26th.

10 0 0
                                    

26th.

"Hindi ka pa tapos?" tanong ni Gwen.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, at sumenyas ng sandali lang. Kanina pa ako abala sa cellphone ko. Hindi ko na nga masyadong malasahan ang kinakain kong pares. Chat kasi ng chat si Shey simula pa kanina.

"Kanina pa tayo nandito." paalala niya. Napansin ko nga 'din na dumadami na ang mga taong kumakain, hindi tulad kanina na kami lang dalawa ang nandito.

From: Shey

Why are u with her? kayo lang dalawa?

Paulit-ulit niyang tanong. Kada reply ko, hindi pa ako nakakahinga, may reply na naman ulit. Hindi ko magawang i-delivered muna dahil ang dami niyang tanong, parang bawal i-seen muna tapos mamaya nalang sana replyan. Baka kasi magalit.

To: Shey

Uubusin ko lang 'to, uuwi na kami

Tinurn off ko na agad ang cellphone ko at inilagay muna ito sa bulsa ng short ko. Biglang nawala ang gutom ko! Sayang naman! Pares overload paman 'din! Hindi na ako nakapag-pa refill ng kanin at sabaw. Hindi tuloy sulit.

"Okay na tara na. Bayad muna ako!" at saka ako dumiretso sa counter para ibigay ang bayad naming dalawa.

"May utang ako sayo ah." aniya.

"Libre 'yon baliw. Ako nag-aya eh." sagot ko naman. Nakita ko pang ngumuso siya bago sumabay sa akin sa paglalakad.

Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko. Hays, ano bang problema neto ni Shey? Masyado ba talaga siyang threatened kay Gwen?

"May problema kayo?" out of nowhere niyang tanong. Siguro napansin niya 'din na kanina pa ako problemado habang nakikipagchat.

Umiling nalang ako. Baka kung ano pa kasi isipin niya, tapos ma-awkwardan na naman siya sa aming dalawa ni Shey. Kailangan ko lang sigurong linawin kay Shey ang lahat.

"Sure ka?" nasa harapan na kami ng gate namin. Huminto na ako dun at magpapaalam na sana sa kanya.

"Oo nga. Thank you, Gwen! See you tom?" Sunday palang bukas pero panigurado may gala na naman kami. Kaya for sure, magkikita na naman kaming dalawa.

"Mamaya, hindi ka sasama?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong meron mamaya?" parang wala naman akong naaalala na ganap mamaya. Oh baka may chat pala sa GC , hindi ako na-inform.

"Ahh.. baka kami lang nila Gil at Zia.. Club lang."

"Na naman? Kaka-inom mo lang kagabi, ah?" seryoso kong tanong.

"Kaya matutulog muna ako ng mga 2-3 hours. Naka-oo na kasi ako sa kanila."

Tumango ako ng dahan-dahan, " Okay... Ingat nalang kayo."

Ngumiti lang siya at nagba-"bye" bago tuluyang naglakad patungo sa dorm nila. Hinintay ko munang makapasok siya sa gate nila, bago ako pumasok sa bahay.

Na-curious naman ako bigla. Saang club na naman kaya pupunta ang mga 'yun? Ang dadamot, hindi nag-aaya. Tsaka si Gil.. pinayagan ni K? Parang imposible.

Tanungin ko nga si Gwen.

itsmerye: alam ba ni K?? lagot kayo kay K

Dumiretso ako sa kama at humiga na. Dinadalaw na ako ng antok at pagod. Ngayon ko lang 'din binuksan ang mga chats sa akin ni Shey. Taena, 11 unread messages.

From: Shey

Balita? r u still with her

'Yan ang huli niyang chat. 'Yung iba panay tanong lang bakit si Gwen lang daw ang kasama ko, at hindi kasama 'yung ibang tropa. Parang it's not nice daw na magkasama kaming dalawa, alone.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon