20

48.1K 1.2K 354
                                    

Nakahiga lang kami dito sa couch sa may sala. Ang iba ay nakaupo at ang iba ay nanunuod ng tv. Rest day namin ngayon kaya nakatambay lang kami sa dorm.

Nagulat kaming lahat nang may pumito ng malakas. Napatingin kami sa hagdan ay ang walang hiyang si Rosie lang pala. Tang*na talaga.

Tawang-tawa ito nang makita ang reaction namin. Gago talaga kahit kelan.

" Kung mamatay karin lang bakit hindi pa ngayon?" sabi ni Van sakanya kaya lahat kami ay natawa.

Sabado ngayon at bukas ulit ang training namin after namin magsimba.

At dahil napakagago ng mga kasamahan ko ay bigla nilang in-on ang speaker ng malakas kaya todo reklamo ang mga nanunuod dahil hindi nila naririnig. Pasimuno talaga si Rosie at Jayzel sa mga kalokohan. Wala ng nagawa sila Aki kundi patayin ang tv dahil nagsasayawan na sila. Mga baliw.

Natawa kami ng malakas nang mag twerk si Kyla tapos hindi naman marunong. Sumakit pa tyan ko kakatawa.

Tumayo din si Mia at nag ala singer at suklay ang ginamit na microphone..magaling talagang makisama si Cap kahit na minsan ay strict siya sa training.

" Stop it babe" saway ni Erin sakanya ng inawitan ito ni Mia na akala mo talaga singer.

Malakas na natawa kami sa reaction ni Erin lalo na nang halikan ito ni Mia sa labi kahit nandito kami. Nagsigawan pa kami para icheer sila.

" Woah sana all may jowa! " sigaw din ng mga single kong teammates.

Tawang-tawa ako sa mga kasama ko pero may tumapik sa balikat ko at si Adalyn lang pala.

" May bisita ka ate."

Napakunot ang noo ko.." sino?"

Ngumiti lang siya at napasinghap ako nang makita ko ang taong nasa likod niya.

Para akong natuod sa kinauupuan ko at hindi parin makapaniwala.

" Bibi.."

Ngumiti siya saakin kaya mabilis na tumalon ako sa sofa at tumakbo sakanya para salubungin ng yakap.

" Baby!!" sigaw ko at dinamba siya ng yakap na ikinatawa niya.

" You miss me?" tanong niya habang nakayakap parin ako sakanya.

Parang ilang taon kaming nawalay sa isa't-isa.

" Sobra..."

Isang linggo kaming hindi nagkita dahil umattend siya ng conference dahil nga SG President siya tapos hindi kami masyadong nakakapag-usap sa phone.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sakanya.

" I miss you too love.." malapad na napangiti ako at umangat ng tingin sakanya.

" Talaga?"

Natawa siya bago ako hinalikan sa pisngi. " Yeah. "

Kinilig naman ako kaya natawa siya ulit. Gustong-gusto ko kapag tumatawa siya tapos ako 'yong dahilan.

Akmang hahalikan ko na ito sa labi nang may tumikhim kaya napaikot ang mga mata ko.

" Ano?" inis na nilingon ko ang teammates ko na hindi makapaniwalang nakatingin saamin. Sabagay ay si Van palang naman ang nakakaalam na girlfriend ko si Krizen.

" Hindi naman ako namamalikmata diba?" Parang tangang tanong ni Nolan sa sarili niya at kumurap pa ng ilang beses kaya natawa ako.

Kinuha ko ang kamay ni Krizen at dinala sa may sofa para maupo. Kinuha ko rin sakanya iyong dala niyang paper bag.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon