36th.

18 0 0
                                    

36th.

Hindi ko na siya pinansin. Kahit naririnig kong tumatawag siya sa likuran ko, hindi ko na siya tinignan pa. Dumiretso ako sa labas ng mall, at doon na ako nag-book ng Angkas papuntang terminal. 5PM palang naman kaya hindi naman siguro ako gagabihin masyado.

"Rye.. Please 'wag ka namang umalis ng ganito." sumunod parin talaga siya kahit paulit-ulit ko ng sinabi na 'wag na.

Ayoko nalang talaga siyang patulan, kahit abot langit na ang galit na nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi nalang siya umalis at dumiretso doon sa ka-meet up niya? Pucha, kung alam ko lang na may ganoon na pala siyang ginagawa hindi na sana ako nagsayang pa ng oras na pumunta dito.

Nakarating na ang na-book kong Angkas. Sinusubukan niya parin akong pigilan pero hindi ko na talaga siya tinignan pa. Wala ng tamang pumapasok sa isipan ko ngayon, gusto ko nalang makauwi agad.

Nakarating kami sa terminal after 15 minutes. Sinwerte 'din naman ako dahil may halos paalis ng bus pa-Arevalo. Kanina pa nagvi-vibrate ang cellphone sa bulsa ko kaya tinignan ko iyon nang makaupo na ako sa bus.

Shey: Rye. I'm so sorry.

Shey: I can explain everything :( let me, please?

Kumunot lang ang noo ko. Seryoso ba talaga siya? Ano pang klaseng paliwanag ang gusto niyang marinig ko? Nabasa ko naman na ang lahat kaya klaro na sa akin. Nagloko siya, 'Yun na 'yon. Tapos ang usapan.

Tinurn off ko ang cellphone ko at binato iyon sa loob ng bag ko. Pinikit ko muna ang mga mata ko at halos gusto ko ng suntukin ang salaming nasa harapan ko.

Tangina. Kapag naalala ko lahat ng nangyari simula noong February.. 'Yung biglaan nalang siyang nagbago at nanghingi ng space. Hindi ko man lang naisip na may iba na talagang dahilan.. Grabe 'yung binigay kong tiwala sa kanya. Tsaka pucha, si Shey na 'yun eh.. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Naniwala akong hindi niya ako kayang saktan..

Tapos ako.. Sa akin niya binabato na ako ang may gusto kay Gwen? Na ako ang may chance na magloko sa amin? Sa tuwing naaalala ko lahat, nakakapang-galit ng sobra.. 'Yung handa talaga akong talikuran ang lahat ng ayaw niya, maging okay lang kami. Kahit kalimutan ko na ang pagkakaibigan namin ni Gwen, kaya kong gawin iyon para sa kanya.

Tapos ganito ang isusukli niya sa akin?

Mabuti nalang talaga at wala akong katabi ngayon. Kusa na kasing tumutulo ang mga luha ko. Nakita ko na naman 'yung sarili ko sa ganitong sitwasyon. May iba na naman. Hindi ba pwedeng dalawa lang sa isang relasyon? Kailangan ba lagi talagang may isang eeksena? Kasi tangina, alam niya 'yun eh. Alam niya 'yung napagdanan ko kay Eris.. Alam niya 'yung trauma na naranasan ko. Pero, ginawa niya lang ulit.

Nanatili akong nasa ganoong posisyon hanggang sa makarating kami sa Terminal. Mga alas otso na ng gabi 'yon noong makarating kami. Dumiretso akong sumakay ng trycicle, pero wala akong planong umuwi ngayon.

"Sa XR, boss." sabi ko sa driver.

Alam mo 'yun? Hanggang sa huli alam ko sa sarili ko na nilaban ko ang relasyon namin. Hindi nga ako sumuko kahit paulit-ulit ng sinasabi ni Gil dati na tumigil na ako.

Wala eh, mahal ko kasi talaga siya. Mahal na mahal ko siya, eh. 'Yun ang pagkakamali ko.

Noong gabing iyon, nakita ko nalang ang sarili ko na halos ubusin ang lahat ng alak na nasa harapan ko. Gusto ko nalang gumising kinabukasan na dapat limot ko na ang mga nangyari ngayong araw. Sana panaginip nalang lahat ng 'to. Sana isang masamang bangungot nalang lahat ng 'to. Tapos bukas paggising ko, okay parin kami.. Maayos parin ang lahat.

Pwede ba 'yun? Pucha, pwede bang hindi nalang totoo lahat? Pwede bang may sumampal nalang sa akin? Magising man lang ako sa masamang panaginip na 'to. Kasi tangina, durog na durog na talaga ako.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon