35th.

9 0 0
                                    

35th.

"Hanggang anong oras ba 'yun? Mukhang kailangan ko ng kape doon, pre." antok na antok pa itong si Kim.

Nasa byahe na kami ngayong apat. Taena kasi ni Jess ang aga masyado manundo. 6:00am palang binubusinahan na ako sa tapat ng bahay. Naka-sasakyan naman kami kaya keri 'yun ng dalawang oras. 10AM palang naman ang start ng seminar, tapos halfday lang naman ata 'til 2PM.

"Bili ka nalang mamaya sa 7/11, pre. Agahan, kumain ka na?" tanong ni Jess - ang driver ngayong araw.

"Sino bang kumain na dito? Mag drive thru kaya tayo?" iritadong sagot ni Kim.

Ako 'din hindi na ako nakakain ng almusal kanina. Nagluluto palang kasi si Mama, umalis na ako.

"Drive thru nalang tayo sa McDo. Gutom na 'din ako." utos ni Boss K. Siya naman ang nasa tabi ni Jess ngayon. Kaming dalawa ni Kim ang magkatabi sa likod.

"Yown! May kape naman sa McDo." sagot ni ungas.

Nag-cellphone nalang ako buong byahe. Hindi alam ni Shey na pupunta ako ngayon sa Manila. Pero balak ko siyang puntahan mamaya.. kasi wala, nandoon na ako eh. Sayang naman 'yung opportunity kung hindi ko siya kikitain, malapit lang naman sa Morayta ang school niya.

Wala namang nagbago, katulad parin ng dati ang ganap namin. Consistent parin siya sa pagiging mahinahon at okay niya. Habang ako, ito, nasisiraan parin ng ulo at hindi na makapag-isip ng maayos.

Kaya nga gusto ko sana siyang makita ngayon, kasi gusto kong may maramdaman.. Weird, ba? Gusto ko siyang makita para maramdaman ko ulit 'yung naramdaman ko dati. Baka kasi namimiss ko lang siya. Baka kulang lang kami sa date. Gusto kong mabuhay ulit 'yung apoy na bigla nalang humina dahil sa mga nangyari.

"Ano sayo, pre?" tanong ni Jess. Nasa drive thru na pala kami.

"Mushroom pepper steak rice meal lang ako pre." sagot ko.

Kanya-kanya na silang nagsabi ng order nila. Kanina pa ako hikab ng hikab sa antok. Makiki-share nalang siguro ako ng kape kay Kim, mabuhayan man lang ako ng dugo sa katawan.

Kumain na kami pagkabigay ng order, at saka na kami dumiretso sa byahe. Dahil maaga kaming umalis, wala talagang traffic sa expressway. Mukhang kaya pa naming makarating ng 8:30am.

"Sasabay ba kayo ng uwi mamaya? K? Rye?" tanong ni Jess. Tinignan niya ako at si K.

"Bakit hindi ako sasabay?" sarkastikong tanong ni K.

"Hindi niyo ba pupuntahan mga syota niyo? Nasa Manila na tayo, oh." ani Jess.

"Ako pupuntahan ko. Baka hindi ako makasabay mamaya. Commute nalang ako." malamig kong sabi.

"Kakaiba ka talaga, pre. 'Yan ang gusto ko sayo. Kahit bukas ka na umuwi. Bakasyon naman!" pang-aasar ni Kim G sa tabi ko. Pinanlisikan ko lang siya ng mata, hudyat na hindi ako natutuwa.

Mukhang busy ata sa family business ngayon si Celine kaya hindi talaga sila pwedeng magkita ni K. Medyo hindi na nga 'din nagkikita 'yang dalawang 'yan eh. Pero kumpara mo sa amin ni Shey, mas masasabi kong maayos pa ang relasyon nila.

Na-traffic kami noong pagpasok namin sa Manila. Nakita kong may chat nadin si Shey kaya nireplyan ko lang. Wala talaga siyang idea na magkikita kami mamaya. Ang alam ko hanggang 3:30PM ang pasok niya ngayon. May summer class kasi siyang pinapasukan.

Palipat-lipat lang ako sa Instagram, Facebook at Tiktok. Bigla kasing bumagal ang byahe namin. Napangiti lang ako ng tipid noong makita ko ang story kagabi ni Shey.. Picture lang naming dalawa. Napapadalas na kasi ang pagpo-post niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya lang para makabawi sa akin, o ano.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon