13th.

11 0 0
                                    

13th.

"I'm so so full, grabe!" Pag-inat ni Celine.

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko at nakita kong 11AM na 'din. Nagustuhan ko 'yung pagkain. Tama nga si Shey, masarap nga halos ng inorder namin. Kanina pa kami nandito at dumadami na 'din ang mga pumapasok na customers, siguro ay dahil magla-lunch na.

"Wait, can I go with K later? Para may tig-isa sa atin ang may alam ng way sa condo?" Tanong ni Celine.

Tinignan ko si Shey na nagpupunas ngayon ng bibig gamit ang tissue. Papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Celine.

"Uh.. okay lang naman.. So, si Rye ang sasabay sa akin?" Nalilito niyang tanong.

"Yes, if okay lang sayo? Or should I go with you kung hindi ka pa comfy with Rye?" Tumawa pa ang mag-syota nang sabihin niya 'yun.

Naghihintay lang ako sa isasagot nila. Bahala sila, nakiki-join lang naman ako dito.

"Okay.. I'll go with him. Pero 'yung gamit niya siguro sa kotse muna ni K?"

"Sure sure. Ano, tara na ba?" Pag-aya ni K.

Nakapagpahinga na 'din naman kami at ready to sibat na. Bale ako ang nagbayad sa pagkain namin ngayon. Nakakahiya kasi dahil nakisakay lang ako kay K, tapos makikituloy pa ako kay Celine. Nakakahiya naman kung wala akong ambag 'di ba! Mabuti nalang at pumayag naman sila. Si Shey lang ang nagpupumilit na magbayad, pero syempre hindi ko tinanggap, dapat siya nga lang ililibre ko eh.

"Let's go." Ani Shey. Pinauna ko na siyang lumabas. Pa-simple ko pang hinawakan ang balikat niya noong tumawid kami. Nakakahiya naman kung hawakan ko ulit ang kamay niya, baka asarin pa kami ng dalawa. Sana lang ay hindi nila nakita yung eksena kanina sa mesa.

"Ikaw na ba mag-drive?" Tanong ko kay Shey. Pwede naman 'din kasing ako kung pahihintulutan niya.

"Ahh.. oo, ako na. Baka maligaw pa tayo eh."

Oo nga pala, siya ang may alam ng daan. Medyo bobo ako sa part na 'yun.

Sumakay na ako sa passenger's seat, at nakita kong nauna ng umalis sila K. Sunod namang umandar ang Azkarra ni Shey.

"Malapit lang ba iyon dito?" Paninimula ko ng usapan habang sinusuot ko ang seatbelt. Napatingin ako sa interior ng sasakyan. Babaeng babae nga. Ang linis eh.

"Yah, actually 10 minutes drive lang. Kaya naglakad lang kanina si Cel.."

Tumango nalang ako. Para akong ligaw na bata dito, dahil batang probinsya ako. Napatingin ako sa mga dinadaaanan namin. Mga malalaking establishments at halatang sobrang abala ng buhay ng mga tao.

Hindi ko na dinaldal si Shey habang nagda-drive, baka kasi mapressure sa akin. Halata paman 'din na medyo nahiya siya after noong nangyari kanina. Ako 'din naman hindi ko inasahan na ganoon ang mangyayari! Parang ang bilis tuloy masyado.

Palihim lang akong nagnanakaw ng tingin sa kanya ngayon. First time ko siyang makitang mag-drive, and yes po mga tol, ang ganda ganda talaga niya. Hindi ko sure kung ilang beses ko ng sinabi 'to, pero parang anghel talaga siya sobrang ganda. Hindi parin ako lubos makapaniwala, na hinawakan niya ang kamay ko kanina. Nababaliw na ata ako.

"Makatingin ka naman."

Nagulat ako noong bigla siyang nagsalita. Masyado pala akong halata? Panakaw na nga 'yun eh? Obvious ba masyado na baliw na baliw na ako sa kanya?!

"Sorry na.. Hindi ko mapigilan, eh."

Narinig kong natawa siya ng kaunti sa sinagot ko.

"We'll see each other the whole day.. the whole night. Ano ba."

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon