33rd.

6 0 0
                                    

33rd.

"Shey! Halika na dito!"

Una na akong nakabalik sa mesa namin. Napansin ata ni Celine na naiwan doon sa may gilid si Shey, kaya siya na mismo ang tumawag dito. Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Naiinis talaga ako sa inaakto niya. Naiinis na ako sa ugali niya.

Mala-pusa ang tingin sa akin ni Gillian habang iniinom niya ang kanyang beer sa harapan ko. Nag-shot nalang 'din ako ng alak para mawala ang nararamdaman kong inis.

"Uh-oh. Anong nangyari?" mahina niyang tanong sa akin. Mabuti nalang at hindi pa nakakarating sa mesa namin sila Celine at Shey.

Nag-angat ako ng tingin kay Gillian. Pero, ang katabi niya ang umagaw ng atensyon ko. Nakatingin 'din sa akin si Gwen ngayon. Tila'y kumakausap ang kanyang mga tingin sa akin. Hawak-hawak niya ang shot glass at ininom niya ang laman nito habang diretso parin ang tingin sa akin. Naghihintay siguro siya ng isasagot ko sa tanong ni Gillian.

"Wala. Chismosa ka." masungit kong sagot.

Naaanigan ko na 'din kasi ang paglapit ng dalawa sa pwesto namin. Wala na akong pakialam kung sa akin pa ba siya tatabi, o kung kay Celine na. Nararamdaman ko naman na wala na siyang pakialam sa akin, bakit pa siya pumunta dito?

"Anong wala? War parin kayo?" mahinang tanong parin ni Gillian.

Tinignan ko nalang siya ng masama dahil nasa pwesto na namin sila Celine at Shey. Bahagya siyang lumayo sa mesa at nagtikom ng bibig. Paano ba naman kasi, nasa harapan ko na ngayon si Shey. Mukhang dito pa talaga niya balak umupo kahit na hindi kami okay.

"May nakaupo na ba dito?" nakangiti niyang tanong sa akin. May bakante pa kasing upuan sa tabi ko. Saktong nasa harapan ni Gwen.

Umiling ako nang hindi siya tinitignan. Patuloy parin ang pag-oobserba ni Gillian at Gwen sa harapan namin. Naramdaman ko nalang ang pag-upo ni Shey sa tabi ko.

"Kumain ka na?" narinig kong bulong ni Shey sa akin. This time, tinignan ko na siya. Nakangiti na siya ngayon. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko na talaga siya maintindihan. Parang kanina lang ay galit na galit siya sa akin. Tapos ngayon? Parang walang nangyari?

"Oo nag-dinner kami kanina nila Mama." malamig kong sagot sa kanya. Bakit, hindi pa ba siya kumain?

"Ah okay. May pagkain kayang pwedeng orderin dito?" napalakas ang pagkakatanong niya noon kaya napatingin 'din sila Gillian at Gwen sa amin.

"Hindi pa ba kayo kumain?" tanong ni Gillian. Tinignan niya 'din si Celine na ngayo'y nasa tabi naman ni K.

"Hindi pa. Order nalang tayo, Shey? May rice meals sila dito."  sabay pakita ni Celine ng menu.

Malayo si Celine kay Shey kaya 'yung menu na nasa harapan ni Gwen ang malapit lang sa amin. Umubo pa si Gillian bago niya sinikuan si Gwen, bilang senyas na ibigay ang menu kay Shey.

"Ay, ito oh.." inabot ni Gwen kay Shey ang menu.

"Thanks." matipid na sagot ng katabi ko.

Napa-shot nalang ulit ako na alak, dahil sobrang awkward ng mga nangyayari. Noong makapili na si Shey at Celine ng makakain ay dumiretso sila sa may counter.

Ubo pa ng ubo sa harapan ko si Gillian. Tinignan ko siya ng masama dahil parang sinasadya niya ang pang-aasar sa akin.

"Oh kalma! Graduation mo!" tawa pa siya ng tawa sa lagay na 'yan. Gusto ko na siyang sabihan ng mga masasamang words para manahimik. Papatulan ko na sana siya, ang kaso pabalik na ulit si Shey sa tabi ko.

Pagkaupo ni Shey, nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Mas lalo niyang siniksik ang sarili niya sa akin at pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Kunot noo ko siyang tinignan dahil sa pagtataka.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon