11th.

11 0 0
                                    

11th.

Shit! Shit! Shit!

Nagmamadali akong dumiretso sa bahay para magkulong sa kwarto. Tinakbo ko pa 'yung dalawang kanto na 'yun para agad akong makauwi. Tarantang-taranta ako dahil hindi ko nasagot 'yung tawag ni Shey!

Kung hindi ka naman ba minamalas, oo! Bakit ba kasi ako nakialam sa mag-syotang 'yun! Sarili kong lablayp hindi ko tuloy maayos.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pinindot ko ang voice call namin sa messenger at lakas loob akong naghintay ng sagot. Una naman siyang tumawag kaya wala na akong pakialam kahit anong isipin niya.

Pabalik-balik lang ako sa paglalakad sa loob ng kwarto ko. Panay 'ring' lang ang kabilang linya. Hanep na 'yan! Alas dose na ng hatinggabi baka tulog na 'yun.

Umupo ako sa kama at nagtipa nalang ako ng mensahe para sa kanya.

Rye: huy :( sorry di ko nasagot.

Rye: sagot kaaa tulog na ba u

Rye: kakain ako ng bubog kapag hindi ka sumagot :(

Tinawagan ko siya ulit. Ngayon lang ako nataranta ng ganito sa buong buhay ko. Kung sanang hindi ako nag-aksaya ng oras sa pakikialam sa isyu ng iba, edi sana magkatawagan kami ni Shey hanggang ngayon!

Badtrip.

Mga sampung missed calls na ata ako, pero wala pa 'rin. Napahiga nalang ako sa sobrang lungkot. Baka tulog na nga. Hays.

Rye: sleep kana sguro sorry :( gudnyt :(

Oo, sad talaga ako! Pambihira naman. Moment na 'yun eh! Abot kamay na sana eh! Masaya na sana ang buong araw ko tapos naudlot pa. Kagagawan kasi ng pagiging bobo ko. Badtrip talaga!

Napasapo ako sa noo ko. Ano pa bang magagawa ko, baka tulog na 'yung tao. Alangan lumipad ako sa siyudad para lang sa kanya. May bukas pa naman.. pero sana replayan niya ako! Kapag nireplayan niya ako bukas, promise babawi ako sa kanya. Kahit 24-hrs telebabad pa 'yan, g ako.

At ganoon na nga ang nangyari. Kinabukasan, paggising ko 11:13 AM na. Ngayon palang ang simula ng sembreak namin pero mukhang sanay na agad ang katawan ko sa ganitong oras ng paggising.

Unang hinanap ng kamay ko ang cellphone ko. Nabadtrip ako agad noong makita kong lowbat ako. Sana pala ay nag-charge na ako kagabi. Literal na dead batt kasi.

Pagtapos kong mai-charge, diretso banyo ako para maghilamos at mag-toothbrush. Panay ang punta at check ko sa cellphone ko kung okay na bang buksan ko ito kahit lowbat pa, pero ayaw parin.

"Malas ba ako o ano?" Tanong ko sa sarili ko. One bar palang kasi ang nacharge tapos ayaw pang bumukas.

Wala naman akong ibang nagawa. Dumiretso ako sa labas ng kwarto at naabutan kong nanonood ng basketball si Papa at si Mama.

"Tinanghali ka ah, anak." Bungad sa akin ni Papa habang kumakain ng mani. Patuloy pa 'rin sila sa panonood at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Finals na ba at ganyan sila ka-seryoso?

"Pagod eh." Tipid kong sagot.

Nagsandok ako ng kanin at nakita kong may itlog at hotdog na ulam sa mesa. Hindi ko na sila inaya kasi panigurado kumain na sila ng agahan. Mukhang ready na nga for lunch dahil naaamoy ko na 'yung tinolang niluluto ni Mama.

"Sarap naman! Kuha ako!" Sigaw ko sa kanila. Para sana brunch na 'tong kakainin ko.

"Hoy! Pinapakulo pa 'yan! May ulam naman d'yan!" Sigaw ni Mama.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon