa bahay. Si Trevor naman ang maghahatid sakin dun. Habang nasa byahe naiilang ako habang nakatingin sa labas.
"S-sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"pagsisira niya sa katahimikan.
Napabuntong hininga naman ako.
"Oo"sagot ko.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatango tango siya.
Hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinalubong naman kami ni Mom at Dad. Nang mailabas na niya yung mga gamit ko tumingin siya sakin. All I see in his eyes is sadness.
Aalis na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko.
"V-vanna"sabi niya.
Vanna? Hindi na misis ko. Hay. Argh. Bakit ko nga ba hinahanap ang tawag niyang yun saken? Tss. Kailangan mong maging matigas Vanna. Hindi ka uuwi hanggat hindi siya tumitino. Tama.
"Bakit?"tanong ko naman nung napalingon ako.
Dahan dahan siyang lumapit sakin at niyakap ako. Nafreeze naman ako at hindi makapagsalita.
"Sabihan mo lang ako kung gusto mo nang umuwi sa bahay natin susunduin kita agad"bulong niya.
Hindi naman ako nakaimik.
Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at tumitig sa mata ko habang nakangiti.
Nanlaki na lang mata ko nang halikan niya ako. Pero smack lang. Awtomatiko namang namula ang mga pisngi ko.
Hinalikan niya Pa ang noo ko saka nagpasyang umalis.
Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang sa kotse niyang papaalis.
Hindi din maawat sa pagkabog yung dibdib ko.
Ohmyg. What was that? Did he really kiss me? Waaaahhhh.
Nakangiti naman ako habang hinahawakan ang labi ko.
Feeling ko nakadikit Pa rin ang labi niya sa labi ko.
Kahit nasasaktan mo na ako hindi Pa rin magbabago ang nararamdaman ko sayo. I really love you Mr. Playboy ng buhay ko.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon