14

35.2K 1.1K 437
                                    

" Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko dito pero umiwas lang siya.

" May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo lang para mabago ko or kung may ayaw ka sa ugali ko babaguhin ko para sayo. Bi naman..." mahinang sabi ko sa huli.

Hindi ito ang inaasahan kong pag-uusapan namin. Akala ko kasi may chance na ako eh na may chance na kaming dalawa.

" It's..." she cleared her throat. " Hindi ko pala kayang maging parte ng mundo mo, Alyxianna. "

Napaiwas din ako at napakagat labi para hindi ako maiyak sa harap niya.

" So ayaw mo na?" tanong ko at parang pinipiga ang puso ko sa usaping to.

" I'm afraid of your spotlight. " Binalingan ko siya at nakita kong nakayuko siya at hindi makatingin saakin. " It's like I'm chasing the star. Ang daming nakatingala sayo. Everyone wants to know about you. You don't have any privacy. I'm afraid of being part of your spotlight. "

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya umiwas ulit ako para punasan ito gamit ang kamay ko.

" Akala ko meron na akong chance. Akala ko pwede na.."

Ngayon ay umangat siya ng tingin at nakita kong may dumaan pang sakit sa mga mata niya kaya alam kong kahit papaano may epekto parin sakanya ang pag-uusap namin.

Na kahit papaano. Ayaw niya parin nito.

" There is a chance Amora but...I realized that having a relationship with you will take my privacy away. You know how much I value my privacy. "

Napayuko nalang ako at hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

" Amora.."

" Paano kong sabihin kong mahal kita?" umangat ako ng tingin at nakita ko ang pagkagulat niya pero umiwas siya. " Paano ba ' to? mahal na kita Krizen."

" I---I'm sorry..."

" Hindi na ba talaga pwede? " tanong ko habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. Lumapit ako sakanya at hinawakan ang dalawang kamay niya at sinalubong ang mga mata niya. " Ang lambot talaga ng kamay mo" sambit ko kaya nakita ko rin siyang mabilis na pinunasan ang luha niya.

" Mahal kita. Mahal na mahal kita. Magiingat ka ah? nandito lang ako kapag kailangan mo ako. "

Umiiyak na sabi ko at hinalikan ang dalawang kamay niya.

" Ihahatid na kita?" tanong ko.

" Don't bo--"

"Huling hatid Krizen...pagbigyan muna ako. Gusto ko paring masigurado na maayos kang makauwi."

Pumayag na siya kaya tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe. Ako ulit ang nagmamaneho ng kotse niya.

Pagdating namin ay pinagbuksan ko parin siya ng pinto at ngumiti.

" Mag-iingat ka lagi.." may kinuha ako sa bulsa ko na papel.

" Here."bigay ko. Nagtaka naman siya.
" Coupon para kapag bumili ka ng siomai with drinks may discount. Nakalagay dyan 'yong shop kung saan ako bumibili. Wag masyadong magpagabi kapag uuwi ka. Wag din masyadong masungit, ngumiti karin minsan mas lalo kang gumaganda." ngumuti ako sakanya. " Pasok na. Aalis na ako." nakatitig lang siya saakin.

" Wag mo ako masyadong mamiss. " Biro ko para pagaanin ang loob niya. " Kapag namiss mo ako kumain kana lang ng siomai. 'Yong spicy "

Nakita kong napaikot ang mata niya kaya kahit papaano ay napagaan ko ang loob niya.

" Ingat ka lagi.." paalala ko.

" You too..." napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siyang papasok ng bahay nila.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon