21st.

12 0 0
                                    

21st.

"Shey. Sige na naman oh, pansinin mo na ako."

Nasa kwarto kaming dalawa ngayon. Kinausap ko pa si K at Celine na hayaan muna kaming dalawa dito. Kinuntsaba ko pa sila para lang makausap at maging okay na kaming dalawa.

"Rye, please. Umalis ka d'yan!"

Umiling ako. Nakasandal kasi ako ngayon sa pintuan, hawak hawak ang door knob. Mahirap na, baka umalis na naman ulit siya, eh!

"Not until maging okay tayo!" firm na firm kong sagot, "Shey, please na kasi! Mababaliw na ako dito oh!"

Inis na inis parin ang itsura niya. Siguro naririnig na 'din kami sa labas, pero wapakels na ako. Paano ba naman kasi! Uuwi na daw silang dalawa ni Celine pagka-check out namin dito sa resort. Gago, hindi naman pwedeng ganun ganun lang!

"Ano? Nagseselos ka ba talaga kay Gwen? Promise, walang something sa amin.." pagpapaliwanag ko. Kung gusto pa niyang idala ko dito si Gwen para siya na mismo magsabi sa kanya na wala talaga, gagawin ko!

"I'm not jealous with her, okay?" naniningkit pa ang mga mata niya.

"Eh ano kung hindi?" halos magmakaawa na ako sa kanya! "Pwede naman kasi nating pag-usapan.. Walang mangyayari kung idadaan mo 'yan sa silent treatment." tama 'di ba? Hindi naman na kami bata pa!

"I was so disappointed last night.." mahina niyang tugon. Napaupo pa siya sa kama habang kinakalma niya ang kanyang sarili.

"What happened last night... sobrang happy ko. Gusto ko sana paggising ko nandyan ka sa tabi ko. But you were not." naiiyak pa niyang sabi.

Natameme ako. Nakonsensya naman ako bigla! Hindi ko alam na ganoon nalang ang epekto sa kanya.

Nilapitan ko siya. Umupo pa ako sa sahig para magpantay ang lebel naming dalawa. Nakayuko siya ngayon at, mukhang iiyak na. Gago amp! Ano na namang ginawa mo, Rye?! Bobo ka!

"Sorry na... Kung alam ko lang na magagalit ka dahil umalis ako, sana pala hindi nalang ako nagising.. Sana tiniis ko nalang pala na hindi ako uminom." hinawakan ko ang magkabila niyang kamay at paulit-ulit ko itong hinalikan. Hays!

"Nagsisisi na ako, Shey.. Sa susunod hindi na ako aalis sa tabi mo. Sorry kung nasira ko 'yung dapat masayang araw nating dalawa." paghihingi ko parin ng paumanhin.

Hindi ko naman kasi alam na sa ganito ang ending noong paggising ko kagabi. Grabe, minsan talaga maiisip mo, 'yung mga normal na bagay na hindi naman dapat problemahin, nagiging big deal kapag nasa relasyon ka! Pero wala eh, mahal mo eh.

"Sorry na, okay? Ayokong umalis ka dito nang hindi tayo nagkaka-ayos." halos yakapin ko na siya para mapatahan lang siya. Hindi naman na niya ako pinipigilan katulad ng kagabi, kaya kahit papaano pakiramdam ko gumaan na ang loob niya.

Tumingin lang siya sa akin habang umiiyak at mabuti naman, yumakap na 'din siya! Hays!

"Sorry. Naiinis 'din ako sa sarili ko dahil ganoon ang naramdaman ko. I felt so lonely.." lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Ngayon ko lang na-realize na sobrang clingy naming dalawa. Mabuti pala at kinakaya namin ang LDR, ano?!

Humiwalay siya sa pagkaka-yakap, at pinunasan ko naman ang luha niya. Bobo ko naman! Mga ganitong babae hindi dapat pinapaiyak, eh! Strike 1 kana, Rye!

"Bati na tayo, ah.." halos paulanan ko na siya ng kiss sa buong mukha niya.

Grabe, ayoko talaga ng nag-aaway. Legit nade-drain ako.

"We're okay.. Sorry 'din, Rye." saad niya. Salamat naman. Akala ko talaga aabot pa ng Metro Manila ang panunuyo ko, eh!

"But let me ask you one thing.." pahabol niya. Tumango lang ako para sabihing "sige ano yun?"

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon