14th.

13 0 0
                                    

14th.

Kinabukasan, linggo. Hindi ko mapigilan 'yung mga ngiti ko paggising. Hindi kami agad bumangon ni Shey, dahil paulit-ulit ang pilit ko sa kanyang mag-cuddle muna kami. Syempre naman no, aalis na kami ni K before lunch. Day 1 na ng pagiging LDR namin ng bebe ko.

*landi laugh*

Naiisip ko pa 'rin yung nangyari kagabi. Kung itatanong niyo kung may nangyari ba sa amin na.. alam niyo na. Ang sagot ay..

SECRET! Pero truth be told, kahit di kayo maniwala, wala pong nangyari sa amin ni Shey! Hindi ko 'din alam paano ko kinaya 'yun, pero nirespeto ko nalang 'yung desisyon niya na, 'wag muna daw. Pero ang twist, magkatabi kaming natulog kaya masaya na 'din ako. Wala na akong hihilingin pa. Parang mapupunit na 'yung mukha ko sa sobrang saya ko.

"Let's go na. Aalis pa kayo ni, K." Malambing na sabi niya. Nakayakap ako sa kanya ngayon, at kung pu-pwede lang ayoko ng umalis. Lord, baka naman po pwedeng paki-stop muna 'yung oras?

"Eh, matagal na naman bago tayo ulit magkita. Minsan lang eh." Pangungulit ko. Lalo na't isang linggo nalang, pasukan na naman. Hays, naiinis ako.

"I can drive naman anytime if gusto mong magkita tayo." Aniya.

Umiling ako, "Sira, nakakahiya. Ako ang lalaki dito ako dapat nage-effort."

"Ganun ba 'yun? Paano kapag namiss kita bawal ba akong pumunta?" Tanong niya na halos ikahimatay ko. Hayup, kinikilig ako.

Tatlong taon na ata akong hindi kinikilig. Ito na ata talaga and endgame ko pagtapos nang lahat ng mga flings at fubus na nadaanan ko. Darating 'din pala 'yung time na ga-graduate ka nalang at magsasawa sa ganoong mga klase ng relasyon.

"Pwede naman. Eh pano 'yun, araw araw mamimiss kita." Bawi ko. Ngayon pa nga lang nababaliw na ako sa thought na aalis ako nang hindi ko siya kasama.

Lalo niyang hinigpitan ang pagyakap niya sa akin, "It's okay. We can do this naman, right? 2 hours na drive? Eazzzzzy." Pagmamalaki niya pa.

Gaya ng sabi ng mga kaibigan ko, mahirap ang LDR. Hindi daw 'yun para sa akin. Pero tignan natin.. wala namang mali kung susubukan naming dalawa. Choice naman siguro 'yun kung kakayanin namin o hindi. Basta wala na akong pakialam. Ayoko ng mag-isip. Live in the moment nalang!

Pagtapos ng mahaba-habang pilitan, bumangon na kaming dalawa. Paglabas namin ng kwarto, ang lalagkit ng tingin sa amin ng dalawang mag-syota. Tulad kahapon, ayon magka-cuddle lang sila sa sofa habang sinusuportahan ni Pi si Celine sa addiction niya sa KPOP.

Nagpa-order lang sila ng breakfast meal sa Jollibee at nauna na silang dalawa kumain. Kami nalang pala ang hinihintay. Puro kasi kami landi ni Shey. Eh bakit ba, sila 'din naman.

"Ligo kana pagtapos ah. Aasikasuhin ko pa 'yung final paper ng thesis natin para maipasa bukas." Ani K.

Oo nga pala, pupunta kami bukas ng univ para magpa-enroll. Isusunod na namin 'yung nga unfinished papers namin noong nakaraang sem. Iniisip ko palang na papasok ako ulit, tinatamad na ako. Hindi ba pwedeng magpakasal na kami agad ni Shey?!

Pagtapos naming kumain ni Shey nag-ayos na ako ng sarili. Madaling-madali kasi si K, kaya need ko mag-double time. Mabuti nalang talaga at good mood ako ngayon. Kahit nakakainis si Pi, parang hindi naman ako naba-bad vibes.

Paglabas ko ng kwarto pagtapos magbihis naabutan ko doon si Shey. Siya lang mag-isa sa couch at nanonood siya ng TV. Nakaoversized na t-shirt lang siya at maiksing shorts kaya sobrang hot niya lang tignan. Paano ba ako makakaalis dito kung ganyan ka-ganda ang syota ko?

Yes. Opo. Syota. Jowa. Girlfriend KO. Si. Shey.

Lumingon lingon ako paligid para ma-assure na kami lang dalawa sa sala. Buti naman at mukhang nagmo-momol pa si Celine at K sa loob ng kwarto nila. Might as well lumandi muna 'din ako.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon