9

36.7K 1.2K 196
                                    

Nakahiga ako sa kama ko dito sa dorm habang kaharap ko 'yong laptop ko na nakapatong sa tiyan ko at kausap si Krizen sa kabilang linya.

Sabi ko kasi face time kami kasi gusto ko siya makita. Nakailang kulit pa ako bago pumayag. Gusto ko kasi sana siyang puntahan sa office niya kaya lang nandoon daw mga co-officers niya.

" Ginagawa mo?" tanong ko.

" Watching on my phone." sagot niya.

" Manunuod ka ulit bukas?" tanong ko. Kanina kasi hindi niya nakapanuod sa laro namin sa HU kasi may pinagawa daw yung dean sakanila..Bukas UPI ang kalaban namin tapos sa hapon UDV then kung manalo kami laban sa dalawa waiting for championship na agad kami kaya sana manalo kami sa UDV bukas.

" Maybe. Let see " sagot niya.

Pumasok naman si Van sa kwarto namin na kaharap 'yong phone niya at mukhang naglilive ang gaga.

" Oh heto na si baby Alyx niyo." hinarap pa saakin yung camera at mabuti nalang hindi kita si Krizen dahil malilintikan talaga si Van saakin.

Ngumiti naman ako at kumaway sa mga viewers niya kaya nilayo na ni Van.

" Oh masaya na kayo? wag natin istorbohin ang baby niyo dahil kausap niya baby niya char! " sinamaan ko ng tingin si Van.

" Oh char lang ha baka issue na naman kayo. May pag-asa pa kayo kaya pila lang sa likod " bawi niya.

Binalingan ko naman si Krizen na tahimik lang.

" Baby daw kita" sabi ko at nakangiti kaya nakita ko ang pag-irap niya dahil naka full screen.

" Tatawagin na ba kitang baby ko? babyloves--"

" Stop it. Corny mo" saway niya kaya natawa ako.

" Corny?ang sweet ko nga eh. Sige mag-iisip ako ng maganda. " Sabi ko at nag-isip talaga.

" Eh kung bibi (bb) ? short for baby. Ang sweet kaya " suggest ko.

" We're not in a relationship yet Amora " kontra niya pero natuwa ako sa sagot niya kasi may 'yet' ibig sabihin may pag-asa ako.

Napanguso din ako sa tinawag niya saakin. " Alyx or Xian bi. Ang pangit ng Amora" reklamo ko.

Tinawanan lang ako. " Amora is cute kaya" conyo na sabi niya. Napakagat labi naman ako.

Grabe talaga magpakilig ang isang Krizen Avila.

" Ikaw bahala" tanging nasabi ko nalang. Ang rupok talaga Alyxianna! saan na 'yong paninindigan mong wag kang tawaging Amora!

Pumasok naman si Payton st binati kami.

" Nasaan ang iba?" tanong ko.

" Nandoon sa room ng UDV nakikipagkulitan kasama ang iba pang team ate. Why you guys here? don't you want to have fun?" tanong niya. Magpinsan talaga sila ni Krizen. Walang sagot 'yan na hindi sila nang-eenglish.

" Nakakapagod maglakad. Ang layo pa naman" sabi ko pero gusto ko lang talagang makausap si Krizen ng matagal.

" Oh okay. " Ngumiti naman siya at binalingan ng tingin si Van.

" Ate Van I have tsismis" sabi niya kaya natawa kami ni Van sakanya.

" Nakalive ako bunso. Naririnig ka nila." Nagulat naman ang isa kaya niyaya siya ni Van sa sumali kaya dalawa silang kinakausap ang mga viewers nila. Si Van talaga mahilig maglive. Pati rin sila Rosie.

" Pinsan kakain na tayo" rinig kong tawag ni Krizzle sa pinsan niya.

" Okay" tanging sagot lang ng isa.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon