IJO18-38

3.7K 79 2
                                    

Vanna POV
Abala kami ngayon ng tropa dahil pinaghahandaan namin ang birthday ni Trevor ngayon. Yes today is his birthday. December 22. Ang birthday ko naman July 30. Bisperas na ng pasko sa December 24. 3 araw mula ngayon. Mabilis na lumipas ang araw dahil wala naman nangyaring espesyal nung mga nakaraang araw. Nandito si Mama at Papa. Sila Mommy at Dad bukas Pa ang uwi. Sina kuya naman mamaya Pa ang punta.
"Waaahh Vanna nirerape na naman ako ng kaibigan mo. Huhuhu"sabi ni Gab habang nagtatago sa likuran ko.
Nandito kaming lahat sa kusina.
"Halika na papa Gab. Namiss kaya kita. Hihi"malandi niyang saad kaya Gab.
Natawa naman kami sa reaksiyon ni Gab dahil para siyang baklang natatae dahil sa asim ng mukha niya. Haha
"Tama na yan Bakla. Maawa ka naman kay Gabriel"saway ko kaya Olive.
Nanginginig na kasi sa takot si Gab.
"Naku. Pakipot ka Pa kasi papa Gab eh. Di Bale masosolo din kita mamaya. Bwahahaha"sabi niya saka tumawa ng nakakatakot.
Mas lalo namang nanginig sa takot si Gab.
"Huhuhu. Nakakatakot siya. Parang bruhang mangkukulam kung tumawa"sabi niya.
Natawa naman ako.
"Pagpasensyahan mo na siya. Patay na patay lang yun sayo."sabi ko.
"Okay lang. Ganito talaga pag gwapo kagaya ni parang idol. Hahaha"sabi niya saka napatawa at umalis.
Ugh. Isa ding mayabang kagaya ni Trevor. Tss.
"Vannaaa. Binubugbog ako ng kaibigan mo. Huhu"sabi naman ni Lance saka lumapit sakin.
Ugh. Ano bang problema ng mga to? Ang kukulit. Parang mga bata.
"Nambabae ka na naman siguro"sagot ko sakanya.
"Hindi no. Nagbabago na ako."sabi naman niya.
Maski si Lance na babaero nagbabago na din dahil kay Zy. Masyado atang natamaan ng husto tong si Lance sakanya. Hahaha. Tapos yung kaibigan ko namang tomboy tomboy noon nagiging babae na ngayon. Yun nga lang mana saken bayolente. Haha. Gusto niya din kasi si Lance kaya nagpaturo siya kung pano gumalaw at manamit pang babae samin ni Olive.
Hihi. Sa wakas nainlove din ang tomboy Kong kaibigan.
"Eh bakit ka naman niya bubugbugin?"tanong ko sakanya saka naghiwa ng carrots.
"Eh kasi. Humihingi lang ako ng kiss binugbog ako agad"sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon.
Natawa naman ako saka hinampas hampas Pa siya.
Grabe. Iba talaga kung maglambingan ang lovers na to.
"Hay naku. Idaan mo na lang sa santong paspasan."sabi ko sakanya.
Abot naman hanggang tenga ang ngiti niya.
Mukhang balak nga talaga niyang gawin ang advice ko. Hay.
"Mukhang magandang idea. Salamat Vanna"sabi niya saka nagpaalam.
Napapailing iling na lang ako habang nagtatadtad ng carrots.
Hapon na ng matapos kami sa pagluluto. Maya Maya dadating na si Trevor. Balak kasi namin siyang sorpresahin. Eh nung umaga nga di ko siya pinapansin kaya parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha niya habang nag aayos. Hahaha. Nakabili na din kami ng Cake at Confetti. May mga drinks din dahil balak nilang mag inuman Maya maya.
Anyways so yun umakyat muna ako papuntang kwarto para maligo. Iniwan ko muna sila don. Pagkarating ko sa kwarto namin naligo na nga ako at nagbihis ng bongga. Puro dress na sinusuot ko eh. Bilin ni Mama at Mommy magdress na daw ako dahil lalaki Pa ang tiyan ko. Naramdaman ko namang sumipa ng dalawang beses na magkasunod ang baby namin. Napangiti naman ako at hinaplos yun. Mukhang natutuwa siya dahil kaarawan ngayon ng Daddy niya. After ko mag ayos bumaba na ulit ako. Pagbaba ko nakaayos na sila sa may sala. Ilang minuto na lang kasi dadating na siya. Tumulong din ako tapos pinatay na namin ang ilaw.
"Kyah. I can't wait."saad ni Olive.
Mukhang excited na excited ang bruha. Hahaha.
Pagkaraan ng ilang minuto. Nakarinig kami ng pagpatay ng makina ng sasakyan. Mukhang nandiyan na siya.
Sumenyas ako Kay Kiel na nasa may switch ng ilaw na magready na. Nakarinig din kami ng pagsara ng pintuan at yabag na paparating. Mukhang papasok na siya.
Kinakabahan naman ako dahil sa excitement. Never ko kasing ginawa to kay Mike noon. Lalabas kang kami para magcelebrate tapos wala na kaya ito ang unang beses na susurpresahin ko ang taong mahal ko.
"Uhh? Patay ang ilaw? Miss kooo"tawag niya saken pagpasok niya.
Kitang kita namin siya kung pano luminga linga sa paligid.
"Yohoooo Misis ko. Nandito na ako. Nakakapagod magtrabaho. Sana meron akong score diyan mamaya. Hehehe"sabi niya.
Namula naman pisngi ko habang naririnig ko silang humahagikgik.
Naku naman Trevor. Ang harot harot mo talaga. Hayy. Nakakahiya tuloy.
Sumenyas ako kay Kiel na buksan na ang ilaw.
"HAPPY BIRTHDAAAYY"sigaw naming bati sakanya.
Naistatwa naman siya sa kinatatayuan niya at halatang nagulat siya sa nangyayari.
"Happy birthday to youu. Happy birthday to youu. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday Trevorrr"kanta namin at lumapit ako sakanya dala yung cake na may nakasinding kandila.
Halata sa mukha niya na natutuwa siya at naiiyak.
"Happy Birthday"bati ko sakanya habang nakangiti.
Bigla naman niya akong tinalikuran at nagpunas siya ng mukha tapos humarap na ulit siya sakin habang nakangiti.
"Ito na ang pinaka masayang birthday ko."sagot niya.
"Magwish ka muna bago mo hipan"sabi ko.
Pumikit naman siya pagkatapos nun hinipan niya na yung kandila.
"Happy birthday idoooll"masayang bati ni Gab at pinapaputok yung confetti.
So yun nagkainan na kami after nun naghanda na sila para mag inuman sa sala habang sini set up yung TV para magvideo oke.
Masaya naman ang lahat. Nakadating din sina Kuya Ran at Raf. Meron din si Dale. Mukhang okay na sila ni Trevor. Nirerespeto naman ni Dale ang relasyon namin dahil pinangako niyang hindi niya kami guguluhin. Natutuwa naman ako dahil unti unti na silang nagkakaayos.
Nagstart na silang mag inuman at kantahan. Nagpaalam naman na sina Mama at Papa dahil maaga Pa daw silang pupunta sa company bukas dahil din day off ni Trevor bukas hanggang 25.
Masyado naman akong napagod kaya pumanhik na ako sa kwarto at nahiga. Hinayaan ko na lang sila don. Pagod na pagod talaga ako. Huhu.
Pipikit ko na sana ang mata ko nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Trevor habang nakangiti. Naupo naman ako ng lumapit siya.
NP: Ikaw at Ako-Moira
"Bakit ka nandito?"tanong ko sakanya.
Ngumiti naman siya at kiniss ako sa lips pero smack lang.
"Hinanap kasi kita eh wala ka naman don kaya nagpunta ako dito at tama naman akong nandito ka"sabi niya.
Napatango tango naman ako.
"Masyado ka bang napagod?"tanong nya.
Inalalayan naman nya akong mahiga.
"Oo eh. Nakakapagod"sagot ko.
Humiga din siya sa tabi ko at maingat na inilagay ang ulo ko sa dibdib niya na parang unan ko lang. Napangiti ako nang marinig ang tibok ng puso niya na parang tinatambol sa lakas.
"Salamat sa sorpresa mo misis ko. Sabi nila ikaw daw ang nagplano nito. Natutuwa naman ako dahil may gumawa nun sakin hindi kagaya noon. Magpaparty lang sa bar tapos na. Kaya ito ang pinaka magandang regalong natanggap ko sa buong buhay ko"sabi niya.
Napangiti naman ako saka sinamsam ang bawat sandali senaryong ito.
Ang sarap sa pakiramdam ng magmahal. Nakakatuwa. Nakakatakot. Nakakabago ng pananaw. Hindi ko din aakalaing magagawa ko ang isang bagay na ikasasaya niya.
"Syempre mahal kita kaya dapat kang na sorpresahin kita"sabi ko sakanya.
Hinaplos haplos naman niya ang buhok ko at inamoy amoy.
Buti na lang naligo ako kanina. Hehe. Nakakahiya naman kasi maamoy niyang amoy pawis ako.
"Mahal din kita Vanna. Mahal na mahal."sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Napapikit naman ako at dinama ang labi niyang nasa noo ko.
Isa na namang pinaka mahalagang senaryo ang ibabaon ko sa aking puso kasama siya. Aksidente man ang nangyari sa aming dalawa. Naniniwala naman akong ito ang Plano ng Diyos. Ang pagtagpuin kami at maging isa. Ang bawat sandali na magkasama kami ay higit Pa sa saya na nararamdaman ko. Hindi ako magsasawang iparamdam sakanya ang wagas na pag ibig ko. Walang katumbas ang salitang Mahal Kita sa saya na nararamdaman ko. Hindi ko kailangan man makakalimutan ang ipinangako ko sakanya sa harap ng Diyos at lahat ng nakasaksi sa kasalang naganap noon. Isa siya sa pinakamagandang blessing na natanggap ko at pinagsasalamat ko at sabay naming haharapin ang bukas ng magkasama sa isang mundong magulo at puno ng panghuhusga.

I'm Just Only 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon