22

50.5K 1.2K 273
                                    

Alyx

Napakunot ang noo ko nang makitang nakasunod na naman si Macky sa girlfriend ko. Kahapon pa nagstart ang UTERA at kahapon ko na rin laging nakikita na magkasama ang dalawa. Hindi naman ako galit pero hindi ko maiwasang hindi mainis. Syempre nagseselos parin ako, girlfriend ko 'yon eh. Kaibigan ko si Macky at wala pa siyang alam tungkol saaming dalawa kaya kahit papaano naiintindihan ko ang sitwasyon.

Hindi naman ako possessive pagdating sakanya. Girlfriend ko siya at hindi ko siya totally pagmamay-ari. She still own herself.

Kasali ang SG officers sa committee bilang organizer ng UTERA kaya lagi siyang nandito sa UDV kung saan ginaganap ang UTERA meet.

Tapos na ang time out kaya tumayo na ako at napabuntong hininga. UPI ang kalaban namin ngayon at nasa 2nd set na kami. 13-7 ang score at on favor saamin. Nanalo kami sa 1st set kanina.

" Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Erin at inakbayan ako habang papalapit kami sa court.

" Wala " tanging sagot ko.

" Wag kang magpadistract sa laro. Kaya mo 'yan" natawa nalang ako sa sinabi niya.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming puwesto habang si Kyla ang nagseserve.

Sinet ni Van saakin 'yong bola kaya mabilis na tumalon ako at hinampas ang bola pero dahil malakas ang palo ko ay outside.

" Okay lang 'yan" sabi saakin ng mga kasama ko kaya ngumiti ako ng tipid. Binigay ulit saakin ni Van ang bola pero outside na naman hanggang sa nagtuloy-tuloy 'yon kaya medyo naiinis narin ako sa sarili ko. 13-12 na ang score at nahabol pa nila kami dahil sa errors ko.

" Ayos kalang ba talaga?" tanong ni Erin ulit.

Napabuntong hininga ako at umiling.
" Gusto mong magpahinga muna?" tanong ni Mia.

" Pwede ba captain?"

Natawa naman sila sa tanong ko. " Oo naman. Palit muna kayo ni Ariane. Magrelax ka muna." sagot ni Cap.

Nag-subtitution kami ni Ariane at tinapik naman ako ni Coach sa balikat.

" That's fine, tiger." natawa nalang ako. He used to say that to me to cheer me up and telling me na okay lang.

Kinuha ko naman 'yong bigay ni Manager na tubig at pinunasan ang pawis ko. Nagpaalam muna ako sakanila nasa dug out lang ako para magcr.

Napatingin ako sa reflection ko sa salamin at mahahalata mo talagang wala ako sa mood. Napailing ako, hindi dapat ganito ang attitude ko during the game.

Nakakainis ka Alyx!

Ginulo ko ang buhok ko sa inis. Naghilamos nalang ako at napabuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Baka ako pa ang dahilan ng pagkatalo ng team. Hindi ko siguro 'yon matanggap sa sarili ko.

"Shit!" mura ko.

Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko during the game.

" Amora..." napatigil ako sa iniisip ko at tiningnan siya mula sa reflection niya sa salamin at mataman lang siyang nakatingin saakin. Ngumiti ako sakanya ng tipid pero hindi siya nagsalita at lumapit nalang saakin.

" May problema ba?" malambing ang bawat salita nito, halatang nag-aalala.

Umiling ako sakanya at ngumiti.

" Don't lie to me, love." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at napakalambot ng expression ng mukha niya.

Parang hinaplos ang puso ko sa narinig at nakikita sa mga mata niya.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon