18

44.9K 1.3K 683
                                    

Naalimpungatan ako nang may kumatok sa pinto. Jusko 11: 54 palang ng gabi. Kakatulog ko palang. Tiningnan ko si Van at masarap na ang tulog. Nalasing 'yan kanina. Medyo masakit din ulo kasi naparami din inom ko kanina. Umuwi rin sila Mia kahit sinabi kong mag stay nalang sila.

" Bakit?" tanong ko kay Aleckzaj dahil siya 'yong kumatok.

" You have visitor" walang ganang sabi niya at umalis. Sarap talaga kutusan ng kapatid ko. Siya na nga itong nambitin ng tulog eh.
Sino na naman kayang bisita ko at talagang hating gabi na siya pumunta. Abah gold ka girl---

" Shit!" nahawak ako sa bibig ko dahil napamura ako. Muntik na nga akong mahulog sa hagdan.

Kumurap pa ako ng ilang beses kasi baka namamalikmata ako pero nandito nga siya. Nakatayo siya sa may living room at napatingin saakin ng marinig ang boses ko.

" Joke ba 'to? baka lasing lang 'to. Hindi 'yan totoo Alyx umayos ka" saway ko sa sarili ko at sinampal pa ng bahagya ang dalawang pisngi ko.

God! para na akong tanga dahil pati ba naman sa imagination siya parin.

Baliw kana Alyx.

Napaangat ako ng tingin at napasinghap ako nang makita ko siya sa harap ko. Ang bilis naman niya ata? Ganito ba talaga kapag imagination?

" You're not dreaming idiot." oh my god! Alyx imahinasyon mo lang 'yan!

Pati boses niya naririnig ko narin.

Kumunot pa ang noo niya at nakita ko ang bahagyang pag-irap niya. Pati sa imagination ko masungit parin eh.

" Hindi! alam kong imagination ko lang 'to. Malabong puntahan ako non" sabi ko at akmang aakyat na ulit sa taas pero hinila niya ako at lumaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Tang*na!

" K-rizen.." napalayo ako sakanya dahil sa pagkabigla.

Maigi kong pinagmasdan ang mukha niya. Shit!

" You're sane now?" may pagkasarkastiko niyang sabi.

Napamaang parin ako at titig na titig sakanya dahil hanggang ngayon hindi parin ako makamove on? joke ba 'to? paano? bakit?

" You're not dreaming Amora! you look stupid" inis na sabi niya at pinalo pa ako sa braso kaya napangiwi ako. Oo na hindi na nga ako nanaginip.

" A-nong...paano ka napunta dito?" Lutang na tanong ko.

" I teleport" umirap pa siya kaya napanguso ako.

Tumitig ulit ako sakanya at mas lalo pa siyang gumanda. Napangiti nalang ako habang nakatitig sakanya.

Nainis naman siya at akmang aalis pero mabilis na hinila ko siya at sinandal sa pader at hinalikan sa labi. Naramdaman ko ang pagkabigla niya pero hindi ko na pinansin pa. Sinimulan kong galawin ang labi ko at napapikit ako nang malasahan ang masarap at malambot niyang labi.

Mas hinapit ako siya sa bewang at pinalalim ang halik ko dahilan para bumalik siya ng halik.

Hinawakan ko ang batok niya at kinagat ang ibabang labi niya kaya napahigpit ang hawak niya sa braso ko.

" Amora.."

" Hmmm?" tanong ko habang hinahalikan parin siya.

" Happy birthday" kusa akong napatigil at hingal na hingal na tumitig sakanya bago natawa.

Hinila ko siya para yakapin at napasubsob sa leeg niya.

Shet! kinilig ako. Sana araw-araw birthday ko.

𝐺𝑎𝑚𝑒 𝑂𝑓 𝐻𝑒𝑎𝑟𝑡𝑠♡︎|COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon