IJO18-65

768 33 4
                                    

Vanna POV

Huling araw at gabi na ni Dad. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya.

Kada pagpikit ng mata ko iniisip ko panaginip lang ang nangyari.

Iniisip ko buhay siya.

Iniisip ko nasa bahay siya kasama si mommy at nagwo work sa office niya.

Kaso pagmulat ng mata ko hindi na panaginip lahat.

Kasi totoo na.

Totoong wala na siya.

Ang buhay ng tao ay parang isang bulaklak. Habang nalalanta ang bawat talulot ay siya ring paglapit ng oras natin. Pag nalaglag na ang huling talulot ibig sabihin oras na lang ang bibilangin at magpapaalam na tayo dito sa mundong ibabaw.

Hindi matatakasan ang kamatayan. Nandiyan lang siya sa tabi at naghihintay ng panahon na kunin tayo.

Yun ang plano ng Diyos. Siya lang ang nakakaalam ng lahat ng bagay na maaaring mangyari at mangyayari pa lamang.

Lagi kong hinihiling na patatagin niya ang loob ni mom. Ang sakit sa dibdib na nakikita siyang laging umiiyak.

Lalo na ang mga kuya ko. Akalain mo yun? Si kuya Raf na masayahin biglang nalungkot. Si kuya Ran na tahimik nasaksihan kong umiyak.

Iba ang nagagawa ng pagkawala ng pinaka mamahal natin sa buhay.

Malulungkot tayo. Iiyak at matutulala.

Kayat wag nating sayangin ang pagkakataon na sabihin sa mga Mahal natin kung gaano natin sila kamahal. Dahil pag umalis siya ng walang paalam at biglaan. Magsisisi ka na Lang dahil yung gusto mong sabihin at ipadama sakanya hindi mo na magagawa pa kasi wala na siya.

Kahit na wala na siya. Kahit naman hindi mo nasabi lahat ng gusto mong sabihin sakanya bastat napasaya mo siya, Isa na yong dahilan para umalis siya ng masaya. Ang mga masasayang Alaala ay ibabaon niya sa kanyang memorya.

At yon ang iniisip ko.

Madaming masasayang nangyari saming pamilya. Lagi kaming nagkakaintindihan at sinusuportahan ang isat isa. Kaya masaya si Dad na umalis sa mundong ito. Babaunin niya ang pagmamahal namin habang buhay.

Napalingon ako sa paligid.

Maraming mga kilalang tao ang dumating. Mga kaibigan ni Dad. Kamag anak namin at kung Sino Sino pang natulungan niya at nagawan ng kabutihan.

Lahat sila nalulungkot at umiiyak.

Sigurado akong hanggang mamayang gabi madami pa ang pupunta.

Labas masok din ang ilang tumulong sa paghahanda ng kape at pagkain sa mga bisita.

Sa huling gabi din ni Dad na mamaya na magdadaos ng konting dasal at bukas na bukas ay diretso na sa simbahan hanggang sa memorial cemetery.

Ang gusto ni mom icremate si dad. Gusto niyang ilagak ang abo ni dad sa altar sa bahay para daw kahit wala na siya parang kasama pa din nila.

Unti unti na ding natatanggap ni mom na wala na si dad. Ayaw niyang malungkot dahil malulungkot din si dad.

Minsan binabaling na lang niya ang atensiyon niya sa kambal na nasa hotel ngayon at natutulog pa kasama ang mga kamag anak namin.

Tuwang tuwa sila na makita ang kambal dahil napaka gwapo daw nila.

Nung narinig naman yun Trevor bigla siyang ngumisi na parang aso. At syempre san pa daw ba nagmana? Edi sakanya.

"Sige na baby Gab. Pakiss lang. Hindi naman tayo mahahalata ng mga tao oh" boses ni Olive.

Nasa likuran sila. Magkatabi si Lance at Zy. Si Gab naman at Olive Ang magkatabi dahil hinila siya ni Olive bago pa umupo sa tabi ni Kiel na katabi ko.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon