7th.

11 0 0
                                    

7th.

"Musta topics?"

Paglabas na paglabas namin ni Pi, 'yan na agad ang salubong ni Jes sa aming dalawa. Nauna kasi siyang natapos sa amin kaya kanina pa siya nasa labas ng classroom. Aral na aral ata 'tong si ungas eh.

"Oks lang." Tipid na sagot ni Pi. Syempre si K pa ba? Kahit walang aral dahil puro landi ginawa nakaya niya paring sagutin 'yung ilang majors na tinake namin sa exam.

"Okay na ako sa pasado." Tipid kong sagot. Mantra ko na ata 'yan buong college. Wala naman akong pakialam, basta dapat pasok parin sa kailangan na grades for scholarship ang iskor ko.

Naglakad kaming tatlo sa hallway patungong cafeteria. Si Kim G ewan ko saan nagsusuot 'yun. Nakita ko lang kanina sa klasrum, pero nauna na 'ding umalis.

"Meryenda ka?" Tanong ni Pi sa akin.

4pm na kasi, pero lunch palang samin. Hindi naman talaga kami tambay dito sa cafeteria ng univ dahil madalas sa mga karinderya sa labas lang kami kumakain. Eh kaso nakakainis yung sunod naming subject dahil 30 mins lang 'yung binigay na break! Pa-special ampots.

"Ge. Sagot mo muna. Bayaran ko pagbalik mo." Walang hiya kong utos sa kanya.

"Ha? Sira ka ba? Tumayo ka nga d'yan!" Reklamo niya. Eh sa tinatamad akong kumilos, nakakainis naman 'tong si K. Puyat na puyat kaya ako kagabi dahil sa pag-aaral. At sa pag-iisip kay Shey.

Iniwan ko nalang yung bag ko sa upuan para mareserve din 'yung pwesto namin. Madami nadin kasing nagsisi-datingan kaya baka may umagaw eh! Canteen kasi 'to ng mga Engineering at Archi. Pero kahit na, ang dami parin talagang tao. Ending, agawan!

"Palabok." Turo ko sa meryendang nakahain. Busangot na busangot yung itsura ko kay Ate na nagsasandok.

Kinuha ko 'yung pagkain at saka dumiretso sa cashier. Nauna na sila K at Jes na pumunta sa pwesto namin.

"Wala ka bang barya?" Tanong netong cashier. Eto ang ayaw ko dito eh. Kailangan ako mag-adjust kapag walang barya?

"Wala." Bastos kong sagot kay ate. Nakataas na 'yung kilay niya sa binigay kong 500 pesos. Eh 60 lang ata 'tong binili ko.

"Ipapalit mo muna sa kabilang stall." Masungit niyang sabi. Iniwan niya lang yung 500 sa tray ko amp! Ano ba 'yan!

"Eh bakit ba kasi wala kayong panukli. Limang daan lang naman 'to. Kala ko ba mayaman 'tong iskul?" Utas ko. Totoo naman!

Pinagtitinginan na kami ng mga nakasunod sa pila. Kitang-kita ko 'yung barya oh, nagdadamot lang talaga mga 'to.

"Here."

Nagulat ako sa biglang pag-usog ng katabi kong babae. Hindi ko siya napansin dahil ang liit niya lang eh. Hanggang balikat ko lang ata 'to. Tinignan ko 'yung uniform. Engineering 'din.

"I'll pay for it." Matigas niyang Ingles. Umusog siya at kumuha ng mamon sa harapan namin, "Pakisama na 'din po ito. Para sakto." Nakangiti niyang saad.

Kumunot ang noo ko noong marealize ko na kilala ko ang babaeng 'to. Umandar na ang pila at nagre-reklamo na 'yung mga kasunod ko. Eh kung pagsu-suntukin ko kaya sila! Mga 'di makapaghintay!

"Hoy Rye, ano na!" Ang lakas na sigaw ni Jes. Isa pa 'tong agaw eksena.

Hawak-hawak ko 'yung tray at dumiretso na ako sa pwesto namin. Magpapasalamat pa sana ako doon sa babae kaso bigla na siyang inaya noong kaibigan niya. Nakakahiya naman.

"Ano na namang eksena 'yon, Pi?" Natatawang asar ni K.

"Sa susunod 'wag na tayong kumain dito. Nababanas lang ako sa mga cashier." Inis kong subo sa palabok.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon