20th.

10 0 0
                                    

20th.

Napasapo ako sa noo ko. Hayup, ang sakit. Nagising tuloy ako dahil uhaw na uhaw ako. Kahit ang lamig ng kwarto, pinagpapawisan parin ako.

Kinuha ko sa tabi ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na. 3:18am.

Tinignan ko si Shey sa tabi ko. Mahimbing na ang kanyang tulog. Sa kabilang double deck, natutulog na 'din sila K at Celine. Ang lakas nga humilik ng ugok.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Shey. Naka-unan kasi siya sa braso ko kanina. Sana huwag lang siyang magising! Hinalikan ko ang noo niya bago ang tuluyang lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa may ref para kumuha ng tubig. Mabuti naman at meron tapos sobrang lamig pa. Sa tabi ng parang dining area, doon naka pwesto ang higaan nila Gillian, Gwen at Kim. Naka-dim light narin sa pwesto nila.. mahihimbing na ang mga tulog.

Gusto ko sanang magpahangin at mag-kape kaya lumabas muna ako. Sobrang sakit talaga ng tama sa akin nung alak. Hayup. Ang kaso nga lang tiantamad naman akong mag-timpla ng kape, nakakatamad naman kasi. Anong oras na!

*Guitar strums*

Naningkit ang mata ko dahil may narinig akong tunog ng gitara. Gagu. May multo ba?? Ako lang naman mag-isa dito ah?!

Inilibot ko ang mga mata ko sa labas. Pumunta ako doon sa pwesto namin kanina kung nasaan ang mahabang mesa na puno parin ng kalat at alak ngayon. Doon ko nakita si Gwen - may hawak na gitara.

"Tila malimit kang ngumiti ngayon, 'di ka rin naman ganyan noon.."

Pumunta ako sa kinalulugaran niya. Nabigla ata siya noong nakita niya ako, kaya napahinto siya sa pagtugtog at pagkanta.

"Oh..? Gising ka pa?" nagtataka niyang tanong. Nakasuot na siya ngayon ng makapal na hoodie. Ang lamig lamig na 'rin kasi ng simoy ng hangin ngayon sa labas.

"Eh bakit ikaw?" tanong ko.

Umupo ako sa silyang nasa tabi niya. Nakita kong may naka-salin paring alak sa basong nasa harapan niya. Umiinom parin siguro.

"Hindi makatulog. Ang lakas humilik ni Gillian, eh. Lasing na lasing." sagot niya. Ininom niya ang natitirang alak sa baso at kunwaring inabutan ako, "Shot?"

Tumanggi ako, "Sakit na nga ng ulo ko, eh. May kape kaya dito?"

"Ay gusto mo ba ng kape? Meron kaming binili kanina.." tatayo na sana siya at inilapag ang hawak niyang gitara.

"'Wag na okay na. Baka hindi na ako tuluyang makatulog eh." pagtanggi ko.

"Sure ka?"

Tumango ako, at saka siya umupo ulit. Naglagay pa siya ng ice cubes sa baso at nagsalin ulit ng alak.

"Marunong ka pala tumugtog ng gitara," saad ko. Nakayakap ulit siya ngayon sa gitara niya. Biglang huminto eh, gusto ko paman 'din siyang marinig pa.

"Hmm, pwede na. Nakahiligan lang.."

"Sus, pa-humble naman! Kumakanta ka nga 'din eh!" pang-aasar ko pa. Ganda kaya ng boses niya. Kahit sandali ko lang siyang narinig kanina, masasabi kong magaling siya.

"Tuloy mo kaya 'yung kinakanta mo kanina? December Avenue?" syempre alam ko 'yung kanta. Idol ko mga 'yun eh.

"Ayoko na. Nawala ako sa mood." nakangiti niyang tanggi. Nang-aasar lang ata ito eh.

"Sige na.. Iinom 'din ako para hindi awkward, dali." pangungulit ko. Ang tahimik na kasi dito. Tapos ang ganda pa ng ambience sana para sa jamming. Sayang naman kung hindi niya gagamitin ang talent niya, hindi ba?!

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon