5th.

12 0 0
                                    

5th.

Ilang araw nadin ang lumipas pagkatapos noong huli naming inom ni K sa Xr. Madami nading nagbago ngayon lalo na't ang dami-dami na naming ginagawa sa school.

Nakakaumay ngang tignan yung mga taong nandito. Aral ng aral eh, akala mo naman papasa. Hahaha! Joke lang. Naiinis kasi ako, wala man lang akong magulo at makausap. Paglabas mo ng classroom, ang tahimik ng paligid. Pag nasa loob ka naman ng room, ganun 'din. Busyng-busy sa paggawa ng mga perspectives! Hays, nakakasawa silang panoorin.

Palapit nadin kasi ang final week. Lahat sila busy habang ako walang kaplano-plano sa buhay. Nakakatamad kasing mag-aral ngayon, uso kasi sa akin yung last minute. Mas fresh diba? Kaysa naman mag-aral ako ng maaga, makakalimutan ko din naman. Saan ang punta? Useless.

Pagpasok ko din ng university noong isang araw, bali-balita na naman ang pagiging peymus gago ko. Syempre, ano pa? Mukhang pinagkalat na naman ni Sandra yung tungkol sa nangyari. Ang bilis naman! Para lang kaming artista, agad-agad kumalat ang mga balita. Lakas maka-showbiz. Iniirap-irapan na nga lang ako nun kapag nagkakasalubong kami. Pagbigyan. Ganda siya eh.

"Rye, yung design na pinapasearch ko, nasaan na?" tanong ni Kim G sa akin. Isa pa 'tong sipag-sipagan na 'to.

Kinuha ko yung bag kong nakapahinga sa upuan ni K. Binuksan ko ito at kinuha yung mga papel na nasa loob.

"'Yan lang mga nasearch ko eh. Okay na ba?" sabay abot ko sa mga papel sa kanya.

"Okay na 'to. Pero parang kulang pa." saad niya habang tinititigan yung mga pinasa ko.

"Sanay na ako Paps. Lagi namang kulang yung naibibigay ko eh. Kailan ba magiging sapat?" pigil na pigil ang pagtawa ko.

Tinignan naman niya ako ng masama, "Pwede ba Rye. 'Wag mong pairalin yang mga kadramahan mo sa buhay dito." at saka siya umalis sa harapan ko.

"Sungit mo Kim ah!" pasigaw kong sabi.

Tssss! 'Yan ang ayaw ko eh! Kapag busy na silang lahat, hindi na nila napapansin na nag-eexist ako. Sadlife naman.

Makaalis na nga lang dito. Naiirita na ako sa kanilang lahat. Bakit ba kasi wala akong magawa?

"Si Master nasaan?" rinig kong tanong nung isa naming kaklase. 'Di ko lang alam kung kanino siya nagtatanong.

Nakita ko naman ang pagkikibit-balikat ng marami. Saka naman sila napatingin lahat sa akin.

"Rye, si K nasaan?" tanong nila sa akin.

Umiling ako at sumimangot, "Aba ewan ko. Ano ako, girlfriend niya? Mga ulul." walang kamodo-modo kong sagot. Sorry, badtrip lang.

"Kanina pa siya wala eh. Papasok pa ba 'yun?" muling singit na naman ng iba.

Tinignan ko yung klasrum. Wala nga si Master. Hindi ko naman agad napansin yun kanina, kasi normal naman na tahimik yun sa klase. Kaya 'di ko rin ramdam kapag nandito siya.

Teka, nasaan nga ba siya?

"Itext mo nga Rye. Kailangan namin siya dito eh." pakiusap ni Belle, kaklase naming babae.

Ginawa pa talaga akong utusan. Galing!

"Sige. Labas muna ako, itetext ko nalang si Kim kapag nagreply si K." tinignan ko si Kim at saka naman niya ako tinanguan.

Saktong paglabas ko sa klasrum nang buksan ko yung cellphone ko para itext si Master. Nagtipa ako ng mensahe sa kanya, sana nga lang, sa Awa ng Diyos, magreply.

Pi, wer na u? Kailangan kana here sa rum.

Then send!

Nasaan na ba yun? 'Di naman yun nag-aabsent eh! Kung sabagay, ang tagal ko na 'din siyang hindi nakakausap ng maayos. Gaya nga ng sabi ko, busy ang lahat sa pagpapasa ng mga requirements. Lalo na kamo siya, dahil siya ang tinaguriang lider sa block namin. Talino niya eh. Kaya ayan, sa kanya napapasa lahat ng mga trabaho. Milagro lang at absent siya ngayon.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon