Preface

28 0 0
                                    

Disclaimer: This novel's story is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are wholly imaginary. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

"Hoy, Rye! Dito!"

Paglabas na paglabas ko palang, narinig ko ng sumisigaw si Ate mula sa mga nakahilerang sasakyan sa labas ng airport. Nakadungaw lamang siya at kinakawayan ako. Napakadaming tao dito bakit dito pa siya nag-park? Eskandalosa talaga 'to.

Nagmadali akong pumunta sa pwesto niya at binuksan ang pintuan ng passenger seat. Pagpasok, binato ko lang sa likuran ng sasakyan ang dalawang dala kong bag.

"Hoo, ikaw na ba 'yan Rye? Korea lang pala ang  magpapa-puti sayo!" Halakhak ni ate sa tabi ko. Nagsimula na siyang mag-drive dahil nakaka-abala na kami sa dinadaanan ng mga ibang sasakyan. Sino ba naman kasing nasa tamang katinuan ang maghihintay dito sa mismong gitna?!

"Ang ingay mo naman, Ate! Nasa tabi mo lang ako oh!" Sigaw ko naman sa kanya. Napaka-ingay eh.

Nilakasan ko 'yung aircon sa harapan dahil hindi ako sanay sa klima ng Pinas. Para akong sinusunog dito. Paano ba naman, naka long sleeves na puti ako tapos naka suit jacket pa. Para akong a-aattend ng press conference sa Malacañang.

"Grabe Rye, kung makikita ka lang nila Mama at Papa, hindi ka nila makikilala! Kailan ka natutong mag-damit ng ganyan?" Patuloy niyang tanong sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa mahigit limang taong kong pananatili sa Korea, madami ng mga pagbabagong nangyari sa akin.

"Malamang sa trabaho ko. Alangan namang mag t-shirt lang ako dun, edi nangisay ako sa lamig." Masungit kong sabi.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at binago 'yung sim na nandoon. Iniba ko 'din 'yung oras para umayon sa PH time. Sunod kong tinignan 'yung messenger ko. Halos sumabog na sa daming message.

Kim G: hoy hoy hoy nasaan ka na? nasa pinas ka na baa

Jess: walang talkshit tol ah, wait ka namin

K Lee: Pi, sabihin mo lang kung need mo sundo. XR ah, 7pm.

At madami pang ibang messages na galing sa kanila. Ano sila excited? Sinabi ko naman na matutuloy ako ngayong araw. Alam kong madaming beses ko na silang tinalkshit dahil nga akala ko makakauwi ako last year, ang kaso na-extend 'yung kontrata, alangan hindian ko diba.

"Saan ka di-diretso? Balita ko may celebration kayo sa bayan ah. Birthday ba ni K?" Seryosong tanong ni Ate.

Dumidilim na 'din 'yung paligid. Bale eksakto 6:30 PM na. Sakto lang pala ang oras ko. Hindi ko manlang napansin 'yung bilis ng byahe namin dahil wala namang masyadong traffic.

"Oo, birthday daw niya. Idaan mo nalang ako sa XR. Kanina pa nag-iinaso 'tong tatlo." Sagot ko. Kulang nalang i-video call ako ni Kim G dahil sineen ko lang siya sa messenger.  Mauupakan ko 'to pagkita namin mamaya.

"Aysus, miss na miss ka lang! Sino ba naman kasing umalis ng walang paalam?" Hiyaw pa ni ate. May mga bagay talaga na kahit anong gawin mo hindi nagbabago, ano? Tulad nalang ng pagiging hyper ni Ate. Partida, nasa late 30's na 'to.

Nasilayan ko na ang entrance papasok sa bayan namin. Binaba ko ang bintana sa gilid ko. Nakakamiss 'din pala ang simoy ng hangin sa bayan ng Arevalo. Limang taon na 'din ang lumipas simula noong huli akong nakatapak dito. Napansin ko 'din na may mga bago ng establishments sa bayan. Maliwanag na 'din ang mga daan, hindi tulad ng dati.

"Here we go." Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang club. Dito daw kasi 'yung reception ng birthday ni K. Napaka-yaman talaga ni Totoy kahit kailan.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon