Alyxianna
" Aray.." mahinang sabi ko ng tumama saakin 'yong bola na pinalo ni Jiwan. Ang lakas pa naman..
" I'm sorry!" sigaw niya mula sa kabilang court. Nagtetraining kasi kami para sa Open League conference. Makakasama ko siya sa team.
Lagi kaming magkasama kasi wala masyadong nakikipag-usap sakanya. Paano ba naman englishera. Sabagay ay Koreana kasi siya kaya hindi marunong magtagalog. Konti lang ata alam niya.
Maglalaro kami para sa Red Turkey team tapos makakalaban din namin ang Shadow.
After kasi ng Open League conference ay back to training ulit kami para sa UTERA.
" You okay?" tanong niya habang nakaupo na kami sa bench para magpahinga.
" Hindi. Ikaw kaya i-facial hit ko!" bulyaw ko dito kaya mahinang natawa siya. Nakakaintindi naman siya.
" I said I'm sorry. It's part of the game" sabi niya.
" Oo na" sabi ko at umirap pa ng bahagya.
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kong may message ba saakin at meron nga. Si Mama tinatanong lang kong uuwi ako.
Ibabalik kona sana kaya lang ay nakita ko ang pangalan ni Krizen na nakasave sa contacts ko.
Bibi❤️
Napangiti nalang ako dahil hindi ko talaga dinelete. Minsan kasi nagbabackread ako lalo na kapag miss na miss ko na siya.
Hindi ko na siya masyadong makita dahil sa training ko at umiiwas din ako kasi baka maissue na naman siya dahil saakin.
Kinabukasan ay niyaya kami nila Rosie na iinom sa bahay nila at sumama naman kami ni Van.
" Musta training para sa Open League Conference?" tanong ni Aki.
" Ayos lang." maikling sagot ko at umupo sa tabi ni Ariane. Si Mia at Erin pa ang wala.
" Lagi mong kasama si Jiwan. Close na kayo?" tanong ni Kyla.
" Oo.."sagot ko.
Naoakunot noo ang iba. " Hoy! sumagot ka naman ng maayos! "
Ako naman ang napakunot noo. " Hindi ba matino ang sagot ko?"
" Ang iksi kasi eh. Matagal na naming napapansin yan. May problema ba?" tanong ni Vina.
Inakbayan ako ni Van kaya napatingin ako sakanya. " Hayaan na natin. tawagan niyo nga 'yong magjowa. Nasaan na ba sila ? baka gumawa na ng milagro " natawa kami sa sinabi ni Van..bastos ng bibig.
Hindi nagtagal ay dumating narin ang magjowa. Nasa living room nila kami nakatambay at ayos lang naman kila Tita.
Nakatatlong baso palang ako kasi sabi ko hindi ako pwedeng malasing at marami ang alcohol sa katawan ko kasi nga may training ako, naiintindihan naman nila. Nakapatong ang gitara sa lap ko habang mags-strum. Nag-jamming nalang kami habang umiinom.
" Ayoko sa iba..sayo ako ay di magsasawa. Ano man 'yong sabihin umasa ka ito ay diringin.." pag-awit namin habang naggigitara ako. Malayo ang tingin ko dahil alam kong inaawit ko ito para sa isang tao.
" Sayo na" sabay bigay ni Rosie ng baso kay Mia pero si Erin ang kumuha at binigay kay Mia. Natawa naman ang iba dahil hanggang ngayon inis parin si Erin kay Rosie dahil nga sa panghahalik nito kay Mia.
"Beast mode agad." pang-aasar ni Rosie pero inirapan lang siya ni Erin bago niyakap ang bewang ng girlfriend niya.
" Hihintayin kita..." Umpisa ko. " Kahit nasan kapa di ako mawawala kahit na may dumating pa. Dito lang ako iibig sayo hanggat nandyan kapa hanggang wala ka pang iba ahh..." napatigil ako sy napakagat labi. Natahimik ako at kahit anong pigil pa ang gawin ko hindi ko na kinaya pa ang pagpigil sa mga luha ko.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Teen FictionUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games