12th.

10 0 0
                                    

12th.

"2 minutes 2 minutes, mga pre." Hiyaw ni Jes sa harapan ng laptop niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila K. Ako, si Jes, at si Kim G.

Ang sabi ko naman sa inyo dakilang tambayan namin ang bahay nila eh. Kanina pa kami naka-tambay dito kasi mabilis ang internet nila Pi, nag-aabang kasi kami ng mga grades online.

"Yown! Meron na!" Sigaw na naman ulit ni Jes.

Dali-dali kong nirefresh 'yung portal namin. Para kaming mga tangang naka-focus sa mga laptop namin dahil kabadong shits kami. May isa kasi akong subject na medyo delikado. Baka lumaglag pa ako sa mga list of graduating students ngayong taon. Naku, 'wag naman sana!

"Easy baby! All passed!" Pinalo pa ni Kim G 'yung mesa sa sobrang saya niya. Tinignan ko naman si K, malamang sa alamang all passed 'to. Baka nga nasa DL pa 'yan eh.

"Tamang pasa lang mga sir." Sagot ko naman. Which is walang bago. Kung matalino ako, mas matalino 'tong tatlong ugok. Ang importante kamo pumapasa.

"Mukhang pumasa naman lahat. Magsi-uwi na kayo." Pang-tataboy ni K sa amin.

"Panget naman ng trip mo, Tol. Anong uwi uwi, wala bang celebration?" Tanong ni Jes.

Muntik na akong mabilaukan. Nagtitigan kami ni K dahil hindi pa nga pala namin nasasabi sa kanila na bukas na 'yung alis naming dalawa pa-Metro.

Nagkunwari akong umuubo, "Hindi kami pwede ni Pi ngayon. Aalis kami bukas, bawal mapuyat."

Nagsikunutan ang mga noo nila, "Bukas na ba 'yun? At tsaka bakit ka kasama?" Ani Kim G.

Tinignan ko ulit si Pi para manghingi ng saklolo. Bakit nga ba ako sasama? Wala lang, trip ko lang?

"Pinopormahan niya 'yung kaibigan ni Celine." Sabi ni K. Hindi ko inasahan 'yung paniningit niya kaya halos malaglag ang panga ko.

Sinipa ko 'yung paa niya sa ilalim ng mesa bilang ganti.

"Ampota seryoso ka, Rye? Sure ka na kakayanin mo LDR? Ikaw pa ba?" Tanong ni Jes.

Tumatawa naman si Kim G sa tabi niya na parang joke lang 'yung pinag-uusapan namin. Gusto ko siyang sakalin.

"Siya ba 'yung lagi mong ka-chat, Rye? Hindi naman sa tsismoso ako ah, pero minsan naaanigan ko lang." Tawa pa 'rin ng tawa si Kim G.

"'Wag masyadong excited. Usap lang naman muna eh." Iwas ko. Totoo naman. Tropa lang naman kami ni Shey.

"Usap usap mo mukha mo. Kaya pala may lumitaw sa timeline ko noong nakaraan. Nagme-mentionan na sa mga FB posts!" Bato niya.

Hindi ko naman inasahan 'yung sinabi niya. Saka ko naalala na napapadalas na nga 'yung pagme-mention ko kay Shey sa mga nakikita kong memes sa facebook. Tsaka kapag may nakikita akong samgyup, ayun tina-tag ko 'din siya. Lumilitaw pala 'yun sa timeline ng mga 'to? Napaka-tsismoso.

"Oh ano naman? Sige ikaw i-mention 'din kita minsan." Sagot ko sa kanya.

"Todo deny ka naman, Rye. Pakilala mo nalang sa amin kapag naging maganda ang tagpuan niyo ah." Utas ni Jes.

Nagtatawanan lang silang tatlo doon habang inaasar ako. Pinakita pa ni K 'yung picture ni Shey sa kanila tapos mas lalo akong inasar. Ang dungis ko daw para kay Shey. Grabe, ang kakapal ng mga mukha.

Ang ending sabay-sabay nalang kaming nag-dinner sa may malapit na tapsilogan. Masyado silang supportive sa landi namin ni K bukas eh. Tanong pa sila ng tanong kung ano na daw status namin ni Shey as of the moment.

Kung ako 'yung tatanungin niyo, masasabi kong medyo may pag level-up naman ng slight. Literal na lagi kami magkausap, pagmulat ng mata ko sa umaga hanggang sa pagtulog. Mas nagiging open at madaldal na 'din si Shey simulo noong unang video call namin. Which is sa tingin ko, goods naman. Atlis wala ng hiyaan sa personal.

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon