8th.

11 0 0
                                    

8th.

"Tulala ka d'yan?"

Nakaupo ako sa study area habang kinakalikot ko 'yung cellphone ko. May dalawang oras na bakante kasi kami bago magstart yung next subject. Eto namang si Pi kakagaling lang sa Faculty nang-aasar na kaagad.

Umusog ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko. Parang basura na 'tong pwesto namin sa dami ng nakakalat na gamit. 'Di bale, dalawang araw nalang naman na tapos na 'tong Finals na 'to! At sa wakas makakapag-party na ako ulit!

"Ano 'di ka sasagot?" Banta ni Pi. Di ko kasi siya sinagot kasi tinatamad ako magsalita.

Dinungaw niya yung cellphone ko at nahuli niyang nakatingin na naman ako sa message na sinend ko noong nakaraang araw kay Shey. Boset na chismoso na 'to! Agad kong inilayo yung phone ko sa kanya.

"Ano ka babae, chismosa?" Halos masuntok ko na siya. Tawang-tawa na naman siya dahil nakita niyang badtrip ako.

"Video call mo kaya? Baka ayaw ng chat, gusto call." Pang-aasar niya ulit.

Pasalamat siya maraming tao sa paligid kung hindi nabugbog ko na siya.

"Ano ako jowa?" Pagsusungit ko.

Eh totoo naman. Gustuhin ko mang i-chat ulit siya parang nay pumipigil sa akin. Pati friend request ko nga, hindi niya ma-accept. Pero kainis, bakit pa kasi hindi ito nagre-reply? Akala paman 'din crush niya 'din ako.

"Joke time naman kasi ata 'yung binigay mong account sa akin. Baka naman mali." Inis na sumbat ko kay Pi.

"Anong mali ka d'yan? Tignan mo."

Kinuha niya yung cellphone niya at sinearch 'yung pangalan ni Shey sa FB. Binigay niya sa akin yung cellphone nya at saka ko naman binuksan yung akin. Check ko nga baka namali ako ng type.

"Amp, tama naman." Saad ko.

Binigay ko sa kanya yung cellphone niya at busangot akong nagde-kwatro ng upo. Edi okay.

"May instagram ka ba? Sa IG active 'yun si Shey, try mo." Bugaw niya ulit. May instagram naman ako, pang-stalk ng mga chicks. Pero wala akong kahit anong post. Baka mas lalo akong hindi replayan doon.

"Try mo lang. Send ko username niya sa chat." Sabi niya. Pagkasend niya hindi na ako nagdalawang-isip pang i-search si Shey sa IG. We never know, 'di ba?

"Wow, naka-public." Mangha kong saad. Konti lang 'yung pictures niya. Shet, ang ganda talaga niya! 'Yung recent picture niyang pinost kela K pa. Tapos suot niya 'yung white niyang dress na hindi ko makakalimutan.

"Gagi, nag IG story naman siya pero hindi niya ako inaccept. Masakit talaga 'yung loob ko, Pi." Malungkot kong sabi. May dalawa siyang naka-story. 'Yung isa view ng daan. 'Yung isa naman picture niya, selfie. Replayan ko nga!

Hi Shey. Ganda naman! Musta na? John Rye 'to. :3

Tinipa ko yan bilang reply doon sa IG story niya. Okay na kaya yan? Sabi ni Pi pakilala nadaw ako agad eh. Bahala na, walang hiya naman ako.

Mga ilang segundo bago ko pinindot yung 'Send'. Bahala na talaga si Batman! Last na talaga 'to! Kapag hindi pa siya nagreply, rekta delete ko na friend request at chat ko.

*beep beep*

Nasa kamay ko kang 'yung cellphone ko nang bigla itong nagvibrate. Nagulat pa ako kaya napaupo ako ng maayos.

Dahan-dahan kong sinilip kong sino 'yung nagchat para suspense. Shet ang bilis! Lawak ng ngisi ko nung makita kong si Shey 'yung nagreply!

shenaysa: John Rye? You mean K's bff?

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon