17th.

7 0 0
                                    

17th.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Bukod sa nakainom ka Rye, anong oras na oh? 12 am na sira." pagpipigil sa akin ni K.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita na pasado alas dose na nga. Bumungad 'din sa akin ang mga  hindi ko pa nabubuksang chat ni Shey.

Napasapo nalang ako sa noo ko, at nagpatuloy sa paglakad. Gusto kong suntukin 'yung sarili ko dahil gusto ko ng ma-blangko ang utak ko at huwag na tuluyang mag-isip.

"Ipagpabukas mo nalang. Gusto mo bukas samahan pa kita?" aya ni K. Malapit na kami sa kanya-kanya naming mga bahay kaya magpapaalam na sana ako.

"'Di bale na, Pi. Pabayaan mo na." at saka ako naglakad patungo sa gate namin. Sinarado ko na ito at dumiretso na sa banyo para maghilamos.

Tulog na si Mama at Papa. Madilim na sa buong bahay dahil madaling araw naman na. Dumiretso akong humiga sa kama at tinawagan si Shey. Ang kaso, panay ring lang, mukhang tulog na at hindi na nakapag-hintay. Ang ending, ayun, nagchat nalang ako. Wala naman magagawa 'yung sorry ko sa buong araw kong hindi pag-update sa kanya.

Kinabukasan, wala parin ako sa mood. Pero kumpara kahapon, nagbibiruan na kami ng tropa. Abala lang 'din ang mga sumunod na araw dahil nga routine-based ang mga ginagawa namin. Review, exam, thesis, then repeat. Gagu sasabog na utak ko.

Pero mas okay na dito sumabog kaysa sa ibang mga bagay. Bumalik na 'yung sigla ko sa pagcha-chat ko kay Shey. Panay ang call, matic! Hindi lang kami nag-uusap kapag siya na ang nasa klase. Ang bilis lang nung mga araw. Pagtapos ng isang linggong pagtitiis, Christmas break na naman pala!

"Sabay ka kay K punta dito? Oh may sariling plans ka?"

Magkausap kami ngayon ni Shey. Sakto kakauwi ko lang sa bahay galeng iskul. Maaga-aga 'din ako nakauwi, mga 6pm ganun. Nakapatong lang sa kama ko 'yung cellphone ko at nagbihis muna ako bago humiga.

"Parang gusto kita sunduin d'yan, tapos dalhin kita dito. Kung okay lang sayo?" tanong ko. Syempre gusto ko na siyang ipakilala kela Mama at Papa. Lalo na kay Iris, na lagi lagi akong tinatanong.

"Sure ka? Hindi ba masyadong mabilis?"

Natawa ako, "Anong mabilis? Okay lang 'yan! Sa kasal nalang ba natin kita iuuwi sa amin?" biro ko sa kanya.

"Baliw ka. Syempre.. nahihiya 'din kasi ako. Kailan ba 'yan?"

"Edi Christmas Break. Hindi naman kita pwedeng nakawin sa inyo sa mismong pasko. Baka mga December 20 ganun." sagot ko.

Mukhang nag-iisip pa siya ng malalim. Malapit-lapit na 'din kasi 'yun! Next next week na halos.

"Sige okay lang sa akin. Pero overnight lang suguro ako papayagan ni Mama."

Gusto ko na sana siya hiritan na "ako kailan mo ako ipapakilala sa mama mo"? Kasi mukhang hindi parin ako kilala eh! Haha!

"Okay lang 'yun. Kahit nga mag-lunch ka lang dito okay na. Solve na ako nun. Mag-balikan nalang ako para mahatid ka." ganyan ako ka-effort mga Tol.

"Magdadala nalang ako ng sasakyan. Hassle kapag ganon!" pagpupumilit pa niya. Ayoko pa sana nung una, pero napapayag niya din ako dahil pumayag siya na ako na daw mag-drive, tapos commute nalang ako pauwi.

Natapos ang harutan namin sa call dahil medyo inaantok na 'din ako. Ang kaso parang nasa mood ako para mag-shot ngayon. May beer naman sa ref, kaso walang ice cubes. Makabili na nga sa labas!

Nagpaalam lang ako kay Shey, at ayun pinauna ko na siya matulog. Mabuti nga at hindi siya strict masyado sa ganito eh. Kahit lagi ako nag-iinom at nagba-bar, wala ako narinig na bulyaw mula sa kanya. Promise sobrang chill! Oh baka nakilala niya kasi akong tanggero, kaya wala na siyang choice.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon