10th.

14 0 0
                                    

10th.

"Huh? Bakit nandito ka?"

Nadatnan ko si K na nakaupo sa kama niya, may kinakalikot sa laptop. Hanggang ngayon ba naman nag-aaral parin 'to?

Sinipa ko 'yung pintuan ng kwarto niya saka dumiretso doon sa sofa. Malaki kasi 'tong kwarto ni K. May banyo na 'din sa loob, tapos may sofa pa siyang nandito bukod pa sa kama niya. Mayaman kasi eh.

"Hoy ano wala kang pasabi na pupunta ka ah." Sigaw niya sa akin. Diretso higa kasi ako sa sofa niya, hindi ko pinansin 'yung tanong niya.

"Kanina pa ako nasa baba sira. Nagkaroon na nga ng disgrasya, hindi mo pa alam. Tss." Asar kong sabi.

Kumunot ang noo niya, "Anong disgrasya? Wala ba si Gil sa baba?"

Naalala ko na naman 'yung kapalpakan ni Gil. Babaeng 'yun talaga, mukhang ang laki ng galit sa akin. Tinulak ba naman ako.

"'Wag kana magtanong, Pi. Wala ka namang alam eh." Sagot ko sa kanya.

Naisip ko na naman yung nangyari bago ako pumunta dito sa taas. Bakit parang ngayon ko lang talaga nakita mga mukha ng mga 'yun? Limang taon na ako sa univ pero ngayon ko lang sila nakita. Tapos nalaman ko pa na Engineering 'yun si Gwen. Grabe naman 'yun, 5 years sa iisang eskwela, hindi ko man lang siya napansin?

"Madalas bang nandito mga kaibigan ni Gil?" Kuryoso kong tanong. Dati kasi madalas akong pumunta dito sa bahay nila.. Pero noong mga panahong 'yun, behave pa si Manang Liit. Hindi pa marunong mag-inom.

"Minsan lang. Mga once a week ganun. Bakit? May type ka?" Tanong niya habang nakapako parin ang atensyon sa laptop.

"Huh? Alam mo namang magkausap na kami ni Shey, 'di ba?" Tanong ko sa kanya.

Ano bang tingin niya sa akin? Two timer? Lol. Oo nga naman. Hindi ko nga pala sila masisisi dahil mukhang ganun na nga ang image ko. Samahan mo pa ng mga nagkalat na issue gawa nung nangyari sa amin ni Sandra. Talagang sirang-sira ako.

"Eh ano naman? Syota mo na ba?" Walang kagana-gana niyang tanong.

Syota? 1 week palang magkausap? Ang bilis naman nun, tol.

"Gago, seryoso kasi. Alam mo namang kapag interesado ako sa kausap ko. Matic na." Saad ko.

Kinuha ko 'yung cellphone ko mula sa bulsa. Naalala ko hindi ko pala nareplayan 'tong si Shey kanina dahil gusto ko siyang magtampo lalo. Replyan ko na nga!

Rye: hi. sorry, umalis ako. here ako kela K.

Para lang akong masunuring syota na nagu-update from time to time. Partida 1 week palang kaming magkausap pero feeling boyfriend na ako!

"Hoy Pi. Tungkol sa sinabi mo kanina? Kailan mo balak umalis?"  Tanong ko sa kanya pagka-send ko nung chat kay Shey.

Hindi niya parin ako pinapansin. Nakita ko mukhang nire-revise niya lang yung design paper namin. Ibang klaseng kasipagan talaga mayroon 'tong si kupal.

"Next next week palang. Bakit mo naitanong?"

Tumango ako ng mabagal. Akala ko naman sa susunod na linggo na agad. Bale may 2 weeks pa ako para amuhin 'tong si Shey. Hindi naman pumasok sa isipan ko punatahan siya sa Metro. Grabe namang effort 'yun tol lalo na't wala pa namang kami. Pero malay natin..

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon