2nd.

14 0 0
                                    

2nd.

"Sa wakas. Nakauwi din." pasado alas-syete ng gabi ako nakauwi. Walang hiyang Professor yun. Kapag ako natapos at yumaman, papaluhurin ko siya sa harapan ko. Nadali eh! Pinag-community service pa ako. Kaya ang ending, ayun naglinis ako ng banyo at tumulong sa library after ng klase namin.

Imagine from 8:30 AM - 4:30 PM ang klase ko ngayong araw. Nabigla nalang ako pinatawag ako ni Tanda sa office dahil hindi niya daw nagustuhan ang pinakita kong ugali sa klase. Akala ko sapat na 'yung pinahiya niya ako sa klase koong umaga, tapos pinaglinis pa ako!

Lord, 'di ko pinangarap maging utusan. Badtrip ako sobra. Isa pa 'tong loko-loko kong kaibigan na nilaglag ako sa mga teachers. Langyang K! Akala ko ide-deny ako, 'yun pala tinraydor 'din ako. Sinabi niya pa ang buong pangyayari bilang ganti sa akin.

"Oh anak, mabuti maaga kang nakauwi ngayon?" salubong ng aking ulirang inay. Nasa sofa kasi ako ngayon habang nagtatanggal ng rubber shoes.

"Maaga ba ang alas-syete Ma? Dapat kanina pa akong 4:30 nakauwi!" pagsisimangot ko.

"Himala kasi at parang wala kang lakad ngayon. Alam mo na, sanay kami ng Papa mo na umuuwi ka ng madaling araw, lasing na lasing at suka ng suka."

Natawa naman ako sa naging reaksyon ni Mama. Tumayo ako at inakbayan ko siya. Nakanguso pa!

"Ma, okay lang namang sabihin mong namimiss mo ako. Don't worry hindi ko naman ipagkakalat eh. Atin atin lang." nginitian ko siya ng nakakaloko.

"Ikaw talaga." at saka niya pa ako kinurot sa tagiliran.

"Aray naman, Ma! Wala namang ganyanan. Kawawa naman yung abs ko." umakting pa ako na kunwaring masakit ang parteng siniko niya. Si Mama talaga! 'Di pa umamin eh!

"Kumain ka nalang diyan. Pinagluto kita ng dinner mo. Aalis kaba?" nakasimangot niya paring tanong sa akin.

Umupo naman ako sa harapan ng mesa. Ang daming nakahain. Sakto sa sobrang pagod ko ngayong araw!

"Bakit mo ba ako pinapaalis, Ma? Stay lang ako sa bahay ngayong gabi. Promise." plus kindat pa. 'To kasing si Mama alboroto ng alboroto. 'Di uso chill.

"Sige. Puntahan ko na Papa mo. Iligpit mo nalang yung mga pinag-kainan mo diyan." tumungo nalang ako bilang sagot at saka na siya umalis. Nauna na siguro silang kumain. Ganun talaga ang ganap namin dito sa bahay. Once in a blue moon lang nagkakasabay kumain.

Sinumulan ko na ang pagkain ko. Pagod na pagod talaga ako. 'Wag na 'wag talagang magpapakita sa akin si Tanda, mauupakan ko yun! 'Yan tuloy, hindi ako makakalarga ngayong gabi dahil K.O na K.O nadin ang katawan ko.

Tama si Mama. Lagi akong wala sa bahay at lagi kong kasama ang tropa. Lalo na kapag ganitong oras, 7-10 pm? Laklakan time na! Syempre laman kami ng mga restobars at clubs dito sa bayan ng Arevalo. Nakahiligan na kasi namin kaya di na maiwasan. Tubig nalang ang alak, at parang umaga nadin ang gabi sa amin.

Buhay pariwarang lalaki? Oo, siguro. Pero pagdating naman sa pag-aaral, pokus na pokus din naman ako. Maipagmamalaki ko naman na hanggang ngayong 5th year ako, scholar and regular parin ang koya mo. Last 2 sems ko nalang then graduating na. Sa wakas!

"Oh Rye, nandyan kana pala." Si Papa. Lumabas siya mula sa kwarto nila. Tapos sumunod si Mama na may dala-dalang mga nakatuping damit.

"Oo, Pa. Kain." Imbita ko sa kanya. Tumango lang siya at dumiretso sa sala. Narinig kong binuksan niya yung TV at mukhang manonood na ng Netflix. Sana all.

"Idala mo sa kwarto mo itong mga damit mo ah. Hindi kusang maglalakad mga 'to." Utos ni mama.

"Oks, Ma. Badtrip kana naman." Tawa ko pa.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon