13

39.7K 1.1K 529
                                    

Alyxianna

" Kahit papaano makakapagpahinga na tayo sa training dahil tapos na ang UL" sabi ni Vina.

" Yeah pero saglit nga lang kasi training naman para sa UTERA" sagot ni Richel.

Every year ay may tatlong laro kami. Una ay ang UL na ginaganap every August. Sa UL ay kasali lahat ng laro tulad ng mga lawn tennis, basketball, baseball, billyard at iba pa. UTERA or Universities Time of Elite Race Association every November para sa Volleyball at Volleyball Cup Tournament every March or usually kapag end of the year na. Kaya halos lahat binubuhos na ang lahat ng efforts para manalo sa Cup Tournament kasi end of the year na.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay kanya-kanya na kaming balik sa room namin dahil back to class narin pagkatapos ng UL event. Back to normal ulit kami.

Si Krizen lagi parin kaming nagkikita. Minsan lumalabas kami pero doon lang sa mga lugar na hindi matao para hindi ako makilala at hindi masira ang date namin. Balak ko na rin siyang ipakilala kila Mama pero tatanungin ko muna siya kung ayos lang ba sakanya. Si Van at Krizzle palang ang nakakaalam sa kung anong ganap saaming dalawa. Ayos lang naman saakin kasi mas nagkakaroon kami ng privacy.

Keep it lowkey ika nga.

Masaya ako. Sobra.

Mas nararamdaman ko kasing lumelevel up na kami. Konting push nalang.

Kinahapunan ay hinintay ko siya dahil nga may night class siya. Wala naman kaming training kaya ayos lang na maghintay ng matagal. Hindi naman ako nabobored kasi kasama ko si Van at naglalaro ng worm games. 'Yong palakihan ng worm. Pero napagod din agad kami kaya lumabas nalang kami ng campus at bumili ng street foods.

Pagbalik namin sa campus ay nakita naming pauwi narin ang mga kaklase niya kaya alam kong uwian na nila.

Sa gilid lang kami naghintay para walang makapansin saamin. Nagmessage din siya na dadaan pa siya sa SG office.

Pagdating niya ay wala narin masyadong tao kaya hindi na siya umangal nang yakapin ko siya.

" Thank you for waiting " sabi nya at bahagyang niyakap din ang bewang ko.

" Welcome bibi.." hinalikan ko pa ang buhok niya. Ang bango!

" Ehem!" Napatingin kaming pareho kay Van na malaki ang ngisi. " Sigurado kayong hindi pa kayo magjowa sa lagay na 'yan?" tanong niya at palipat-lipat ang tingin saaming dalawa.

" Hindi pa. Hindi pa ako sinasagot. Tulungan mo nga akong kulitin siya." sabi ko kaya kinurot niya ako sa tagiliran bago lumayo.

Natawa naman si Van at binalingan si Krizen. " Pres sagutin muna. Hindi ka magsisi dyan. " Kumindat pa saakin si Van kaya natawa kaming pareho.

" Lets go. " Instead ay sabi niya kaya napanguso ako.

Binalingan ko si Van. " Sunod ka lang samin" sabi ko dito dahil ako ang magmamaneho ng kotse ni Krizen tapos sasama siya dahil wala akong sasakyan pauwi pagkahatid ko sakanya.

Hahang nagmamaneho ay hindi ko binibitawan ang kabilang kamay niya. Ang lambot talaga. Mabuti nalang hindi siya umaangal eh.

Pagdating namin sa labas ng gate nila ay lumabas na ako at pinagbuksan siya ng pinto.

" Hihintayin kita bukas ng hapon" sabi ko sakanya kasi nga may night class parin siya.

" Okay. I want to talk you too tomorrow." she give me a smile kaya hindi ko alam kong bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement.

" Sasagutin muna ako bukas?" tanong ko.

" Tomorrow. Okay? don't assume" diin niya kaya napakamot ako sa ilong ko..

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon