27th.

12 0 0
                                    

27th.

Tulad ng inaasahan, kumalat na sa buong school ang nangyari. Kaliwa't-kanan ang mga chismis pagpasok ko kinabukasan. Nakakairita ampota. Sadyang judger talaga ang mga tao, ano? Nakakainis na wala naman silang alam sa totoong nangyari, pero ang dami na nila agad comments.

Tapos kahit anong chat at tawag namin kay Gwen, wala talagang sagot. Pinaplano pa nga ni Gil na puntahan daw namin sa dorm, pero mabuti nalang napigilan siya agad ni K. Hayaan muna namin daw siya na mag-recover sa nangyari, at paniguradong sa mga oras na ito, ayaw pa talaga niyang kumausap at humarap sa tao.

"Kung alam ko lang sana hindi ko na siya pinabalik noon sa school. Sira ulo 'din 'yung kaklase niyang tumawag, napag-utusan siguro 'din ni Kyle!" galit na galit na sabi ni Gil.

Ganoon pala ang nangyari. Talagang si Gwen ang pumunta sa Faculty, dahil tinawagan siya noong isa niyang ka-grupo na kunwari ay pinapatawag daw siya noong Professor nila sa Major. Gaya ng utos sa kanya, dumiretso siya doon at naghintay sa cubicle ng prof nila. Meron pa daw papel na kunwari ay pinapa-check, pero ang lahat ng iyon ay scripted lang para ma-record sa CCTV. Planado pala talaga ang lahat! Tangina, ginawa nila 'yun para sirain ang kinabukasan ng tao. May puso ba sila?

"We should convince her to defend herself.. Kilala ko kasi 'yun, for sure hahayaan nalang niya ang nangyari." nagmamakaawang sabi ni Gillian.

Marketing siya, pero dahil sa nangyari, panay na na ang tambay niya dito sa Engineering building. Totoo naman ang sinabi niya.. Naaalala ko tuloy 'yung huling usap namin ni Gwen. Parang napaka-dali nalang sa kanyang tanggapin ang lahat. Kasi kung ako 'yun, kahit umabot pa sa korte, ipaglalaban ko talaga. Lalo na't graduating na ako, dalawang buwan nalang!

"Mukhang minamadali na ng nasa itaas ang expulsion ni Gwen.. Narinig ko lang kanina sa may Faculty. The heck, sumasakit ang ulo ko." walang lakas na napaupo si Zia sa may monoblock na malapit sa amin. Lahat kaming magto-tropa nakatipon lang dito at nag-iisip kung ano pa ba ang kaya naming itulong sa nangyayari.

"Ang kupal naman nila. Napagha-halataan na sinadya! Hindi man lang inimbestigahan ng maayos!" napakuyom pa ng kamao si Kim G.

"'Wag na 'wag lang talagang magpapakita sa akin 'yung Kyle na 'yun. Panigurado, basag ang mukha." ani Jess. Ano nga bang course ng hinayupak na 'yun? Sana pala binasag ko na 'yung bayag nun noon.

Hindi ko talaga maiwasang hindi malungkot at magalit. Grabe, napaka-unfair pala talaga ng mundo. Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko 'din siguro alam kung anong gagawin ko. Ang init 'din ng mga tingin sa amin ng mga tao. Alam kasi nila na kami 'yung mga nakakasama ni Gwen. Tss, pagsusuntukin ko pa sila.

"Kamusta si Gwen?" tanong ni Shey noong minsan na nag-usap kami sa video call.

Lumipas nga ang Valentine's, hindi ko na napansin sa sobrang daming nangyari noong nakaraang linggo. Mabuti nga at kahit papano naglie-low na 'din 'yung pagiging nagger ni Shey about kay Gwen. Siguro kasi nababasa at nakikita 'din naman niya sa GC na hindi lang ako 'yung naaapektuhan.. Lahat kami, sa tropa namin apektado.

Nakalagay lang sa phone stand ang cellphone ko at naka-on ang video call habang nagbibihis ako.

"Ayun, wala kaming balita. Hindi nagpaparamdam eh." sabay tapon ko sa kama ng uniform na suot ko.

"Tuloy talaga 'yung expulsion? Grabe.. That was so unfair." naaawa niyang tanong.

Umupo nalang ako at tumango, "Mukhang ganoon na nga. Wala eh, planado lahat. Pinag-iinitan talaga siya."

Naalala ko na naman 'yung ex-boyfriend niyang si Kyle. Bakit kung kailan gusto ko 'yung makita, hindi siya nagpapakita? Maturuan man lang sana ng leksyon.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon