1st.

14 0 0
                                    

1st.

[ THE PAST ]

From: Babe #3

Pasensya na pero ayoko na. Break na tayo Rye. Sorry.

Napainat ako sa mensaheng nagflash sa cellphone ko. Hay salamat. Mabuti naman pala at siya na mismo ang nakaisip na makipaghiwalay sa akin. Good job, babe. Sa lahat ng mga bagay na ginawa mo, 'yan lang ang nagustuhan ko.

Heaven! Single and ready to mingle na naman ang koya mo!

August xx, 2020 ; 9:30 am

Halos kakagaling ko lang 'din sa jogging at sa gym. Dumiretso na ako sa bahay para makapag-almusal dahil maya-maya lang ay aariba na ako papuntang eskwela. Syempre, iba talaga kapag sayo nalang umaasa ang pamilya. May choice ka pa bang magreklamo? Aral, sunod, aral sunod nalang ang lagay ko ngayon.

Hindi naging maganda ang gising ko ngayon. Sobrang sakit ng labi ko nang dahil sa babaeng nakasiping ko kagabi. Ang hirap palang magka-jowa ng babaeng may bakal sa ngipin. Enjoy na enjoy ko nga ang halikan namin, nadali naman ang pinaka-iingatan kong lips. Kung alam ko lang! Hanggang ngayon ang hapdi parin nung sumabit na part. Badtrip.

"Nadali pa." sabay muwestra ko sa salamin ng banyo. Mabuti nalang talaga at naghiwalay na kami. Ang tagal kong hinintay ang milagrong ito. Finally naman natupad na.

Dali-dali akong naligo at nag-ayos. Diretso na ako neto sa university na tinutuluyan ko. Ako lang bale mag-isa sa bahay dahil 'yung ate ko ko may sarili ng pamilya. Si mama at papa, ayun maagang umalis para kumayod. Dalawa lang kaming magkapatid, pero si Ate maagang nagka-pamilya kaya ako ang tinuturing na 'pag-asa ng bayan' nila Mama.

Ako nga pala si John Rye Serj. Habulin ng mga chicks sa Univ. May maipagmamalaking face at body. 23 years old at kasalukuyang Civil Engineering student sa Unibersidad ng Arevalo - isang public university dito sa baryo namin. Dakilang scholar ako dito at isa ito sa mga tanyag na unibersidad sa lahat! 'Yun nalang talaga ang maipagmamalaki ko. Face and brain opkors.

"Uy pre. Dito ka na pala." salubong sa akin ng isa kong ka-tropa. Sa corridor palang ay ramdam na ang aming aura. Palihim akong ngumisi. Well.

"Si Pi?" (pi - read as "pie") tanong ko kay Kim G na siyang kasama ko ngayon habang naglalakad. Maaga-aga pa kaya napag-isipan naming pumasyal sa college ng mga tourism at HRM students. *evil laughs* Alam na!

Huminto kami sa isang espasyo at sumandal sa railings ng corridor. Wala pa naman ang professor namin kaya libre tambay dito. Wala pa naman siguro si Dean kaya hindi kami mahuhuli.

"Ewan ko Rye. Busy ata sa bago niyang manok. Alam mo na, yung nakilala niya." sabay halakhak ni Kim G. Oo nga pala. Baka busy si Lover Boy at nawawalan na talaga ng oras sa amin.

"Sus. Maghihiwalay 'din yan." mapait kong sagot. Hindi kasi ako naniniwala sa forever eh.

Ilang minuto ang lumipas at nasisilayan ko na ang mga kababaihang nagsisilitawan palapit sa amin. Ngumiti ako ng malawak sa lahat ng mga babaeng napapatingin sa direksyon namin.

"Ugok, hinay-hinayan mo lang!" pakiwari ng aking katabi.

Siniko ko siya at pinanlisikan ng tingin, "Ulol. Blessings yan!" at saka ko pinagpatuloy ang pagpapa-pogi sa mga dumadaang babae.

Ganyan na talaga ang hobby naming magto-tropa. Inumpisahan ko lang hanggang sa nahawaan ko sila ng virus ko. Legs virus to be specific! Basta pagdating sa legs, mabilis ang mga mata ni JRS! Naaayon ko naman sa itsura kaya may justice naman kahit papano.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon