Nang lumabas na kami ng dug out ay nagsigawan ang mga kanya-kanya naming supporters. Nilibot ko agad ang tingin ko pero dahil sa marami ang tao ay hindi ko makita ang taong hinahanap ko. Lumapit kami kay coach dahil nagbibigay siya ng instruction bago kami nag stretching.
Hindi ako mapakali dahil hindi ko parin makita kung saan sila.
" Ate Xian!!"
Kahit na medyo maingay ay narinig ko parin ang boses ng kapatid ko. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yon at nakita ko sila Mama, Jaja at Aleck na nasa tabi nito ang girlfriend ko na nakasuot ng turtle neck eh ang init-init.
Napakunot noo pa ako sa suot niya pero napakagat labi ako nang maisip kung bakit siya nakasuot ng ganun. Nilaro ko ang ilong ko at hindi ko mapigilang mapangiti.
" Wag mo naman ipahalata na inlove ka masyado." napalingon ako kay Jayzel na parehong nakangising aso katulad ni Rosie.
" Eh ang ganda ng girlfriend ko eh." pagmamayabang ko na mas ikinalapad ng ngisi nilang dalawa.
" Alam namin. Kaya nga baliw na baliw ka sakanya " taas babang kilay na sabi ni Rosie. Nilapitan ko silang dalawa pero tumakbo sila. Mapang-asar talaga kahit kelan.
" Tama na 'yan. Do the stretching. " sita ni Captain kaya mabilis naman kaming umayos dahil nakakatakot kaya magalit si Miya lalo na at nasa loob kami ng court ngayon.
********
Malakas na naghiyawan ang mga tao nang naghalikan si Erin at Captain bago pumunta sa court dahil magsisimula na ang laro. Nagkatinginan kami nila Rosie at natawa habang binibigyan sila ng mapang-asar na tingin. Nilingon ko kung nasaan sila Mama at girlfriend ko. Nakita kong kumaway sila saakin maliban kay Aleck at Krizen. Ngumiti ng matamis saakin si Krizen kaya napangiti din ako.
Ako at si Ariane ang sa Outside hitter, si Captain ang opposite spiker, Kyla and Jayzel as middle blocker plus Akisha as setter and Erin as libero.
Planong ilalabas ni Manager ang iba sa elimination round hanggang finals.
H.U ang makakalaban namin ngayon at natitiyak kong walang makakapayag na matalo kami. Ang plano namin nila Cap at wala kaming lose this season since ito na ang huling laro ng iba saakin dahil gagraduate na sila lalo na si Cap kaya ibubuhos namin lahat ng makakaya namin.
Nagsimula na ang laro at lahat kami ay focus dahil mahalaga ang bawat puntos.
" Jemiah Reymundo for Francis Syn University!!!" sigaw ng announcer ng makapuntos si Captain sa unang pagkakataon. 1-0 and in favor saamin.
Nagpatuloy ang laro namin at minsan ay nagkakaasaran pa kami sa loob ng court at mabuti nalang hinahayaan kaming mag-enjoy nila coach at nakikisama rin naman si Captain kaya mas lalong masaya ang bonding namin.
Nang pumasok ako sa larong 'to, marami akong naging kaibigan, naging supporters kaya mas lalo akong nagpupursige. Alam kong darating ang araw na hindi na ako makakapaglaro kaya sa bawat pasok ko sa court ay gusto ko maging memorable.
" Aray.." daing ko nang tumama sa bandang dibdib ko ang bola na pinalo ni Jiwan. Ang lakas pa naman..
" May galit kaba saakin?" nakasimangot na tanong ko dito pero ngumisi lang siya kaya napanguso ako. Gagu talaga.
Nilapitan naman ako ng medic pero sabi ko okay lang. Tinawanan lang ako ng teammates ko kaya napairap ako. Hindi man lang sila nag-abalang tanungin kung ayos lang ba ako.
************
Natapos ang laro namin laban sa H.U at kami ang nanalo. 2nd set lang ang nakuha nila. After ng laro marami pang nagpapicture saamin kaya hindi ko malapitan sila Mama. Lumabas pa ako ng VTG para imeet ang mga ibang supporters ko na hindi na nakapasok. Marami silang binigay saakin kaya kinuha ng management ko ang iba at sila na ang nagdala. Pumunta ako sa pwesto nila Mama at binati nila ako.
BINABASA MO ANG
𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |
Roman pour AdolescentsUniversities Series # 1 HIGHEST RANKING: 🥇- #1 games