4th.

12 0 0
                                    

4th.

"Dalawang bote pa."

Sinunod naman ako ng lalaking nasa harapan ko. Hawak-hawak ko ngayon ang basong may lamang alak habang tinititigan ko ito ng diretso.

Pagkatapos ng usapan namin ni Sandra, hindi na ako nagdalawang-isip pang dumiretso sa club na tinutuluyan ko ngayon. Mag-aalas-singko nadin naman ng hapon, at mga tatlong oras nadin akong umiinom dito. Walang kain kain. Alak lang. Sapat na sa akin. Lalo na ngayon.

Hindi na ako bumalik sa mga kagrupo ko kaya paniguradong galit na galit yung mga 'yun sa akin. Lagi nalang kasi akong nawawala kapag may ginagawa kami. Tss. Wala nadin naman akong pakialam. Masyado akong maraming iniisip at pino-problema ngayon. Saka ko na aasikasuhin ang mga dapat bigyan pansin sa eskwelahan. 'Wag muna ngayon.

Sinerve naman ng bartender ang dalawang bote ng beer na inorder ko. Nakakailang tungga nadin ako pero ni pagkahilo wala man lang akong maramdaman. Ano pang silbi ng paglalasing kong 'to? La epek naman. Nauubos lang pera ko.

"Hey."

Napalingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko. Hindi naman siguro ako nagkakamali, hindi ba? Ako yung tinawag niya panigurado.

"Mind if I join you?" nakangiti niyang paalam sa akin.

Mukha siyang newbie sa lugar na ito base sa kanyang suot. Yung iba kasing nagpupunta dito, halas mawalan nadin ng saplot sa sobrang showy nila sa kanilang mga balat. Nagtatawag ng pansin kapag ganoon. Tho, wala naman sa akin 'yun. Bahala sila ano gusto nila suotin.

Sa nakikita ko mukhang okay naman 'tong lumapit sa akin. May hawak-hawak siyang baso ng orange juice kaya hindi naman siguro alak ang habol niya dito. May itsura naman kahit papano. Pero bago palang siya sa paningin ko. 'Di siguro tiga Univ.

"Sige." pagsagot ko. Ininom ko na ang natitirang alak na nasa basong hawak ko. Ubos na naman.

Narinig ko nalang ang pag-usog ng upuan sa tabi ko, tinitigan ko lang siya habang umuupo. Wala akong ibang nakuha sa kanya kundi isang ngiti lamang.

"I'm Gwen by the way." nag-abot siya na kamay sa akin. Hindi ko 'yun inasahan, akala ko kasi tatabi lang siya.

Tinanggap ko naman ito at nagpakawala ng isang ngiti. Hindi nga ako nagkakamali, mukhang mabait naman siya.

"Rye. John Rye." pagpapakilala ko naman.

Muli kong binato ang aking pansin sa bote ng alak na nasa harapan ko. Binuksan ko ito at ininom. Hindi pa gaanong maingay at ma-tao sa loob ng club ngayon. Mamayang gabi panigurado, puno. Lalo na weekend ngayon, chill time ng mga ka-tropa.

Tinignan ko ang babaeng nasa katabi ko ngayon. Tahimik lang siyang umiinom ng orange juice niya. Kanina ko pa napapansin na tingin siya ng tingin sa paligid. May hinahanap ba 'to?

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Halos maging giraffe na siya sa kakalingon eh.

Nabigla ata siya sa pagtatanong ko kasi nanlaki ang mga mata niya, "Ah oo. Okay lang." Sabay inom uli niya ng juice.

Ngumisi ako, "Bakit mo ba ako nilapitan?" tanong ko. Maybe she has her own reasons, tama? Parang landi, ganun.

"Ahh.. Wala. I'm just.. worried out there." sabay turo niya sa kanyang kinalulugaran kanina, "Kaya pinuntahan kita kasi mukhang hindi ka okay."

Tumango naman ako ng dahan-dahan sa sinagot niya.

"Pero nakakaistorbo ba ako? A-aalis nalang ako." nauutal niya paring sabi.

This girl is obvious.

Umiling ako, "Hindi. Okay lang naman."

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi habang iniinom ang kanyang juice. Cute naman siya eh. Pwede na.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon