28th.

10 0 0
                                    

28th.

Pumasok ang buwan ng Marso, isang buwan bago ang pagha-hatol. Isang linggo na akong walang tulog, isang linggo na 'ring kumakapit ang utak ko sa dami ng nangyayari.

Patapos na ang thesis namin at may schedule na nga for defense - 1 week nalang mga tol. Tama, isang linggo. Wala naman na kaming kabang nararamdaman dyan dahil continuation na nga lang noong nagawa na namin last sem kaya all goods na. Ang pinaka iniisip ko nalang ay ang pre-boards dahil Final Exam na! Lahat na ng Majors namin ay ite-take na namin na para bang Board Exam na. Sumasakit na talaga ang buong sistema ko.

Pero isa pang pinaka-iniiisip ko ngayon ay ang nanlalamig ko ng relasyon na halos hindi ko na mabigyan ng pansin. Sa tuwing nag-uusap kami, puro away at inis nalang ang napag-uusapan namin ni Shey. Hindi ko 'din alam kailan nag-start 'yun. Last week? Nagiging iritable na siya lagi. As in iba na.

Napa-chat pa nga ako kay Celine dahil baka may piagdadaanan o sadyang busy sa acads, pero wala naman daw, okay naman daw sa kanila si Shey. Ang tanging nasabi ko nalang ay sana all. Wala 'din naman daw silang masyadong ginagawa sa school kaya wala naman dapat ika-busy. Eh, ano naman kayang problema ng isang 'yun?

Ang pagkakaalam ko naman ay wala akong nagawang mali. Kahit naman sobrang busy ako, after namin nag-inom ni K noon, bigla akong nagising sa katotohanan na maglaan na ng oras kahit sobrang busy. Tapos biglang ganoon.. sobrang cold niya talaga. Hindi ko lang talaga siya magawang puntahan ngayon, pero plano ko na before Final Exam. Next week.

"Baka naman may mens lang, Rye." sabi ni Zia. Magkakasama kami ngayon dito sa may Café Solail, malapit sa univ, meryenda lang. Lahat kami free, eh.

"Mens? Tapos na 'yun. Tsaka hindi siya ganyan pag meron. Clingy siya, hindi cold." sagot ko sabay nguya ng french fries.

Nakahalukipkip lang si Gil sa harapan ko at kinakaawaan ako ngayon, "Baka hindi kana mahal?" walang preno niyang sabi.

"Siraulo ka ba?" inis kong sagot.

Napaubo pa si Kim G at Jess sa tabi ko dahil nabulunan ata sa sinabi ni Gil. Ako 'din kung may iniinom lang ako baka nabuga ko pa sa mukha niya.

"Hoy Gil! Bunganga mo!" paninita ni Kim.

Tinaasan pa siya ng kilay ni Gil, "Hoy totoo naman! Duh, what are the chances right? Hindi mo man lang talaga na-consider 'yun? Hirap ng LDR." seryoso niya pang sabi. Nakakainis pakinggan pero may point naman siya.

Pero si Shey, hindi na ako mahal? Pwede ba 'yun? Bakit ako mahal ko parin naman siya? Hindi naman nagbabago?

"Siguro if calls and chats aren't working na, you should go. You should talk." mahinahong sabi ni Alezia.

Napatingin ako sa direksyon ni K. Nakikinig lang siya at tahimik. Curious tuloy ako kung may input ba siya sa problema ko. Sila kaya ni Celine napagdadaanan 'din nila 'to? Normal lang kaya 'to sa LDR?

Chineck ko tuloy ang phone ko. Delivered zone parin ang chat ko kaninang lunch time. Time check: 6PM na. Napakamot ako sa ulo ko. Relasyon pa ba 'to?

"Kapag cold ang babae, nagtatampo. Nagpapasuyo, ganoon. Pero nagre-reply pa 'din 'yan! Pero kapag hinahayaan ka na 'din, aba'y iba na 'yan beh!" gatong pa neto ni Gil. Gusto ko na siyang kutusan.

"Gusto mo na ba kaming maghiwalay ni Shey?! Kaibigan mo 'din 'yun ah!" sagot ko.

"Oh? May sinabi ba akong hindi ko kayo friends? Ina-analyze ko syempre 'yung kinu-kwento mo. And for me ah, may fishy. Kasi sabi mo hindi ka talaga nire-replyan eh." confident niya pang sabi.

'Yung iba naming kasama mala-aso lang ang tingin sa aming dalawa habang pinapapak na lahat ng nachos at fries. Ako, parang hindi ko na ata malalasahan ang kinakain ko sa mga sinasabi ni Gil.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon