29th.

7 0 0
                                    

29th.

"Oh wow, really? Ako pa talaga ang umiiwas." natatawa niyang sabi habang nasa sink, umiinom ng tubig.

"Eh bakit? Ako ba? Ako parin ba? Nandito nga ako oh para mag-usap tayo. Pero anong ginagawa mo? Dinadaan mo na naman sa ganyan, sa mga pambabara mo sa akin?" mahinahon ko paring sagot. Kahit galit na galit na ako sa loob ko, ayoko parin naman siyang sigawan. Mahal ko parin naman siya, kahit ganyan ang ugali niya sa akin.

Naningkit ang mga mata niya at kusa na siyang lumapit sa may dining area. Nakahawak lang siya sa upuan habang nakatingin sa akin.

"Because this whole thing is just so..." tumigil siya sa pagsasalita at napakagat nalang siya sa kanyang labi. Frustrated na frustrated siya.

This time, tumayo na 'din ako at sinubukan kong hawakan ang braso niya.

"Ano, Shey? Sige sabihin mo. 'Yun lang naman ang gusto ko, magsabi ka sa akin para malaman ko.." halos magmakaawa na ako sa kanya para magsabi lang siya. Pagod na pagod na akong manghula.

Pumikit lang siya ng mariin at saka tumango ng dahan-dahan, "This whole thing is just so draining.. and so tiring. I don't know. I never felt so neglected before.. I can't feel you anymore." mata sa mata niyang sabi sa akin. Halos matameme ako. Nawalan ata ako ng kakayahang magsalita noong narinig ko ang mga sinabi niya.

"You became so busy to the point na.. hindi na kita maramdaman. I felt so lonely. And you sure have businesses on your own. Kayong magto-tropa.. I felt so out of place, you know?" tuloy-tuloy niya paring sabi habang ako nakikinig lang ako sa harapan niya. Kitang-kita ko ang halo-halong sakit at galit sa mukha niya. Mukhang matagal-tagal na nga niya itong dinadamdam sa akin.

"Shey.. I'm sorry kung ganoon ang naramdaman mo. Wala akong excuse sa pagka-busy ko.. Wala, eh. Ang hirap 'din. Kailangan kong ilaban 'to dahil graduating na ako.. Konti nalang naman. 1 month nalang, oh." nauutal kong sagot. Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung tama ba ang mga binibitawan kong salita sa kanya, oh hindi.

"Oo Rye, alam ko. Pero ang hirap talaga.. whenever I need you, you are not there.." napapaos niyang sabi, nakakapit lang siya ngayon sa upuang nasa gilid niya, "Nakakapagod umasa at maghintay sayo palagi."

Kumirot lalo ang dibdib ko sa sinabi niya. Parang gumuho ang mundo ko.

"Nahihirapan 'din naman ako, Shey. Napapagod 'din naman ako. Nahihirapan 'din ako sa tuwing alam kong hindi na kita nabibigyan ng oras, pero wala akong magawa, kailangan kong mag-comply at mag-aral.. Pero ginagawan ko naman ng paraan, 'di ba? Tinatawagan parin kita.. Lahat ng kakayaning oras, binibigay ko naman?" sagot ko sa kanya.

Nasa ganoong posisyon lang kami. Nakatayo sa gitna ng unit at nakahawak lang ako sa kanya. Hindi ko na halos maramdaman ang lamig na nagmumula sa aircon dahil sa tensyon sa pagitan naming dalawa.

"I don't know. Maybe it's not really enough.." tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanya at tinalikuran niya ako. 

Wala akong ibang nagawa kundi umupo nalang ulit. Mga ilang minutong katahimikan 'din iyon. Wala na akong halos maisip pa. Hindi ko maiwasang isipin.. ito na ba 'yun? Haha. Pagod na siya? Napagod na agad siya? 4 months? 4 months palang 'yun?

"Hindi mo ba talaga ako kayang intindihin man lang? Kahit ngayon lang?" mahina kong sabi. Magkalayo kaming dalawa pero alam kong narinig niya iyon. Kasi tangina, legit pagod na talaga siya?

"Lagi kitang iniintindi, Rye. Kailan kita hindi inintindi? Kapag kasama mo lagi mga tropa mo? Kapag lagi kang umiinom? Late na umuuwi?! Lalo na noong magkasama kayo lagi ni Gwen, hindi ba kita inintindi noon?!"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Pati pala iyon eh big deal 'din sa kanya? Pati sarili kong tropa? At saka.. bakit nadamay na naman si Gwen?!

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon