6th.

9 0 0
                                    

6th.

"'Wag ka munang umalis, Pi. Dito kana kaya mag-dinner?" Tanong ni K sa akin.

Humingi kasi ako ng malamig na tubig sa kanya dahil sobrang init ng panahon, tapos 'yung nangyari pa kani-kanina. Parang umatras 'yung dila ko sa harapan nung Shey. Namawis lahat ng singit ko.

"Magre-review ako. Exam week natin sira ulo. Porke ikaw matalino ka." Sagot ko sa kanya. Midterm week na namin, hindi dapat ako nagpapabaya ngayon.

Umupo siya sa upuang nasa tabi ko at nakangiti pa ang loko.

"Siya 'yung nire-reto namin ni Celine sayo. Si Shey." Sabay turo niya sa loob ng bahay. Dumiretso na kasi 'yung dalawa sa kusina dahil magha-handa daw ng mga pagkain.

"Kaya pala pamilyar 'yung pangalan." Pagsisinungaling ko. Syempre natatandaan ko siya. Pero ang alam ko natapon ko na 'yung papel kung nasaan 'yung number niya. Kagaguhan mo, Rye.

Pero real talk mga pre, ang ganda niya. Alam niyo 'yung maganda talaga siya. Para siyang anghel noong pumasok siya. Parang biglang lumiwanag 'yung paligid dahil sa pagmumukha niya. Hindi ako OA ah, pero kung bagay lang siya pakiramdam ko ginto ang presyo niya. Ganoon 'yung feeling. Meron kasing mga babaeng gumaganda dahil ma-appeal sila or ma-aura, pero siya hindi. MAGANDA talaga.

"Kaya dito ka na magdinner! Hindi ka naman aabutin ng alas dose, eh! Para 'din maka-close mo siya, 'di ba?" Suhol ni K. May point naman siya. Actually kanina ko pa 'yun iniisip. Nanghihinayang ako kung masasayang 'yung oras na dapat pinopormahan ko na siya.

"Kailan ba sila uuwi? Tsaka akala ko si Celine lang ang bumyahe dito." Tanong ko.

"Si Shey ang may sasakyan eh. Sumakto na may kamag-anak sila Shey dito kaya alam niya daw 'yung way. Wala 'din naman silang klase ngayong week dahil holiday ata sa Metro." Paliwanag ni Pi. Sana all sa isang linggong walang pasok. Hindi maka-relate yung Univ namin.

"Paano 'yun? Kailan sila uuwi niyan?" Ako.

"Bukas 'din. Nahihiya 'din ako kela Gil dahil madami na kami dito, nag-uwi pa ako ng babae." Saka siya tumawa.

Kung sabagay, nakakahiya 'din 'yun. Apat na magpi-pinsan kasi silang nandito sa bahay ng Tita nila. Si Gil, si ate Diane at si Kuya Drew. Si Kuya Drew, working na 'yun kaya madalas na wala sa bahay. 'Yung dalawang babae ang madalas na nandito. Swerte nga nila dahil 'yung Tita nila nasa abroad. Parang pinagkatiwala talaga itong bahay sa kanila.

"Hindi mo nabanggit sa akin na darating siya, ah. Araw-araw tayong magkasama. Nalaman ko lang kay Ate Diane kanina." Pag-iinarte ko. Pramis, wala talaga akong alam.

"Biglaan lang kasi. Tsaka dapat ako 'yung pupunta doon sa Metro. Ang kaso sakto 'din naman na dadaan si Shey sa kamag-anak nila dito. Kaya ayun." Sagot niya.

Tumango nalang ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang babae. Pang-artistahin eh. Maganda 'din naman si Eris, I mean 'yung ex ko. Pero ewan ko ba, iba aura neto ni Shey. Tapos ano, nire-reto siya sa akin? Grabe naman pala ang looks ko. Paano kapag nagkasama kami? Baka akalain nilang driver niya ako. Hindi paman 'din ako marunong mag-ayos ng sarili.

Naputol ang usapan namin ni Pi noong lumabas si Shey at Celine na may dala dalang pagkain. Hawak pa ni Celine 'yung lutuan kaya tumakbo papunta sa kanya si Pi. Mukhang magsa-samgyupsal.

"Tulungan na kita." Sabi ko kay Shey. Inilapag niya kasi 'yung karne sa lamesa kanina. Napansin kong may babalikan pa siya sa loob kaya nagkusang-loob na akong sumunod para tumulong.

Nabigla ata siya sa presensya ko. Naka-pony tail siya ngayon 'di tulad kanina na nakalugay lang 'yung wavy niyang buhok. May suot pa siyang apron ngayon.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon