3rd.

10 0 0
                                    

3rd.

2 weeks after

"Oh Pi, bakit ngayon ka lang?"

Inusog ko ang upuang nasa tabi ni Kim G at saka ko ito inupuan. Nilagay ko naman ang bag ko sa ilalim nalang ng mesa. Ang sikip ba naman kasi netong lugar na pinagkakainan nila. Ang hassle tuloy.

"May hinatid lang." sagot ko.

Nakita ko naman na napatingin sa akin si K na may pagtataka sa mukha.

"Lul. Sino na naman yan?" nakaabang na tanong ni Jes. Isa din sa mga tropa namin. Madami kami, pero itong apat lang ang madalas kong nakakasama. Hindi naman kasi magkakatugma yung mga schedule namin kaya nagkawatak-watak 'din.

Nagkibit balikat ako habang pinaglalaruan ko yung mga daliri ko na nakapatong sa mesa, "Si Sanda Rodriguez. 'Yung Pol Sci."

"What the fucking shit! Akala ko ba kayo ni Grace? Yung tourism!" pagkabigla ni Kim G. Muntik pa niyang mabuga ang sandwich na kinakain niya sa mukha ko. Ingay talaga neto.

"Wala na kayo Paps? Parang kailan lang, kasama palang natin siya sa Veta ah." pagtataka naman ni Jes. Isa sa mga tanyag na laging pinupuntahan na inuman ang Veta. Lagi kaming laman dun. Party boys eh.

Tsaka, ano ba naman 'yan! Ano bang nakakapagtaka dun! First time ba nilang ma-experience na iba-iba ang pinapakilala ko kanila every week?

"Malamang Paps. Wala na kami 'nun. Hindi pumasa eh." nangingiti kong sagot. Naalala ko na naman yung gabing naghahalikan kaming dalawa. Okay na eh! Kaso shet lang, biglang sumabit yung braces niya sa labi ko! Grabe 'yun, ang sakit! Mabuti nalang at gumagaling na. 'Di na gaanong mahapdi.

"Tapos yung Sandra na naman ngayon? Nako Rye, nakakailang babae kana ha! Sampu in a month." halakhak ni Jes.

"Bakit hindi mo tularan 'tong kaibigan nating na-todas ata talaga ng chicks niya." pang-aasar ni Kim G kay K. Tinignan siya ng masama ni Pi. Wrong move ka Tol. Seryoso talaga yan sa babe niya.

"Shut the fuck up, Kim." banta ni Pi. Ayan! Pinanlisikan siya ng mata kaya tumahimik nadin ang gago.

Tinignan lang ako ni K ng seryoso. Bakit ba ang tahimik niya? May problema? Oh baka naman may war sila ni Babe? Ang sama niyang makatingin eh.

"Una na ako." paalam niya sa amin.

"Uy tol, galit ka ba? Sorry na uy." pagpipigil ni Kim sa kanya.

Nakita ko naman ang pag-iling ni K sa kanya. Eh anong problema niya?

"May gagawin lang ako. Una na ako sa inyo."

Wala ng nag-atubili pang makisawsaw sa kanya at hinayaan nalang namin siyang makaalis. Tinignan ko siya hanggang sa makalabas siya ng cafeteria.

Problema nun?

Natapos ang klase ngayong araw. Katabi ko nga si K pero hindi naman niya ako pinapansin. Hindi ko rin siya nakikitang may hawak-hawak na cellphone. Conclusion: Break na ba sila? Oh baka may away?

Niligpit ko ang mga gamit ko at saka ko siya pinuntahan. Pareho lang kasi ng way ang bahay naming dalawa kaya lagi din kaming nagkakasabay sa pag-uwi.

"Pi, sabay ka sa akin?" tanong ko.

Abala naman siya sa inaayos niyang mga papeles kaya tinanguan niya lang ako, "Oo. Tara." matipid niyang sagot.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hanggang sa makapunta kami sa grounds, tahimik parin siya. Ano ba! Baka naman sa akin siya galit?

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon