25th.

10 0 0
                                    

25th.

"Mom.. Hello?"

Tumayo si Shey at dumiretso sa labas ng kwarto. Nag-wait sign pa siya sa akin, kaya tumango nalang ako. Sinuot ko ang polo shirt na suot ko kanina, bigla akong tinamad maligo. Naisip ko pwede ko naman pala ipa-deliver dito sa taas 'yung dinner namin.

"Yah.. Kanina pa natapos ang class.. But I went out kasi.." naririnig kong sabi ni Shey.

Kahit ayoko sanang makinig sa usapan nila ng Mama niya, naririnig ko parin. Medyo maliit lang kasi 'yung space ng lugar. Sobrang tahimik pa, kaya kapag may nagsalita, rinig na rinig.

"I'm sorry, Mom. I should have called you... Akala ko kasi mabilis lang.. Pero o-overnight sana kami."

Kami? Bigla tuloy akong na-curious, kaya dumiretso ako malapit sa pintuan ng kwarto. Sinong sinasabi niyang kami? Madami ba 'kaming' dalawa?

"Yah, I'm with Cel and Ladz. You know, my friends.. It's my birthday naman."

Napa-"oh" ako. So ang paalam niya pala ay kasama ang mga kaibigan niya.. at hindi ako?

"Sorry, Mom. Sa susunod tatawag ako agad.. I'll be very careful. I'll call you tom." sagot pa niya.

Kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila, pero dumiretso na akong humiga sa kama. Ayoko nalang marinig.

Mabuti nalang may free wifi sa condo, kaya naki-connect ako para ma-check ang messenger ko. Gagu, ang daming chats! Pero puro GC lang. Nakita kong binati nila Gil si Shey sa GC namin. Lahat sila bumati! Sinend din pala dito ni Celine 'yung picture namin kanina.

Kim G: Tangina lupet mo tol!

Jess: Please umuwi kang buo, tol. Happy birthday Shey!

Alezia: Damn, you two look good together! Hbd bebe Shey! See u soon pls

Gil: Tangina sana allll!!!!!!!!!

K: Happy birthday sheyyyyabooo! enjoy kayo ni Pi

Gwen: Sweet :) Happy birthday Shey shey!

O 'diba may kanya kanya silang entry! Hindi pa nakita ni Shey 'yung mga bati nila kaya wala pang reply. Ako, puro 'haha' react lang. May PM 'din sa akin si K, na mag-ingat daw ako at huwag daw akong gagawa ng bata, hindi pa daw siya ready maging Ninong. Taena, si OA.

"Rye?"

Naantala ang pags-scroll ko noong pumasok ulit si Shey sa kwarto. Tapos na ata silang mag-usap ng Nanay niya.

"Oh? Kain na tayo? Pa-deliver ko nalang dito?" hindi ko siya tinitignan.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin at humiga sa braso ko, "Sige, wala na 'din akong energy!" sagot niya.

"Sure." matipid kong sagot. Sunod kong tinawagan ang reception area para sa pagkain namin. Early dinner at 4PM! Pwede naman kaming mag-midnight snack mamaya.

"By the way, I'm all goods na! Pinayagan na ako ni Mommy.." natutuwa niyang sagot. Yumakap pa siya sa akin.

"Oh? Kasi you are with your friends naman?" natatawa kong tanong. Pero in reality, 50% joke 50% serious 'yun.

"What?" nakakunot niyang tanong.

"Sabi ko.. You are with your friends naman kaya ka pinayagan." nagpeke pa ako ng tawa.

Napaupo siya bigla mula sa pagkakahiga. She crossed her arms at halatang nainis ko, "What now, Rye?" tanong niya.

See? Galit nga.

"Ha? Anong what now?"

"Anong gusto mong sabihin?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Nagkibit-balikat ako habang nags-scroll nalang sa FB, "Wala. Ang sabi ko, anong gusto mong midnight snack mamaya?" pag-iiba ko ng usapan.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon