37th.

9 0 0
                                    

37th.

Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay pagkatapos kong sabihin iyon. Wala namang pumigil sa akin. Wala ring nag-atubiling magsalita.

Dumiretso ako sa may kusina para makainom ng malamig na tubig. Napasandal nalang ako sa may ref namin habang umiinom.

Pinikit ko ang mga mata ko. Kakaibang pagod na talaga ang nararamdaman ko netong mga nakalipas na araw.. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin. Gusto kong makalimot.. gusto ko ng makatakas.. Pero bakit habang tumatagal mas lalong humihirap?

"Pre."

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si K sa harapan ko. May dala siyang isang bote ng alak at inabot niya sa akin 'yun.

"Salamat.." tinanggap ko 'yun at ininom.

Mga ilang sandali pa bago siya nagpasyang magsalita. Nakatayo lang kaming dalawa sa gitna ng kusina namin.

"Hindi ko talaga inexpect na ganito ang mangyayari.." saad niya. Napapunas pa siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang kamay, "I mean.. Si Shey 'yun eh. Kahit si Celine hindi makapaniwala sa nangyari.."

Tumango ako sa sinabi niya.. dahil totoo naman talaga.

Napa-buntong hininga ako bago ako uminom ulit. Nararamdaman ko na 'din ang luhang namumuo sa mga mata ko. Kaming lahat talaga hindi makapaniwala na magagawa ni Shey 'yun.. Iba siya, eh. Paulit-ulit ko talagang ipaglalaban na hindi siya ganun. Hindi ganoon ang pagkaka-kilala namin sa kanya.

"Sorry, pre." lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang balikat ko, "Alam kong nangyari na 'to sayo dati kay Eris.. Pakiramdam ko tuloy ako ang may kasalanan ng lahat dahil pinilit kita kay Shey.." nahihimigan ko ang lungkot sa kanyang boses.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tipid ko siyang nginitian, "Sira ka ba? Paano mo magiging kasalanan 'yun? Ikaw ba ang nagloko?" sarkastiko kong sabi.

Umiling lang siya, "Kahit na.. Kung sanang hindi mo siya nakilala, hindi mangyayari 'to."

Tinanggal ko ang kamay niyang nasa balikat ko at humarap ako sa kanya ng diretso.

"Ano ka ba, Pi! Choice naming dalawa 'yun. Pinili kong mahalin siya ng sobra sobra, at pinili niyang sumaya sa iba. Kaya labas kana 'dun, okay?" sagot ko. Halos makalahati ko na ang boteng binigay niya sa akin.

Yumuko lamang siya at hindi na muling nagsalita. Sumandal nalang ulit ako sa ref namin habang iniinom ang alak. Nakatingala lang ako simula pa kanina.. Ayokong may kahit isang patak ng luha ang tumulo sa mukha ko. Naisip ko, hindi na talaga worth it. Masyado na akong matagal na nagtitiis at nagpapaka-bobo sa relasyon namin. Tama na siguro.

Tinapik ko siya sa likod. Nauna na 'rin akong maglakad pabalik sa labas. Naabutan ko silang nag-iinom parin doon.

"Saan ka galing? Pati si boss nawala nalang bigla." tanong ni Kim. Sakto naman lumabas na 'din si K. Umupo siya sa kanyang upuan, at dumiretso naman ako sa tabi ni Jess.

Pagkaupo ko, doon ko lang napansin na wala na si Gwen sa tabi ni Gillian. Nasaan na 'yun?

"Bakit?" biglang bato ng tanong sa akin ni Gil. Nahuli niya kasi akong nakatingin sa pwesto niya.

"Si Gwen, nasaan?" tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at nag-krus pa ang kanyang mga kamay bago niya ako sagutin.

"Umuwi na nga eh. Sabi, inaantok na daw. May lakad pa ata bukas." maayos niyang sagot.

Wala nalang akong ibang nasabi kundi 'okay'. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa messenger. Akala ko ba inaantok na 'tong si Gwen, pero bakit online parin siya? Binuksan ko ang chat namin. Nagreply pala siya kanina doon sa huli kong chat, ngayon ko lang nakita.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon