16

37.8K 1.1K 179
                                    

Alyxianna

Napahawak ako sa labi ko at parang tangang nakangiti. Tinakpan ko pa ang mukha ko gamit ang towel ko para hindi makita ng mga kasamahan ko sa training. Baka isipin nila na baliw na ako.

Napakagat labi ako dahil naalala ko naman kung anong nangyari kanina sa old library. Hindi ko rin alam kong saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin 'yon. Basta ang nasa isip ko lang ay halikan siya at wala ng iba.
Akala ko nga hindi siya hahalik pabalik.

" Hey.." inalis ko ang towel sa mukha ko at nilingon si Jiwan.

" Bakit?"

" You look happy. " Kunot pa ang noo.

" Bawal pala maging masaya?" tanong ko.

" Unusual. You looked down for the past days " napansin niya rin pala.

" Weather weather ang mood ko bakit ba?" Umirap nalang siya at umupo sa tabi ko.

" Lumayo ka nga. Baka maissue na naman tayo." may ibang tao kasi ang nanunuod ng training namin.

" As if I care." Balewalang sabi niya. "I don't give a damn of whatever they think about me." uminom siya ng tubig at natahimik naman ako. Wala rin naman akong pake kung anong iisipin nila saakin pero pagdating kay Krizen ibang usapan na 'yon. Hindi ko nga siya minumura o kahit pinagsasalitaan ng masasakit na salita eh.

Hindi nila alam kong gaano ko nirerespeto ang taong sinisira nila.

" Next week na ang laro natin" sabi ni Cap at tumango kami.

Mas naging busy pa ako kaya kahit gusto kong makausap si Krizen tungkol sa nangyari ay hindi ko siya mapuntahan. Sa palagay ko ay busy rin naman siya. Nanalo kami sa conference last week at back to training ulit kami para sa UTERA.

" Hi Xian" ngumiti lang ako ng bahagya sa mga bumabati saakin. Xian or Alyx talaga ang tawag nila saakin pero halos karamihan ay Alyx dahil 'yon din tawag ng mga kaibigam ko.

Lumiko ako ng daan para umiwas sa maraming tao. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Rae na may dalang mga libro kaya agad na lumapit ako at tinulongan siya.

Educ pa more. Char!

" Nasaan na ba ang mga manliligaw mo? sila dapat pinababuhat mo" sabi ko. Ang daming umaaligid dito kaya dapat binabantayan ng magiging jowa niya.

" That's fine. You're here now." Simpleng sagot niya.

" Ay wow. Taga-buhat na ako ngayon?" tanong ko.

" Did I tell you to carry them?" Mataray na tanong niya with taas kilay pa. Sungit talaga. Good luck nalang sa magiging estudyante niya sa future.

" Taray mo naman Ma'am." pang-aasar ko nalang pero balewalang naglakad nalang siya kaya sumabay na ako dala-dala ang libro niya. Ibabalik niya pala sa library.

Mas naging close ko siya dahil magpinsan pala sila ni Jiwan. Kaya kapag nasa bahay ako nila Jiwan ay sinasadya ko talagang puntahan siya sa bahay nila dahil kapit bahay lang naman sila para kulitin. Inis na inis 'yan saakin kasi ang dami niyang ginagawang reportings tapos may thesis pa.

Nakasunod lang ako sakanya habang naglalakad kami sa library. Ang tahimik masyado. Tatlong beses palang ata akong nakapasok dito. Ang boring naman kasi lalo na at sporty ako.

" Dalhin mo nalang sa medyo dulo na shelves. " Utos niya. Hindi nalang ako nagreklamo at sinunod siya. Apakabossy talaga.

Pagkatapos kong ilagay ay aalis na sana ako pero nakita ko si Krizen na mag-isa habang nagbabasa ng libro sa gilid. Hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya. Tumaas lang ang kilay niya at hindi nagulat na makita ako. Ang sungit ng mga tao ngayon..

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon