3

39.4K 1.3K 195
                                    

" Si Krizen " bulong ni Van kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Nakita ko si Krizen na naglalakad sa hallway. " Saan siya pupunta?" tanong ko.

" Sa C.R. ata. Sundan natin." Agad na tumayo siya pero pinigilan ko siya.

" Gaga bakit?" tanong ko kaya inikotan niya ako ng mata.

" Tanga. Chance muna 'to para magpapansin. " hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa.

" Ano naman ang gagawin ko para mapansin niya ako?" Tanong ko.

" edi gamitan mo ng charms. "

" No effect naman ata 'yon sakanya. Manhid 'yon tanga.," sinamaan niya ako ng tingin.

" Grabe ka saakin Amora." ako naman ang napasimagot sa tinawag niya saakin pero tinawanan niya lang ako.

Pagdating namin sa cr ay tinulak niya agad ako papasok. Punyeta talaga mabuti nalang hindi ako nadapa. Hindi ko siya nakita kaya baka nasa cubicle na pa siya. Pumasok ako sa isang cubicle dahil naiihi narin ako. Narinig ko ang ingay nito kaya alam kong palabas na siya sa cubicle niya. Pagkatapos ko ay lumabas din ako at naabutan ko itong naghuhugas ng kamay habang nakatalikod saakin. Naghugas narin ako ng kamay. Walang nagsasalita saamin. Shuta! naspeechless ako bigla.

" Hi Pres. Ikaw pala." kunyari ay ngayon ko lang siya napansin.

She turn her gaze at me at kumunot ang noo niya na para bang kinikilala ako. Kita muna. Nakalimutan niya agad ako. Paano ba naman ako magkakaroon ng pag-asa niyan.

Simpleng tango lang ang ginawad niya saakin.

Nakaside view siya saakin kaya malaya kong nakikita ang tangos ng ilong niya. Ang ganda naman masyado.

" Stop staring." agad na nabalik ako sa katinuan. Napaiwas ako habang kagat ang ibabang labi ko.

Nakakahiya ka naman Alyx! ang hina mo pagdating sakanya.

" H-indi naman Pres ah." angal ko pa pero nautal pa ako.

" Whatever." simpleng sabi niya lang at naglakad palabas pero hindi niya ito mabuksan kaya alam kong si Van ang dahilan.. Lihim ako napangiti. Ang galing ni Van.

" Damn it!" Napaawang ang labi ko nang magmura siya. Hala nagmumura pala siya?

" Did you purposely locked the door?" Tanong niya at binalingan ako..

"Ako? bakit ko naman gagawin 'yon? Grabe ka saakin" angal ko at umiwas ng tingin.

" Shit." mahinang usal niya pero narinig ko pa din. Hindi nga ako namali ng dinig. Talagang nagmura talaga siya.

" I have class after a minute. Damn it!" bulong niya.

May klase pala siya. Anong gagawin ko? paano ko naman gagamitan ng charms 'yan eh parang lalamumin ata ako ng buhay.

" Wala ka man lang gagawin?" tanong niya saakin.

" Anong gusto mong gawin ko Pres?" tanong ko din. Napailing ito at pilit paring binubuksan ang pinto.

" Pres. " Tawag ko pero hindi niya ako nilingon.

Sungit.

" Krizen" tawag ko sa pangalan niya at
napatigil ito sa ginagawa at nilingon ako.

" You don't have the rights to call me by my name. I don't even know you. " halatang inis na ito.

Ouch. Ang tabas talaga ng dila niya.

" Grabe hindi mo talaga ako kilala Pres? Sige magpapakilala ako. Ang pangalan ko ay Alyxianna Amora Marqueza. " magiliw na pakilala ko.

Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha niya.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon