30th.

10 0 0
                                    

30th.

Bumungad sa akin ang umiiyak na si Gwen na lumabas mula sa Fire Exit. Kalat na sa buong mukha niya ang kanyang eyeliner at ang nasira na niyang make-up. Wala na 'din sa ayos ang lipstick na suot suot niya. Magulo ang kanyang buhok at hingal na hingal siyang lumabas dito.

"Anong nangyari sayo?!" nagpa-panic kong tanong sa kanya. Kahit hindi pa ubos ay tinapon ko na ang yosing hawak-hawak ko. Nakita ko pang dumudugo ang gilid ng kanyang labi. Pucha, anong nangyari sa kanya?!

Hahawakan ko na sana siya para hindi siya ma-out of balance. Ang kaso tinignan niya lang ako ng masama at tinuro pa ako gamit ang kanyang kanang hintuturo.

"Ikaw na naman? Bakit? Bakit ikaw na naman?" nafu-frustrate niyang sabi. Pabalik-balik lang siya sa paglalakad.

"Huminahon ka nga. Anong nangyari sayo? Maayos ka pa kanina ah?!" iniwan ko lang silang nag-iinuman kanina sa loob. Wala pang mahigit kumulang isang oras ang lumipas, tapos ganito na ang nangyari? Nagkagulo ba sa loob?!

Isang knitted na long sleeeves na black ang suot niya ngayon. Naka-palda lang siya ng puti at naka-fish net. Pagtingin ko sa tuhod niya punong-puno rin ito ng mga bagong pasa.

"Sinong may gawa neto? Syota mo na naman?" naiirita ko ng tanong.

Tinaasan niya pa ako ng kilay at hindi man lang pinansin ang tanong ko. Nandoon lang siya, nakasandal sa pader at panay ang kagat sa daliri. Tumutulo parin ang kanyang mga luha. Sa sobrang inis ko, pumunta ako sa harapan niya at hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat.

"Ano ba, Rye! 'Wag mo akong hawakan!"  pagpupumiglas niya.

"Pupunta tayo sa hospital. Napaka-dami mo ng sugat at bugbog!" pagalit ko ng sabi. Hindi na ako natutuwa sa mga nakikita ko sa kanya. Bakit niya ginawa sa sarili niya 'to?!

"The hell you care! Ano bang pakialam mo? Why don't you just go inside and drink with your friends!" galit na galit niyang sabi habang tinutulak niya ako palayo sa kanya.

"Tapos ano, iiwan kita dito? Tapos babalik kana naman sa tarantado mong syota?!" nag-iigting na ang bagang ko sa sobrang inis na nadarama ko. Napaka-kulit niya at hindi man lang makaintindi. Tapos ngayon, nakikita ko pa kung paano siya kung masaktan habang hinahawakan niya ang tiyan niya.

"Wala kang pakialam, Rye. Kahit mamatay ako dito, wala lang dapat sayo 'yun.. Tangina kasi, bakit ikaw nalang lagi!" bumuhos ang mga luha niya sa harapan ko. Nasa noo niya ang kanyang kanang kamay at patuloy na pinupunusan niya ang kanyang mga luha, "Ang dami daming pwedeng taong makakita, bakit ikaw na naman? Lagi mo nalang ako nakikita sa ganitong sitwasyon? Lagi nalang!" galit na galit siya. Tinulak niya ako palayo sa kanya at patuloy parin sa pag-iyak.

"Gwen, please. Maawa ka naman sa sarili mo!" sabi ko sa kanya. Pero ganoon parin, tinignan niya lang ako ng masama habang hirap na hirap na siyang makatayo.

"Buhay ko 'to. Bakit mo ba ako pinapakialaman? Bakit ba lagi mo akong pinapakialaman, ha?" sigaw niya.

"Malamang may pakialam ako sayo!" naiirita ko ng sabi. Mabuti nalang pala at masyadong madilim at malayo na sa parteng ito. Kahit gaano kalakas ang mga sigawan namin, mas malakas parin ang ingay sa loob ng club.

"Eh bakit nga?! Tangina niyang concern at pakialam mo, lagi nalang akong napapahamak! Hindi ko kailangan 'yan! Hindi ko na kailangan 'yan!" pagmumura niya. Nabigla ako sa bawat salitang sinasabi niya. Bakit ba galit na galit siya sa akin? Wala naman akong ibang gusto kundi ang tulungan lang siya.

"Tanong ka ng tanong kung sinasaktan niya pa ako! Ano naman kung sinasaktan niya ako? Dapat talaga noong una palang na nakita mo kami hindi kana nakialam.." dagdag pa ulit niya habang patuloy na umiiyak sa harapan ko. Tama ba ang naririnig ko? Hindi ko alam pero nainis ako bigla.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon