Alyxianna Amora Marqueza
"Amora! Nandito na si Vanessa!" Sigaw ni Mama sa baba.
Kinuha ko na ang bag ko bago bumaba. Tapos narin naman akong kumain. Sabi ni Van baliktad daw ako. Mas nauuna akong kumain bago maligo. Pake ko naman diba? Eh sa iyon talaga ang nakasanayan ko.
Naiinis talaga ako kapag tinatawag ako ni Mama nang Amora. Sabi ng Alyx o Xian nalang. Ang tigas ng ulo ni Mama.
" Oh anong mukha na naman 'yan Amora. Ang aga-aga!" Sermon niya. Natawa naman ang best friend ko kaya mas lalo akong napasimangot.
" Wala Ma. Baon ko" sabay lahad ng kamay ko.
Syempre bago magbibigay ng baon si Mama ay may sermon pa. Kesyo hindi daw ako tumutulong sa gawaing bahay tapos ang lakas ko humingi ng pera. Si Mama talaga ang hilig magbilang ng hindi ko pagtulong pero hindi naman napapansin ang pagtulong ko.
" Ma alis na kami" paalam ko.
" Sige. Mag-ingat kayo"
Sabay na kaming lumabas ng bahay ni Van. Ganito lagi ang tagpo namin tuwing pasukan. Sinusundo niya ako sa bahay dahil wala akong sasakyan. Siya narin naman nagoffer eh kaya hindi na ako tumanggi. Minsan ako rin naman ang nagbabayad kapag nagpapagasolina kami.
Nasa kabilang compound pa siya pero hindi naman siya nagrereklamo. Minsan palitan kaming magdrive. Kahit wala akong sasakyan ay marunong akong magdrive. Tinuruan ako ni Papa noon.
" Bakit ba ayaw mo ng Amora eh maganda naman at bagay sayo" natatawang sabi nito habang nasa biyahe kami papuntang University.
Napasimangot ako. " Ayaw ko nga diba. Ang hirap bang intindihin 'yon"
Tinawanan lang ako ng bruha.
Pagdating namin sa FSU o Francis Syn University ay madami agad ang bumati saaming dalawa. Friendly naman kaming pareho ni Van kaya maraming nakakakilala saamin. Pareho kaming BS communication students ni Van. Angkop rin naman ang course namin sa personality naming dalawa.
" Hi Xian" malanding bati saakin ni Kathy. Maganda naman siya pero hindi ko siya type.
Simpleng tipid na ngiti lang ang binigay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa classroom namin. Napailing nalang si Van.
Simula kasi noong highschool ang daming babae ang lumalandi saakin. I'm bi. Out and proud. Isang beses lang ako nagkagirlfriend at highschool pa ako. Sabi ni Van baka lesbian talaga ako dahil mas madali akong maattract sa babae. Lagi kong sinasabi na 'siguro. Hindi narin naman mahalaga' . Straight ang best friend ko kaya lagi kaming napapagkamalang dalawa lalo na at sweet siya minsan. Nanadya lang talaga siya kapag maraming tao.
" Good morning!" Masayang bati ng mga kaklase namin pagkakita saamin. Bumati naman kami pabalik sakanila.
" Hi Vanessa ang ganda mo ngayon" nagpapacute na bati ni Arnold sa best friend ko. Ngumiti lang ng malandi ang kaibigan ko kaya ayon natulala.
Pafall at paasa talaga ang kaibigan ko.
Magkatabi kami ng upuan ni Van. Hindi talaga kami mapaghihiwalay. Syempre ayaw ko rin mawalay sakanya no'. Matalino kasi talaga ang best friend ko kaya kailangan kong dumikit lagi sakanya lalo na kapag exam o may quiz. Sabi nga ' what is the use of having a brainy friend' .
In terms of projects naman ay ako ang gumagawa. Mas magaling kasi ako sa arts and design. Nagtataka nga si Van kung bakit hindi Fine arts ang kinuha ko. Sabi ko naman at least may art parin sa course ko.
" Hi Xian" napatingin naman ako sa babaeng lumalapit saakin at napasinghap ako nang bigla itong umupo sa lap ko. Malakas na naghiyawan ang mga kaklase ko. Mukhang galing itong ibang course dahil hindi ko siya kilala.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games