39th.

8 0 0
                                    

39th.

“Bitch!” 

Isang malakas na sampal ang bumati sa akin pagpasok ko sa loob ng condo ni Kyle. Nabitawan ko pa lahat ng papeles na dala ko at nagkalat ang mga ito sa sahig. Bumuntong-hinga na lamang ako at hinawakan ang aking pisngi bago ko siya pasadahan ng tingin.

“Ano na naman ‘yung nabalitaan kong kasama mo daw umuwi kahapon ‘yung kaklase mong si Ralph?!” galit na galit niyang tanong sa akin.

Here we go again. 

Hindi na ako nag-abala pang sumagot at kusa na lamang akong umupo sa sahig para ayusin ang mga nakakalat na papeles. 

“Aalis na ako. Mukhang wala ka sa mood, eh.” walang gana kong sabi bago ako tuluyang lumabas ng unit at dumiretso na lamang sa dorm ko.

Panay ang chat at tawag niya sa akin pero hindi ko na lamang pinansin ang mga iyon. Nanatili muna ako sa dorm para bigyan ng cold compress ang aking kaliwang pisngi para mawala ang pamamaga neto. 

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Why do I even tolerate this kind of treatment? I mean.. this is too much hell already. And it’s so unfair dahil wala akong magawa.

I closed my eyes in frustration. Kanina pa tunog ng tunog ang phone ko dahil nilo-locate na naman niya ang location ko. Grabe, sakal na sakal na ako. 

Hinagis ko ang phone ko sa kama, at dumiretso ako palabas ng dorm para pumunta sa XR. Nakasuot parin ako ng formal na dress dahil supposedly ay aalis kaming dalawa ngayon. But because of his anger issues, pati iyon ay hindi na natuloy. But that, same day, sa loob ng XR.. that’s where I met ‘this’ guy for the first time.

“I’m Gwen by the way.” pagpapakilala ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakita ko kasi na nandito ‘din sa loob ang mga barkada ni Kyle kaya madalian akong pumunta sa front station. I had no choice but to approach the guy in front dahil siya lang ang naroroon. 

He looked at me with those judging eyes before he accepted my hand and answered, “Rye. John Rye.”

Alam kong jina-judge na niya ako that time dahil nasa loob ako ng bar, pero orange juice lang ang inorder ko. Balisa pa ako nang mga oras na iyon dahil nakikita ko ng papalapit sa pwesto namin ang mga kaibigan ni Kyle. Of course, they will recognize me! Tapos ang kasama ko pa ay lalaki. Panigurado ay magsusumbong iyon sa tropa nila. The f.

“Okay ka lang?” he asked. Ngumiti lang ako ng peke. Syempre um-oo lang ako while drinking my orange juice. He even asked me bakit ko daw siya nilapitan. Wala akong maisagot dahil.. bakit nga ba? No reason, actually.

“Ilang taon ka na ba? Hindi ka pa pwede sa mga ganitong lugar. Tsaka kung juice lang ang iinumin mo marami namang tindahan sa labas.” he said. 

‘Yun ang hindi ko makakalimutan sa lahat ng mga sinabi niya. Mukha lang akong bata dahil sa height ko, pero 22 na ako! I also drink alcohol, pero sa ngayon ay wala ako sa mood. Grabe siya kung maka-judge. Natawa nalang ako ng palihim sa mga sinabi niya.

“Goodbye. I’ll just see you around.” pagpapaalam ko. 

Nabigla ata siya sa sinabi ko dahil pinasadahan niya ako ng tingin, from head to toe. Para akong nanliit sa tingin niya. Hindi na siya nagsalita kaya kumaway nalang ako bago ako tumakbo palabas ng club. Sinamantala ko na ang chance na ‘yun dahil nakita kong pumunta ng VIP room ang mga magkakaibigan. 

And yes, that’s our first meeting at akala ko ‘yun na ang last. Hindi ko naman inisip na oo nga pala, possible na same school lang kami. Laking gulat ko noong nakita ko siya sa cafeteria noon. And guess what? Nagta-tantrums siya sa cashier dahil wala itong panukli. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The Memories We 'Once' HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon