23rd.

11 0 0
                                    

23rd.

"Mga ilang pizza kaya o-orderin natin?"

"5 kaya? Kulang 'yung tatlo panigurado.."

"Eh sa pasta.. pancit palabok o lasagna?"

"Okay na ako sa pancit palabok."

Abalang nag-uusap at nagpa-plano si Gillian at Zia para sa mga ihahanda namin mamaya. Tinatamad na daw kasi silang magluto, kaya papa-food panda nalang. Mabuti nalang kamo, uso na food panda dito sa Arevalo. Tapos ang dami na 'ding pwedeng pagpilian na food stalls.

Before lunch nakarating sila K at Gillian. Sila lang dalawa ang naunang lumuwas, dahil 'yung dalawa pa nilang pinsan ay next month pa daw babalik dahil may inaasikaso sa Palawan.

Si Zia at Jess naman, halos kakarating lang kaninang 4pm. Si Kim G ang syempre early bird! Ako kasi kakarating ko lang dahil walking distance lang naman. Nagpadala pa nga ng kakanin si Mama kaya 'yun nalang ang ambag ko. Naka-menos gastos pa!

"Place order ko na 'to ah? Hoy kayo, no suggestions ba?" tanong ni Gillian sa amin. Kami naman ang nag-aayos ngayon ng mahabang mesa sa may garden nila, pati mga upuan.

"Ano na ba mga napili niyo?" tanong ni K.

"Pizza lang. Tapos pancit palabok, roasted chicken and liempo.. Basic foods.. Baka may gusto pa kayo?" si Gil.

"Ok na 'yan. Nauumay na 'din ako sa mga pagkain." si Kim G.

"May dala naman atang kakanin si Rye. For dessert." tinignan ako ni K para ma-kumpirma.

"Oo, merong ube. Pero kayo, baka gusto niyo pa mag-ice cream." saad ko naman.

"Bumili na si Gwen! On the way na siya." sigaw ni Gillian.

Kanina pa on the way 'yun ah. Mukhang na-traffic.

"Oh ayun pala. Edi all goods. Order mo na 'yan!" utos ni K.

Pagtapos noon, nag-assemble lang kami ng mga upuan sa labas. Sakto dumating na 'din ang ni-rentahang videoke. Syempre, new year, mag-iingay kami! Ang ingay na nga ng mga tao eh. Ang dami na 'din nagpapa-putok. Akala ko ba pinagbawal na 'yun?

Habang hinihintay namin ang mga pagkain, puro kanta lang kami. Nauwi pa sa chismisan about sa Palawan trip nila K at Gil. Nakakainis nga eh, hindi daw sila nakapamili ng pasalubong. Parang dati, laging meron! Nagbago na sila!

Nasa Pangasinan na 'din si Shey. Nakakalungkot nga dahil hindi sila nakasama ni Celine ngayon. Parang kulang tuloy ang barkada. Nandoon sila sa bahay ng Lola niya, parang yearly reunion ata. 4 days 'din sila doon. Wala ngang masyadong signal doon sa bahay na tinutuluyan nila, kaya ilang araw na kaming walang video call, puro chat lang.

"Oh nandito na ang food! Rye, ikaw na kumuha! Abangan mo na sa labas!" sigaw ni Gillian.

"Aba bakit ako lang?!" naiinis kong sabi. Akala mo naman lima ang kamay ko!

Pagkasabi ko noon, pumasok si Gwen sa gate na may dala-dalang malaking cake at ice cream. Naka long sleeves na loose polo na black siya at shorts. Halatang kakarating lang dahil may naka-suot pa na body bag sa kanya.

"Oh ayan na pala si Gwen. Sakto! Ibaba mo na dito 'yan!" kumaripas lang naman ng takbo si Gil papunta kay Gwen para kunin ang dala nito.

"Tulungan mo si Rye na mag-abang doon sa mga inorder naming foods.. Malapit na." narinig kong sabi niya sa isa. Ibinigay pa niya kay Gwen 'yung cellphone niya na may food panda tracking.

Nasaan ba 'yung iba? Ang alam ko lang si K ang pumanik sa kwarto niya dahil magkatawagan sila ni Celine. Si Kim G, kumakanta, walang paki. 'Yung mag-syota naman may sariling mundo, as usual.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon