38th.

14 0 0
                                    

38th.

"Are you two together.. already?" hindi niya makapaniwalang tanong. Kung hindi lang siya pinigilan ni Celine ay aabante na siya papunta sa amin ni Gwen.

"Chinachat kita nonstop.. Tinatawagan.. Lahat ginawa ko na para makausap ka. Pero hindi ka man lang nag-abalang sumagot. Dahil ba dito?" itinuro niya si Gwen, "Dahil ba sa kanya, Rye?!"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit parang ako pa ang may malaking kasalanan ngayon? Bakit parang ako pa ang nagloloko?

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Shey." sagot ko, "So anong reply pa ang aasahan mo sa akin?"

Kunot ang kanyang noo, "Anong wala?! We have lots to talk about! Pero iniiwasan mo lang!" pagalit niyang tugon.

May mga iilang tao na ang nakiki-usyoso sa nangyayari. Nasa harapan lang kasi kami ngayon ng dorm ni Gwen. Nakakahiya dahil gumagawa na kami ng eksena dito.

"Shey, calm down!" pigil sa kanya ni Celine.

Tumingin ako kay Gwen.. Naka-estatwa lang siya sa harapan ko at nakatingin ng diretso kay Shey.

"Pasensya na, Gwen." naagaw ko ang kanyang atensyon, at dahan-dahan lang siyang tumango.

"Ahh yes. It's okay.. I think you need to talk to her." nginitian niya lang ako at itinuro ang pwesto ni Shey, "Go. Papasok na ako, Rye." binuksan niya ang gate at hindi na niya ako hinintay pang sumagot.

Hinayaan ko nalang siyang makaalis dahil ayoko ng madamay pa siya dito.

"Rye." narinig ko ang pagtawag ni Celine sa akin. Itinuro niya si Shey na bumalik na sa loob ng sasakyan, "Mag-usap muna kayo.." aniya.

Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa aking bulsa. Pabalik-balik ang tingin ko kay Shey, at kay Celine.. Hindi ako makapag-desisyon kung tama pa bang kausapin ko siya.

"Paano ka? Maiiwan ka dito? Alam ba ni K na nandito ka?" tinignan ko si Celine.

"Papunta na siya." naningkit ang mga mata ko, "Sorry Rye, we didn't tell you ab-"

Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin, "So, alam niya nga?"

Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Dahan-dahan lang siyang tumango. What the hell?

"Hindi talaga siya nakikinig sa akin." disappointed kong sabi.

Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ayoko ng makita at makausap si Shey, pero pinilit parin talaga niya. Hindi niya man lang ako kinausap o sinabihan bago sila nagpunta dito.

Pucha, ang galing eh. Ngayon, ano pa bang choice ko, 'di ba?

Dumiretso nalang ako sa kotse ni Shey. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela habang pinapanood niya akong maglakad patungo sa passenger's seat. Kahit labag sa kalooban ko, binuksan ko ang pinto at sumakay.

"Bilisan lang natin ang pag-uusap na 'to." lumingon ako sa kanya at sandali ko siyang pinagmasdan. Hindi ko akalaing ito ang babaeng minahal ko.. Sobrang iba niya na ngayon.

"Rye.. Tell me, kayo na ba ni Gwen?" seryoso niyang tanong.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at sumandal sa may bintana ng kotse. Hanggang ngayon ba naman ito parin ang issue niya?

"Tingin mo ba kami na? Anong klaseng pag-iisip 'yan, Shey?"

"But why do I always end up seeing you two together? As in lagi kayong magkasama!" sigaw pa niya.

Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis dahil ako pa ang pinagmumukha niyang mali ngayon.

"Teka nga Shey, baka nakakalimutan mo na ang ginawa mo?" tinignan ko siya ulit, mata sa mata, "Kung meron mang nanloko dito, ikaw 'yun."

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon