24th.

7 0 0
                                    

24th.

"Pi, sick leave ako bukas ah. Hindi ako makakapasok."

Nasa may sisigan kaming magto-tropa ngayon. Dito kami nag-dinner, malapit lang kasi sa school. 8PM na kami natapos mag-exam sa topics! Kasira ng utak, eh. Kaming apat na lalaki lang ngayon. May kanya-kanyang business ang mga girls eh. Busy 'din.

"Bakit sa kanya ka nagpapa-alam? Siya ba ang prof?" Tinignan ko ng masama si Jess.

"Paka-feeling mo. Sick leave ka pang nalalaman." sagot ni K. Hindi man lang um-oo!

"Dali na kasi! Oh kaya sumama ka nalang kaya?" pilit ko.

"Madami akong gagawin, Rye. Next time na ako." tamad niyang tugon.

"Ouch. Para mo naman sinabing wala akong ginagawa! Eh ka-grupo lang kita!" umarte pa ako na parang nasasaktan.

"Oh, may narinig ba kayong sinabi ko?" tanong niya kay Kim at Jess. Sabay pang umiling ang dalawang ugok. Nag-kampihan pa talaga!

"Minsan lang naman 'to. Basta, a-absent ako bukas." firm na firm kong sabi. Final na.

Birthday kasi bukas ni Shey. Sakto, Friday! Inaya ko si K na mag-double date, ang kaso lang ang pangit ng timing dahil midterms week namin. Sasaglit nga lang ako doon eh. Syempre, ayoko naman na pati birthday ni Shey, LDR kami. No way!

Kinuntsaba ko pa si Celine, dahil sa school nila ako di-diretso. Hihintayin ko silang mag-uwian. Swerte nga, dahil hanggang 1PM lang sila bukas. Madami-dami kaming oras mamasyal ni Shey. Wala siyang idea sa plano ko! Ang alam lang niya, magkikita kami next month, sa Valentine's Day. Aba, hindi ko na mahihintay 'yun no.

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagprepare. 9AM siguro ako aalis dito sa amin. 1st time ko kasing magbyahe mag-isa papunta Manila. Lagi kasing may kotse, eh! Syempre aagahan ko, baka kasi may mga ligaw moments na mangyari. Para sure lang.

Magka-chat na kami ni Shey, pero hindi ko talaga siya binabati. Sinasadya ko talaga para ma-surprise siya ng bongga mamaya. Si Celine ang kausap ko, at taga-update. Sila 'din mismo, may surprise kay Shey, bibigyan ata nila ng cake mamaya sa school.

On the way na ako, Cel. Nasa klase pa kayo?

10AM ata ako nakasakay ng bus. Ang tagal mapuno dahil weekday, walang masyadong pasahero. Okay lang 'yan.. kung wala naman gaanong traffic, kaya ng 3hrs ang byahe! Sakto lang siguro ako.

Ingat! Last subject na namin 'to, tho 3hrs.

Update ni Celine. Hindi kami magka-usap ngayon ni Shey, dahil alam niya nasa school ako at busy.

Wala naman talaga akong bonggang surprise sa kanya. Nagbook lang ako ng airbnb sa may QC! Doon kami mags-stay hanggang bukas. Nagpa-prepare pa nga ako ng dinner, cake at bouquet doon. So sweet 'di ba? Minsan lang naman, kaya gumastos na ako. Tagal na 'din naming hindi nagkikita! 1 month na! Ayokong lumipas ang birthday niya na wala kaming magandang memories.

12:30 PM noong nakarating kami sa terminal. Ang alam ko isang jeep nalang pa-Legarda ang sasakyan ko. Nag-text na ako kay Celine bilang update na nasa Manila na ako.

Too early huh! 30mins nalang naman. Diretso kana sa may labas ng univ.

Reply niya. Mabuti nalang talaga nauso ang google maps! Makapal 'din ang mukha ko kaya puro tanong ako sa mga driver ng jeep. Sakto, binaba ako sa may tapat ng school nila. Dami na 'ding naglalabasang students. Lunch time na 'din kasi.

Dito ako sa gate. Wait nalang ako

Chat ko kay Celine. Natanong pa ako nung guard kung ano daw ganap ko sa loob. Bawal ata kasing tumambay sa may mismong harapan ng entrance. Mabuti nalang mabait 'din sila, pinapasok nila ako sa may waiting area. May mga upuan doon at electric fan.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon