15th.

7 0 0
                                    

15th.

Ang bilis lumipas ng mga araw. Parang kailan lang noong nag-enroll na kami, tapos heto na kami ngayon - may pasok na naman. Para lang kaming tumumbling ng 10 times tapos nasa school na naman kami. Kung sabagay halos mag-iisang buwan lang naman talaga lagi ang sembreak. Pero ang good news talaga d'yan ay sa wakas... LAST SEM NA NAMIN! At kumpara sa ibang mga sem masasabing mas chill na ngayon dahil tinatapos nalang namin ang thesis at puro pre-boards nalang. Taena sa wakas!

"Last 4 months nalang makakawala na 'din ako sa inyong mga ugok!" walang hiya kong sabi sa mga tropa kong ngayon ay nakatambay sa study area. Panay lang ang tambay at cellphone namin dahil wala naman kaming klase at puro edit lang sa thesis na ginawa na namin last sem.

"'Yun ay kung ga-graduate ka, Pi." bastos na sagot ni K. Nagtawanan naman si Kim G at Jess.

"Sira ulo ka ba! Malamang!" siniko ko pa siya sa tagiliran dahil siya ang katabi ko ngayon. Minura niya lang ako pero okay lang, deserve naman niya.

"Ikaw na bahala sa thesis natin K ah. Ano pa bang kulang?" tanong ni Kim G. Pare-pareho kaming mga pabuhat lang dito.

Nagla-laptop ngayon si K at ako naman ay nautusan lang na may i-search. Pero natapos ko 'din agad kaya maaga ang chill. Bale ganito na pala lagi ang set up namin buong sem.

"Malapit nalang naman ito tapos applications nalang." sagot ni kumag na K.

Napansin ko lang na alas dose na ng hapon noong biglang lumapit sa mesa namin si Alezia at Gil. Dumiretso si Alezia sa jowa niyang si Jess para akitin ng lunch break.

"Uy ano tara lunch?" yaya niya 'din sa amin.

"Ay alas dose na?" si K. Hindi ko nga rin napansin sa sobrang busy at nakakatamad na araw na ito. Parang gusto mo nalang tumunganga.

"Duh oo! Masyado ka kasing busy! Susumbong kita sa Mama mo siguro hindi ka nakain lagi kapag lunch!" si Gil na bratinela. Talagang simula noong naging mag-jowa si Jess at Alezia, napapadalas na ang pagkikita namin neto ni Gil. Miske sa bahay nila, doon kasi ang tambayan lagi.

"Napaka-oa mo." ang tanging nasabi nalang ni K.

Ganoon na nga ang nangyari. Dahil mag bestfriend si Gil at Alezia, lagi na namin silang sabay kumain sa labas. Mukhang hanggang dito sa univ, ganoon na ang magiging set up. Pero wala naman akong reklamo dahil madalas nalilibre naman kami. Haha! 'Yun talaga 'yun.

Dumiretso kami sa labas dahil wala naman kwenta ang pagkain sa cafeteria. Nag-order nalang ako ng adobo, mas mura pa at masarap dito sa kainan sa labas.

"So graduating na pala kayo niyan no? Shet! Ako nalang ba matitira sa bahay niyan?" tanong ni Gil kay K.

"Bakit saan ba kami pupunta? Ga-graduate lang naman ako?" si K.

Natawa ako sa pambabara niya kay Gil.

"Itong si Gil, sumobra sa OA kasi. Tsaka magre-review pa kami sa board exam. 4 months 'din yun ah!" sagot ko.

"Ayun nga eh, pero diba sa Manila kayo magre-review?" tanong ulit niya.

Tinignan ko naman ang tatlong kumag. Oo nga pala, wala pa kaming plano about sa Boards. Pero may mga review center din naman dito. Mas madami nga lang sa Manila. What if mag-Manila nalang kaya ako para makapag-live in na kami ni Shey? Hahaha.

"Mas maganda sa Manila syempre. Mas madami dun." sagot ni Kim G.

"Saka na natin pag-usapan 'yan kapag pumasa na tayo sa last sem." sagot ni K. Tama nga naman. Hindi pa nga sigurado kung ma-martsa eh. Pero syempre matic na 'yun.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon