32nd.

5 0 0
                                    

32.

"Congrats, Rye! Nakaka-proud naman ang kapatid ko na 'yan!"

Paglabas palang namin nila Mama galing sa graduation hall, sinalubong na agad ako ni Ate ng yakap. Si Mama lang kasi ang naisama ko sa loob kanina. Si Papa at Ate naman ang naiwan sa labas, naghihintay.

"Paka-ingay mo!" suway ko sa kanya. Kahit ang ingay ng paligid, lamang na lamang parin talaga ang nakakabingi niyang boses.

Sa wakas ay natapos narin kami. Buong araw atang may naka-schedule sa Plenary Hall, pagod na pagod lahat ng mga graduates! Kaninang umaga mga ECE or EE ata ang unang naisalang. Na-schedule ang Civil Engineering ng 1PM-5PM onwards. Kaya inabot na kami ng madilim dito, ngayon palang natatapos ang lahat. Kahit nakaupo lang naman ako at nakikinig, sobrang pagod ko pagtapos!

Hindi ko na nakita sila Kim, K at Jess pagtapos ng ceremony. May kanya-kanyang lakad kasama ang pamilya, eh. Pero ayos lang, mamaya naman may after party kami sa isang restaubar. Ni-reserve talaga namin iyon para doon na kami mag-celebrate.

"Kain nalang tayo sa labas.. Ano, tara?" aya ni Ate. Mabuti nalang at dala niya ang kanyang sasakyan. Kahit malapit lang ang university namin sa bahay, nakakahiya naman kung maglalakad lang kami.

'Yung plano niyang cater hindi na natuloy dahil hindi na daw uso ang handaan sa bahay ngayon. Kung sabagay, may point. Kaya napagdesisyunan nalang naming kumain sa labas. Wala naman 'din akong planong kumain ng madami dahil may after party nga mamaya. Kailangan ko ng madaming espasyo sa tiyan ko para sa alak.

"Tara na.. Gutom na si Papa at Mama." pagmamadali ko.

Sumakay na kaming lahat sa sasakyan, at syempre si ate na ang nag-drive. Pumwesto lang ako sa passenger seat, tapos sila Mama at Papa naman nasa likod, gutom na gutom na. Paano ba naman kasi, ang dami masyadong nangyari kanina sa ceremony! Akala ko nga eh aabutin pa kami ng alas siete ng gabi.

"Hoy Rye, ano? Nasaan yung jowa mo?" tanong ni Ate.

Nags-scroll lang ako sa Facebook dahil wala akong balak sagutin ang tanong niya. Hindi naman sa ayaw kong sagutin, pero wala kasi akong isasagot na. Ako nga 'din mismo hindi ko alam kung ano ng balita kay Shey. Pagtapos kasi noong huli naming usapan, hindi ko na siya nireplyan. Edi hindi na 'din siya nagparamdam.

Paano ba naman kasi. Ano bang isasagot ko sa 'sorry' niya? Promise, nakakaumay na talaga. Sobrang nakakaumay pakinggan ng paulit-ulit na 'sorry".

"Don't tell me break na kayo?" patuloy parin niyang tanong habang minamataan ako ng masama.

"Pabayaan mo na 'yang kapatid mo. Kung ayaw sumagot, 'wag mo pilitin."

Mabuti pa si Mama marunong umintindi!

"Ay sus! Mukhang minalas kana naman, ah? Paano ba naman kasi, hindi mo pinakilala sa akin!" komento pa niya.

Nagpipintig na ang tenga ko, pero ayoko nalang patulan. Mahaba-habang usapan pa ang magaganap kapag sinagot ko 'yang si Ate. Isa pa 'tong ayaw magpatalo.

"Oo na! Bilisan mo na at saan ba tayo kakain?" naiirita ko ng tanong. Ayokong pumunta sa SM dahil panigurado puno ang mga kainan doon!

"Buffet tayo! Nagpa-reserve na ako! Mabuti pala at pang-apat lang ang ni-reserve ko. Wala naman pala si Shey!" pang-aasar ulit niya. Tumatawa pa talaga!

"Pasalamat ka manlilibre ka ngayon, kung hindi!" pagpipigil ko ng inis. Kahit na kasi trenta na ang edad niya, isip bata parin.

Bumaba kami sa isang open viewing na restaurant. Mabuti nalang at mayaman si Ate, at sagot niya lahat. Sayang nga wala 'yung mga anak niya, dahil 'yung isa may lagnat daw. Kaya ayun, nandoon sila pareho sa Lola nila sa kabila. Bale, kaming apat lang talaga ngayon.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon